C F

2.1K 40 6
                                    


"Thank you for trusting us, Mr Raymundo. Sigurado akong hinding hindi kayo magsisisi sa pagtanggap ng offer ng NGC" pagsisigurado ni Anne at kinamayan si Mr Raymundo.

"Welcome. Malaki ang tiwala ko sa NGC. Bukod kasi sa kaibigan ko ang papa ni Vhong, marami rin nagrerecomend sa akin na sa inyo ako mag-invest" Ngumiti si Anne.

"So Partners?"

"Partners.. I have to go. My date pa kami ni Misis e hahaha" nakitawa na lang si Anne at umalis na si Mr Raymundo

Calling Vhong...


Vhong:" Hellow?!" Mataray na naman ang boses ni Vhong

Anne:" nagtataray ka naman.."
Naisip ni Anne na inisin ulit ang boss

Vhong:" Walang kang pake kung nagtataray ako.. Ano bang kailangan mo" iritable na ang boses ni Vhong

Anne:" Bakla kana siguro no.. Kaya ka laging mataray.."

Vhong:" kung mambi-bwisit ka lang! Ibababa ko nato!.. Teka! Nasa meeting ka ha!"

Anne:" tapos na ang meeting ko.. Kaya ako tumawag para sabihin na.. Tinanggap na ni Mr Raymundo ang offer natin"

Vhong:" Good!" Tapos binaba na ni Vhong ang phone niya.

"Tsk! Di man lang babye" lumabas na siya sa resturant at tumawag na ng taxi.


* * *

"Congratz, Anne!" Pagkalabas pa lang ni Anne sa elevator, Agad siyang sinalubong ni Marvic.

"Thank you" dumeretso si Anne sa table niya at binaba ang mga gamit niya. Napangiti siya ng may nakita siya isang cupcake na may sticky note.

~

Go to my office..

~

Kahit ganon ang lang ang nakasulat ay napangiti parin siya. Hindi man niya tanungin sa mga katrabaho kung sino ang nagiwan nito, alam niyang si Vhong ito. Bukod sa siya lang ang may opisina sa floor na ito.. Kilala niya pa ang sulat ng dati niyang kasintahan.

Nagayos muna siya at saka kumatok sa pinto. Agad naman siyang pinapasok ni Vhong

" Dahil nagandahan si Mr Raymundo sa presentation na ginawa mo.. May isa kang hiling mula sa akin" nagulat si Anne sa sinabi ni Vhong.

"Wish?"

"Wish o Favor.. Basta yung kaya kong tuparin o gawin.." Napangiti si Anne

"Mag-date tayo!" Napakunot ang noo ni Vhong "date.. Friendly date!"

"Friend?.. Magkaibigan ba tayo?" Ngumisi Vhong. Kumirot naman ang puso ni Anne sa narinig.

"Ah! Basta! Kaya mo yung tuparin kaya sasama ka sakin! Sa Sunday. Clear ang schedule mo non, kaya wala kang paraan para tumanggi!" Nakangiting saad ni Anne.

"Hi--" tututol sana si Vhong ng magsalita ulit si Anne.

"Sasama ka sa akin sa ayaw't sa gusto." Putol sa kanya ni Anne. Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya at bumalik sa table niya.

My Ex Bride To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon