Chapter two

35 0 0
                                    

Chapter two

                              Diego

Kinabukasan.....

Nasa kalagitnaan ako ng pag tulog ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello"

"Oi pare! Ano na? Suko ka na ba sa pustahan naten?" sabi ng kaibigan niya sa kabilang linya. At oo tama ang nabasa niyo, may pustahan kame. Eh wala! Natalo ako pano napaka mandaraya nitong isang toh!

"Gago! Ang aga aga tatawagan mo ako para tanungin lang niyan? Sigurado akong alam mo ang sagot!" sabi ko sa kanya ng may pag ka inis.

"So? Ang sagot mo ay, oo?WAHAHAHA!" sabi sa kanya ng kaibigan sabay halakhak.

"Hindi! At sa tingin ko nga ay naiinlove na saken si Chieenna"

"Ayun naman pala eh! May 15 days ka pa dude! May 15 days ka pa para paasahin si Chieenna." sabi ng kaibigan sabay baba ng telepono.

Ayoko mang lokohin si Tsina pero.. Natalo ako sa pustahan namen kaya hindi na ako papayag na matatalo pa ako dito sa larong toh. Itong larong puro loko lamang.. At ang unang mafall ay talo ito ang... 'The falling game."

    
                         Chieenna

Nasa kalagitnaan ako ng pag bibihis ko ng biglang kumatok ang nanay ko.

"Chiiieeee!!! Gumising ka na! Anong oras na baka ma late ka sa klase mo!"

"Opooo maa! Baba na po ako."

Pag katapos ko mag ayos ay bumaba na agad ako para magaagahan. Pag ka babang pagka baba ko ay sinalubong agad ako ni ate ng kasweetan.

"Good morning sistahh! Musta tulog mo? Ayos ba?" sabi niya saken. Hindi ko alam kung bakit ganyan palagi si ate. Minsan nga naiisip ko may kailangan siya saken o nababaliw siya hahaha kase minsan umagang umaga yayakapin ka tapos mag dradrama na mamimiss niya daw ako pag nasa school ako haha.

"Okay naman ang tuloy ko ate, eh ikaw?" sabi ko sa kanya ng naka ngiti kahit sa isip isip ko ay nababaliw nanaman siya.

"Omay! Buti naman ayos lang tulog mo! Ako hindi masyado di kase ikaw napaginipan ko ih." sabi niya na mukhang malungkot at nahihiya. Pfft! Sabi na eh nababaliw nanaman siya.

"Baliw." bulong ko sa sarili ko.

Pag katapos kong kumain ay pumasok na agad ako sa school, at syempre happy nanaman ako kase makikita ko nanaman si Die--- speaking of Diego, bat kaya wala siyang good morning message ngayon? Aishh! Chieenna umaasa ka nanaman! Wag kang asa ng asa pano na lang pag umalis si Diego? Haist. Ano ba naman to?!?!?

Pag ka pasok ko sa school ay naninibago ako dahil lahat ng tao ay tahimik at nasa gilid lamang para tuloy akong dumadaan na reyna haha! Nagulat ako ng may biglang nag bigay ng bulaklak saken.

"Para san to?" tanong ko sa nag bigay saken ng rosas.

"Pinapabigay po ng hari niyo."sabi niya sabay alis. Aba bastos un ah. Pero anong hari?? Di naman ako alagad para magkaron ng sinasambang hari.

Maya maya ay nakatanggap nanaman ako ng rosas hanggang sa naging anim na ito. Takang taka parin ako. Kanino ba talaga toh nang gagaling?

"Boo!" nagulat ako ng may biglang sumigaw non sa may likuran ko. Pag lingon ko ay nabigla ako ng nakita ko si Diego.

"Huy! Ano ba bat ka ng gugulat?" sabi ko sa kanya.

"Di mo ba gusto?" sabi niya sabay nguso sa mga bulaklak. A-ano? Sa kanya ba galing tong mga toh??

"Sayo galing toh?" takang tanong ko.

"Oo eh. Gusto mo ba malaman kung bakit anim?" sabi at tanong niya saken. Oo nga naman bakit kaya anim?

"Sige bakit anim?"

"Kase. I. Love. You. So. Much. Chieenna." ANO? i love you daw? Ano? Pano nangyayari toh? Ha? B-bakit? P-pano? Hindi ba ako nananaginip?

"H-ha a-anong i love you?" tanong ko sa kanya. Di ako maka paniwala ng nangyayari toh.....

Parang pangarap ko lang toh noon ah. Totoo ba toh? Seryoso ba toh? Wala bang loko loko toh? Baka naman trip trip lang toh-- tska teka Chieenna! Baka naman friendly I love you lang tska kung maka react ka parang nililigawan ka! Ano bayan! Napaka oa ko.

"Tama yung narinig mo, mahal kita Chieenna, I love you."

*******
Sorry kung maikli pero promise babawi ako sa next chap.

Sorry din kung ngayon na lang ulet ako nag ud. Busy lang talaga ako.

The end.

Syempre charot lang. Haha! Chap two pa lang toh the end na agad.

Abangan niyo ung chap three, promise di ko kayo bibiguin.






The Falling Game Where stories live. Discover now