Chapter One
Chieenna
Hindi ko inakalang aabot sa ganito ang pag ka gusto ko sa baltazar na un. Pero damn! Sa bawat oras na makasama o tingnan ko siya patuloy akong nahuhulog sa kanya. Sa tingin ko pa'y manhid ang isang un dahil hindi niya man lang maramdaman na gusto ko na siya. Aisssh! Nakakatangaaa siya grabe!
"Oy! Tsina! Kanina ka pa parang tanga dyan! Bat ba mukhang bad mood na bad mood ka ngayon? Si Baltazar yang iniisip mo noh? Hahaha! Sabi ko na nga ba gusto mo ung Diegwapong un eh!" sabi saken ni Rose. Hindi niya alam na gusto ko na si Baltazar pero sa tingin ko nararamdaman niya na. Alam kong dapat sinabi ko sa kanya pero ayoko, madaldal pa naman ang isang toh mahirap na. Baka kumalat na lang bigla ang sikreto ko at baka iwasan lang ako ng Baltazar na un. Nga pala, alam kong nagtataka kayo kung bakit China ang tawag niya saken ung pangalan ko kase na 'Chieenna' katunog ng Tsina.
"Anong sinasabi mo dyan? Anong gusto gusto!? Baliw ka ba? O nahihibang k---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil......
"O to the M to the G! Nakatingin sayo si Diegwapo!!!! Palapit na siya ghad!!! Kinikilig ako shet shet shet!" sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko.
Bat ka ba ganyan maka tingin saken? Di mo ba alam na unti unti na akong natutunaw sa loob loob ko? Jusq Diego! Ikaw lang nakakapag pabaliw saken ng ganito!
"Huy! Tsina! Nakatulala ka nanaman! Alam ko namang gwapo ako pero grabe na yan ah hahahah!" sabi saken ni Diego. Mahangin din ang isang toh eh. Feeling ko nga pag kasama niya ako lagi akong liliparin!
"Kapal ng mukha mo! May dumi ka sa mukha kaya ako naka tingin sayo! Akin na nga tatanggalin ko!" sabi ko sabay hawak sa mukha niya at kunwari may tinatanggal. Witwiw! Chansing ka Chieenna ah!
"Edi kanina pa pala nakikita ng mga estudyanteng may dumi mukha ko?" tanong niya saken.
"Oo kaya! Kala mo naman nakatingin sila sayo kase gwapo ka? Kapal Diego ah! Ang kapal!" sabi ko saken sabay sampal ng mahina sa mukha niya. Shet bakit ganun???? Ang lambot ng balat niya?? Nakaka turn off tuloy ka babae kong tao pero hindi ganyan ka kinis mukha ko.
"Aw! Mashaket!" sabi sa kanya ng binata na hindi niya pinansin dahil kung ipagpapatuloy niya pa ito kikiligin lang siya dahil ang paniguradong susunod na gagawin ng binata at kilitiin siya.
"Ay ang galing kanina bad mood pero dumating lang si Diego kung maka ngiti wagas." sabi sa kanya ni Rose na naka nguso haha! Eto talagang best friend niya may pagka baliw. Pero kahit ganyan naman yang best friend mahal niya yan haha.
"Woy! Shhh.. Ka lang!" sabi ko sa kanya na medyo nagpipigil ng sigaw. Hindi niya ba alam na nasa harap namen tong si Baltazar.
"Nga pala Tsina, birthday kase bukas ng pinsan ko lam mo na, 18th birthday. Napaka arte pa non gusto niya madami siyang bisita kaya sabi niya mag yaya na din ako ng ibang kaibigan, eh ikaw agad naisip ko kaya..." sabi niya na medyo nahihiya dahil halata sa mukha niya ang pag ka ilang. Pero teka! Sabi niya ako agad naisip niya? Ha! Bakit naman kaya? Eh kung tutuusin madami pa siyang ibang kaibigan.
"Ah sige! Anong oras ba? Tska sama naman naten si Rose baka magtampo pag iniwan ko siya" sabi ko sa kanya na mukhang okay lang talaga na sumama ako kahit alam kong madami pa kameng project.
Pero kung para naman sa mahal k------ TEKA! Ano ba tong iniisip ko???? Anong mahal mahal??? Nako Chieenna bata ka pa para sa bagay na yan ah! Tumino ka! Dalagang pilipina ka kaya dapat hindi ka easy to get.
"Ah sige kung gusto mo isama si Rose sige lang. Tska sabay tayo mag tanghalian mamaya ah! Una na pala ako Tsina! Bye kita na lang tayo mamaya." sabi ni Diego sa kanya na buong buo ang ngiti. Angg cutee niyaaa!
Sa tingin ko alam ko na talaga ang dahilan kung bakit gustong gusto ko tong lalaki na toh! Haist. Diego ano bang kapangyarihan meron ka at nababaliw mo ako ng ganito... Matagal tagal na din tayong makakilala at bawat sulok ng mukha mo kabisado ko na. Siguro nga almost 4 years na kameng magkakilala at muntik na ngang maging kame pero wala eh paepal si Tadhana. Pero ngayon sa tingin ko.. Pwede na. Dahil nakakaramdam na ako ng pag asa. At kapag nararamdaman kong may pag asa pa ako para akong kinikiliti.... Ayoko man isipin pero siguro...
Siguro mahal ko na talaga ang gwapong un.
YOU ARE READING
The Falling Game
Teen FictionIsa lang ang patakarang dapat mong sundin. 'BAWAL MAFALL' Dahil kapag ikaw ang unang na fall ikaw ang talo sa larong ito.