Chapter three

61 0 0
                                    

Chapter three

                           Chieenna

"H-ha? A-anong sinabi mo? Mahal mo na ako?" sabi ko sakanya ng nauutal. Hindi paren ako maka paniwala... Pano nangyari toh?

"Tama ka ng narinig Chieenna Mae Hidalgo, mahal kita, ng sobra, sobra, sobra." sabi sa kanya ni Diego ng may ngiti sa labi.

Hindi ako naniniwala. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam. Paano? Ano toh? Lokohan? Mahal niya ako? Ano daw? Nababaliw na ba siya? Mahal niya ako ng sobra sobra? Iniisip ko pa lang na gusto niya ako hindi ko na kaya, isipin ko pa kayang mahal niya ako, paano na....

"Una na muna ako." sabi ko sa kanya sabay takbo pa punta sa restroom.

Aish. Ano yun? Hahaha! Ang epic non ah? Natutuwa ako na hindi maka paniwala. Haist. Gusto kong mahal niya ako pero hindi talaga kapani paniwala. Alam kong dapat maniwala ako dahil nakita kong seryoso ang itsura niya at nakikita ko iyon sa mata niya pero mahirap talaga paniwalaan....

Pag ka labas ko ng restroom nagulat ako dahil may nakabangga ako at.... Hindi lang bangga..

Shit yung first kiss ko.

Omyghad! Ung first kiss ko!!!!

"Hayop ka! Yung first kiss ko inagaw mo!" sabi ko sa taong umagaw ng first kiss ko habang pinapalo siya ng bag. Pero huli na bago ko pa makita ang mukha niya at tumakbo na ito palayo.

Pero teka! Yung buhok... Hindi.. Mali tong iniisip ko.. Hindi si Diego yun. Impossible.

"Huy! Best! Bat nakatulala ka??"

"Besstt halo!! Pansinin mo naman ako!"

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala ang bestfriend ko. Dapat ko bang sabihin sa kanya o hinde.

"Rose, yung first kiss ko...." sabi ko sa kanya ng may lungkot. "Wala na Rose, wala na"

"Whaaattt??? Kanino na punta? Kanino kanino kanino?" sabi niya saken. Paano ko toh masasagot eh hindi ko man lang nakita yung mukha.

"Hindi ko alam. Hindi ko kilala. Nakakabigla yung pangyayari." 

"Ano? Panong? Hindi mo alam? Uy ano ba tsina first kiss mo hindi mo alam kung kanino na punta???" sabi niya na niyuyugyug ako. Hindi ko talaga alam..

"Hindi ko alam pero...." dapat ko bang sabihin na parang si Diego ang kumuha ng first kiss ko? "Pero, yung buhok niya... Kabuhok ni Diego."

"Jusko Tsina! Imahinasyon mo ah kung san san umaabot! Wahahah! Ang corny ng joke mo!" sabi niya na mukhang tawang tawa pa.

"Hindi ako nagbibiro. At sa araw na malaman ko kung sino un, ikaw naman hindi makakapaniwala." sabi ko sa kanya na mukhang kampanteng kampante na si Diego ang kumuha ng first kiss ko. Pag katapos ng usapan na yun ay umalis na ako.

Damn. Diego Baltazar Jr. Why are you doing this to me? Masaket na umasa. Nakaka tanga kaya. Yung feeling na ang hina hina mo. Siguro nga, hindi na dapat ako umasa na si Diego yun.

Habang nasa canteen ako napapansin ko lang na parang walang ako sa mundo. Walang pumapansin. Well kahit naman noon ganito na pero may naririnig na akong masasamang salita.

"Tanga ba siya? God. Di niya ba alam na niloloko na lang siya ng bby Diego naten?"

"Kawawa naman siya pero bagay lang sa kanya yan feelingera. Feeling niya mahal siya ni Diego pero ang totoo---"

Hindi ko na alam ang nga susunod nilang sinabi dahik tumayo na ako at umalis sa canteen. Di ko yata kakayarin yon. Bakit may ganitong nangyayari? Noon naman hindi ganito.

Habang naglalakad ako papunta sa room naka salubong ko si Red kaibigan ni Diego.

"Oh Chieenna! Bakit mukhang malungkot ka?" buti pa siya napansin niya. Pero yung iba hindi..

"Ah.." sabi ko ng may ngiti sa labi. "Ano pagod lang ako. Yaan mo ayos lang ako"

"Ingat ka na lang kay Die---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil naalala niyang may project pa daw pala siya. Even though hindi ako naniniwala na may project sila. Sige hayaan na.

Nag lesson na ng nag lesson ung teacher namen ng biglang may pumasok sa room. Shit! Si Diego. Nakatingin siya saken ay mali. Nakangiti siya saken. Anong meron?
Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin saken ni Diego. Nag focus na lang ako sa lesson ng teacher namen.

Uwian na at iniintay ko na lang si rose para sabay kameng uuwi. Nang matagpuan ko na siya. Mukha siyang nadidismaya or what basta ang alam ko feelings niya lang makakapag explain non.

"Oh Rose bat ganyan itsura mo?" tanong ko sa kanya habng sinasabayn siya ng lakad.

"Nakita mo na ba?" ha anong nakita? "Nakita mo na ba? Yung kumakalat na picture mo na may kahalikan na lalaki? Andaming ng bash sayo Chieenna! Papayag ka ba ng ganun ganun ka na lang nila tratuhin!?" sabi sa kanya ni Rose na galit na galit. Ha? Ano kumalat yung picture ko?

"Ha? Nakita mo ba kung sino ung lalaki?" sabi ko sa kanya.

"Ayan talaga ang iisipin mo sa ngayon? Diba ang dapat mong isipin ay ang mga humugusga sayo!? Chieenna isipin mo naman ung pag katao mo! Yung apilyido mo! Sikat yan sa lugar niyo tapos ganto ganto na lang? Para mo na ding pinahiya ang apilyido ng tatay mo. Grabe." sabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko basta gusto kong malaman kung sino yung lalaki.

"Sino yung lalaki rose?" sabi ko sa kanya na seryoso ang mukha.

"Grabe Chieenna! Ayan parin talaga ang iisipin mo? Sige kung sasabihin ko sayo kung sino ung lalaking humalik sayo matatahimik ka na ba at iisipin mo na ba ang apilyido mo! Ang ama mo! Sikat kayo Chieenna tapos...." sabi niya na halatang galit na galit na. Hindi ko naman kasalanan ung halikan na yun ah! At kung iniisip niya na wala akong paki sa apilyido ko! Meron! Kaya ko nga tinatanong kung sino ung lalaki para maipakulong ko na dahil hindi tama ang ginawa niyang pang aagaw ng halik

"Just tell me who's that damn guy" sabi ko sa kanya ng may diin.

"Si Diego. Tama ang hinala mo." sabi niya na ikina bigla ko.

"Si Diego? Sigurado ka?"

"Oo Chieenna kitang kitang ng dalawang mata ko na si Diego un. Si Diego chieenna, si Diego."

*******
Oh diba sabi ko naman di ko kayo bibiguin hahaha.

Haba nito besyy! :))))

Labyu all :*

The Falling Game Where stories live. Discover now