C N

1.6K 52 24
                                    

"Oh kuys, mukhang malalim yang iniisip mo ah. Share naman diyan" pukaw ni Billy kay Vhong na abalang umiinom ng beer.

"Si Anne kasi e.." panimula ni Vhong.

"Oh? anong problema ni Anne?" tanong ni Billy habang kumukuha ng Beer sa ref ni Vhong. Umupo siya sa tapat ni Vhong at tinignan ito ng mabuti.

'Problemado nga..' Saad niya sa isip niya

"Sabi niya.. mahal niya pa ako. Gusto niyang magbalikan.. gusto niyang maging kami ulit" muntik na maibuga ni Billy ang iniinom ng marinig ang sinabi ni Vhong.

"Anong sabi niya?!" gulat na tanong niya.

"Narinig mo naman diba. Wag mo ng ipaulit. Masakit e" sagot ni Vhong at tumunga ng beer.

"Sorry. Anong sagot mo sa kanya?"

"Sabi ko... Di ko na siya mahal. Hindi na kami magkakabalikan..." Natuwa naman si Billy.

"Buti naman. Akala ko.." Magsasalita sana si Billy ng magsalita si Vhong

"Pero.. Tangna! Kahit anong pilit ng isip kong wag siya mahalin! Lumalaban ang puso kong mahalin siya!.. Hindi ko alam kung bakit ganto?! sinaktan na niya ako. Pero siya pa rin. Siya pari ang tinitibok ng puso ko!" maluluha luhang sigaw ni Vhong.

Tinabihan siya ni Billy at inakbayan.

"Akala ko ba wala na? Akala ko ba.. Hindi na.. Aka--"

"Akala ko rin. Pero ng magkita ko siya. Aaminin ko.. nabuhayan ako. Natuwa ako. Nung nakita ko siyang kausap at katawanan si Sam, Gusto kong hablutin siya at itago sa kwarto ko at ikulong sa mga bisig ko. Sa t'wing tumatawa siya, Sa t'wing naiinis siya.. Sa t'wing umiiyak siya.. Gusto ko ako ang dahilan ng mga 'yon. Gustong gusto ko siyang yakapin, halikan at gumawa ulit ng mga pangarap sa kasama sa kanya" tuluyan ng umiiyak si Vhong. Siguro dala na rin ng iniinom niya kaya naibuhos na niya ang mga gusto niya sabihin. "Mahal ko siya..mahal na mahal ko pa ri siya. Hindi ko alam kung bakit?" Si Billy naman ay nakikinig lang at hinihimas ang likod ng kaibigan.

"Ba't hindi mo sinabi sa kanya.Ba't di mo pina alam sa kanya ang nararamdaman mo.. ba--" naputol na naman ang sinasabi ni Billy.

"Hind ko alam. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Basta hindi pa ako handa" dumukdok si Vhong sa lamesa.

"Vhong, da--" narinig ni Billy na humihilik si Vhong kaya napailing na lang siya. Inakay niya ang kaibigan at inihiga sa kwarto nito.

"Anne.. A-nne.. m-mahal ko.." bunkang bibig ni Vhong na naririnig ni Billy ang pinagsasabi ni Vhong.

"Tinamaan ka na naman" pailing iling na saad ni Billy bago umalis at umuwi.

* * *

kinabukasan na gising si Vhong na masakit ang ulo. Idagdag pa ang sabay na pagtunog ng alarm clock niya at ang cellphone niya. Kinapa niya ang alarm clock at pinatay. Bumangon siya at sinagot ang tawag.

"Hello?!" inis na tanong niya sa kabilang linya.

[kuys! mukhang masama ang gising mo ha?! hahaha yan. inom ka kasi bg inom, di mo naman pala kaya] pangangatyaw ni Billy sa kaibigan. Hindi kasi sanay si Vhong sa malakasang inumin.

"anong bang kailangan mo?! istorbo ka!" tinawana lang siya ng kaibigan.

[ wala. Tsineck ko lang kung buhay ka pa hahaha] natatawang sagot ni Billy

"gago!" sigaw niya bago ibaba ang telepono at nahiga ulit.

"arghhh! sakit ng ulo ko!" daing niya. nagring ulit ang cellphone niya.

My Ex Bride To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon