Chapter 14

5 0 0
                                    

Dinatnan nanaman ako ng maghapon na nakaupo parin sa harap ng coffin ni lolo nagsisidatingan na ang ibang tao upang makilamay sa pumanaw kong lolo'

"Zyanne samahan moko bibili lang ako ng ipapakain sa mga makikilamay" biglang tawag sakin ni ate Czarinna

Walang sali salita akong tumayo at sumunod sakanya, hanggang sa sumakay kami sa sasakyan nya

Tahimik ang naging byahe namin wala ni isa samin ang naglakas ng loob na makagawa ng anumang ingay

Pakiramdam ko naging matagal at mahaba ang naging byahe naming dalawa samantalang parang inikot lang namin ang kalsada.. Pinarada ni ate Czarinna ang kotse nya sa di kalayuan para mas madaling puntahan at tulad nga ng sinabi nya namili kami.

"kuha ka lang nang kahit ano, bukod sa ipapakain sa mga makikilamay kailangan nating maghanda para sa laat night ni lolo" wika ni ate sakin ng makakuha ako ng cart

"mm, sige po" naghiwalay na kami ng pinuntahan nang makapasok kami sa mini mall

Isang oras o mahigit ang inabot namin sa pamimili bago matapos sa pamimili mga dalawang oras siguro lahat dahil sa sobrang haba ng pili.. Pagkatapos namin mamimili ay agad naman kaming sumakay sa kotse

"ate, pwede po bang daan muna tayo sa bahay? Kukuha lang ako ng gamit ko hanggang sa libing ni lolo"

"Sure" sagot ni ate at nginitian pa ako at niliko ang kotse

Maya maya lang ay nasa bahay na ako. Inanyaya kong pumasok si ate ngunit tumanggi sya at sinabing aantayin nya nalang ako sa kotse sinabi ko naman na dadalian ko nalamang upang di sya matagal mag antay

"oh? Bakit? Saktong pagpasok ko ay ang paglabas ni ate

"kukuha lamang ako ng gamit ko.. Pakisabi kay mama ate na itong sabado na ang libing ni lolo pumunta na lamang kayo ng maaga don dahil maaga ang libing" sabi ko at diretsong umakyat sa kwarto ko. Agad akong kumuha ng 5 pares ng damit at undermeant ko bago bumababa

"aalis kana? Bilis naman" si ate nanaman yan

"Yap, inaantay ako ni ate czarinna sa labas mauna na ako wag kong kalimutan ang sinabi ko mag ingat kayo dito" sabi ko pa at winagayway ang kamay palabas ng bahay

Agad akong sumakay ng kotse at agad din kaming umalis, nagulat naman ako ng mag a'alis siete na pala

"Bat ang bilis naman ng oras 7pm na pala tss" bulong ko sa sarili ko.. Kinuha ko ang phone ko at sinaksak ang earphone ko tapos ay tumingin ako sa bintana, mejo traffic kaya ramdam ko na ang pagsakop ng dilim sa paligid pero agad din kaming nakarating sa bahay

Pumunta ako sa likod ng kotse ang binuhat ang uba naming pinamili at papasok na sana ako ng humarang si..... Adrian ?? Sa kin

"akin na ako na" sabi nya at ginawaran ako mg pagkaganda gandang ngiti hindi pa man ako sumasagot ay agad na nyang kinuha ang mga plastik na bitbit ko, napako ako sa kinatatayuan ko nawala sa isip kong sinabi nya nga palang babalik sya dito kasama si sarah hindi ko napag handaan

"binitbit na't lahat anong ini'inarte mo dyan?" muntik na akong mapatalon sa gulat ng may magsalita sa bandang likuran ko at ng lingunin ko ay walang iba kundi si sarah , nakasandal sya sa kotse at naka cross arm and leg sya habang pinapanood ako

"kanina kapa dyan?" sinikap kong ibahin ang topic dahil paniguradong mangungulit sya sakin hanggang walang nahihitang sagot

"kanina pa kami pero sinabi naman ni tita shen na nag grocery kayo kaya nag antay nalang kami, nga pala baka sa libing na kami makabalik ah? May report kasi ako at kailangan kong pag aralan dahil nasiraan nanaman ata ng bait si mam feliona at ako ang napag initan, tss bat kasi di pa mag asawa! Bwst yun na i'stress na siguro yun at baka menopause na"

Naglingunan kami at sabay na Natawa.

"baliw ka talaga alam mo na ngang matandang dalaga kaya mainitin ang ulo gagatungan mo pa! Haha okay lang naman eh na di ka muna pumunta naiintindihan ko naman eh" sabi ko sakanya at tinabihan ko sya

"wag mo na ipagtanggol si mam dahil iba ang sinasabi sayo dahil wala ka dun" sabi sakin ni sarah at tumango pa tumaas naman kilay ko sakanya

'at talagang ako mam?? Wag ako iba nalang, masasaktan ka lang hahahah'

"ansabi nya!!" di ko napigilan ang sarili kong mataasan sya ng boses

"hindi naman daw masama ang um'absent ka girl.. Dahil teggy daw ang lolo mo ee ang kaso pumasok ka naman daw minsan dahil hindi naman mabubuhay ang lolo mo pag ikaw nagbantay" sabi nya na animo'y natatawa pa o ini'imagine ang itsura ni mam feliona habang sinasabi nya eto sakin

"padalhan ko kaya yun ng death threat? syempre joke lang mamaya duguin bigla yun eh" sabi ko kay sarah at nagtawanan kaming pareho

"ang siraulo mo zyanne alam mo yun? Baliw ka haha" sabi sakin ni sarah tumingin nalang kami sa langit at tinanaw ang mga bituin

"Tingin mo sarah? Isa naba sa bituin si lolo at nakatingin satin?" tanong ko kay sarah at ramdam kong nasa akin ang paningin nya di ko man sya lingunin

"Gaga! Pano magiging bituin si lolo? Eh sabi sa science ang mga bituin ay mga bato sa labas ng mundo tss. Sa solar system natin" batid kong pinipilit lang ni sarah pasayahin ang tono nya ng pananalita kaya mas pinilit kong ngumisi sakanya ^_^

Maswerte parin ako sa kaibigan ko!

"zyanne? Papayag kaba pag may nanligaw sakin?" agad tanong ni sarah sakin

"Anak ng.. Sinong siraulo naman ang manliligaw sayo?" sabi ko sakanya at tinuro pa sya at pinipigilan kong matawa sa reaksyon nya

"Ikaw alam mo? Ang bastos mo eh noh? Ang baho ng bunganga mo ! Nagtatanong nga ako eh" sabi nya at nag tatampo tampuhan

"sino nga yan? Si krelin o Majimbu?" pang aasar ko sakanya

"Si dwayne" sabi nya ng di nakatingin sakin

"HAHAHAHAHAHAHA, LT ka talaga sarah si dwayne ? Liligawan ka?" tanong ko sakanya.. Nagulat ako sa sinabi nya sakin dahil ang pagkakakilala ko kay dwayne ay oo nga gwapo, mabait, mayaman, nasa kanya na lahat kaso torpe! Kahit alam ko na may paghangga sya kay sarah at pinu'push ko sya ay sobra syang nahihiya kaya nagulat ako sa sinabi ni sarah

Ang ganda ni sarah ah?! Haha

"bakit panget ba ako?" sabi sakin ni sarah

"Alam mo sarah maganda..... naman kasi talaga ang gabi wag mong sirain sa tanong mong yan" sinabi ko yan ng may halong pang aasar sa tono at inakbayan sya

"so panget nga ako!!!" sabi nya na naiiyak na !!

Lakas magpaiyak zyanne lakadyan!

"uy ano ba ?! Haha syempre hindi joke lang maganda ka syempre ^_^ teka nga! Sinabi nya bang liligawan ka nya?" tanong ko kay sarah at ngumiti naman sya

"Hindi naman nagtanong lang ako sayo" sabi nya at tumingala ulit

'nag iimagine ba sya ??
'na nililigawan sya ni dwayne? Pffft. Hahahahaha

"pag nangyare yon? Ako mismo ang tutulong sakanya para sayo" sinabi ko yun ng nakalingon sakanya at napalingon naman sya sakin sa pagkabigla

"Tara na pasok na tayo gabi na, uwe na rin kayo maya maya ah?" sabi ko pa sakanya at umakbay sya sakin papasok kami ng bahay.

~To be continued

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Where stories live. Discover now