"Umuwi kana! Utang na loob naman oh." Pagmamakaawa ni Anne kay Vhong mag gagabi na ay nasa bahay pa rin nila ito.
"Ba't mo ba ako pina uuwi?! wala kang karapatan para pauwiin ako. Si Mama lang pwedeng mag pauwi sa akin dahil siya ang nag invite sa akin dito!" Bulyaw ni Vhong
"May karapatan akong pauwiin dahil bahay ko 'to!" Sigaw rin sa kanya ni Anne
"Ka--" may pumutol sa sinasabi ni Vhong
"Anne, okay lang kayo?" Biglang sumingit si Sam. Inirapan siya ni Anne at binalingan si Sam.
"Oo. May konting problema lang.." binalingan niya ulit si Vhong at inirapan tapos binalingan ulit si Sam.
"Ah. kala ko kasi kung anu e. kanina pa kayo pinakikinggan ng mga kapit bahay." Saad ni Sam.
"Mga tao nga naman oh." pukaw ni Vhong sa intensyon ni Anne. Napairap na lang si Anne. Napatingin naman si Sam sa itsura ni Vhong. Naka boxer ito at naka-sando. Samantalang si Anne ay naka-t shirt, naka shorts at magulo ang buhok. nagtatakang tinignan ni Anne ang dalawa
"Anne? ikaw? saka siya? nag ano?" makahulugang tanong ni Sam
"Ha?" naguguluhang tanong ni Sam
"Nag-sex daw ba tayo?!" nanlaki naman ang mata ni Anne at agad na umiling.
"Hindi!.. Walang ngayari!" maagap na sagot ni Anne ng makabawi.
"Defensive! hahaha" Inis ni Vhong
"Manahimik ka!..May bisita oh! Wag ka ngang humiga ng ganya!" saway ni Anne kay Vhong.
"Bisita rin naman ako ha. Wag ka nga! Manahimik ka p--Arrraayy!!!" nainis si Anne kaya binato niya ito ng tsinelas "ano bang problema mo?!" Galit na tanong ni Vhong
"Ikaw ang manahimik! Bahay ko 'to kaya wala kang karapatan para patahimikin ako!" Kahit na gusto ni Anne na nasa bahay niya si Vhong, naiinis pa rin siya dahil ayaw niya ng gantong nag aaway sila.
Actually, hindi pala sila nag aaway, Nag uusap sila.
"What ever!" tumayo si Vhong at dumerecho sa banyo.
"Ganyan ba talaga kayo?" tanong ni Sam na pumalit sa pwesto ni Vhong sa sofa.
"Oo. Halos araw araw, ganyan kami" sagot ni Anne at naupo sa tabi niya.
"Mukha siya gago" comment ni Sam.
"Alam ko.. at mahal ko 'yang gagong yan" nakangiting sabi ni Anne. Alam kasi ni Sam ang nararamdaman ni Anne para kay Vhong at alam rin ni Sam na mag- Ex sila.
"Sweet naman. Sana mahanap ko rin ang Anne ng buhay ko." Natawa naman sila.
"Ikaw talaga" sinandal ni Anne ang ulo niya sa balikat ni Sam. Si Sam naman ay inakbayan siya.
Lingid sa kaalaman nilang dalawa na nakatingin sa kanila si Vhong. Nakakaramdam siya ng inis at selos.
"Mahal pala.."
Binuksan niya ang pinto ng banyo at padabog na sinara. Napatingin naman ang dalawa sa kanya. Lumakad siya at naupo sa tabi ng dalawa. napapagitnaan nila si Anne.
"Magluto ka na. Nagugutom na ako" malamig na utos niya.
Dahil mukhang napansin ni Anne na hindi tamang tanggihan ang utos ni Vhong dahil sa nakasumbakol na mukha nito ay sinunod na niya ito ng walang karekla-reklamo.
Tumayo siya at pumunta sa kusina. Habang ang dalawa ay tahimik na nanonood ng TV.
"Kayo ba?" napalingon si Sam sa tanong ni Vhong.
BINABASA MO ANG
My Ex Bride To Be
FanfictionPaano kung bumalik ang babaeng nanakit sayo? Anong gagawin mo? Ipagtatabuyan mo ba? O Babalikan mo?