•Cass Pov•
Ano kayang meron kay Bella at Tyron? Bat kaya ganun si Tyron sa kanya? Bat ngayon ko lang nalaman na magkakilala pala sila? Bat hindi sinabi sakin ni Bella? May tinatago ba siya sakin? Sana tama lahat ng iniisip ko! Matagal na kasing walang Boyfriend tong bespren ko kaya ako yung unang tao na magiging masaya sa kanya kapag nagkaboyfriend siya
"Uyy! Bella ikaw ah !" Sabi ko sa kanya habang tinutusok-tusok ang kanyang tagiliran halatang kinikilig parin siya hanggang ngayon
"Pffftt ! Bessy ano ba ? Baka mapagalitan tayo ni Prof " Pigil niya sakin kahit gusto na niyang humalakhak sa pagkakakiliti ko sa kanya
"Suss! Tyron pala ha! Bat di ko alam yan? " Kumunot naman ang noo ni Bella kasabay ng mga titig na puno ng katanungan
"Ha? Sinabi mo dyan ? Walang kami noh ! Baliw ka bessy pfftt! " Kakaloka tong bespren ko hindi ko maintindihan kung kinikilig ba o hindi
Tumahimik na kaming dalawa at nakinig sa prof namin. Nakakaantok man makinig sa dicussion pero kailangan haysss . Nakita ko namang humikab si Bella tumingin siya sakin kaya natigilin siya sa paghikab binigyan niya ako ng isang ngiti...
Naistorbo naman ang katahimikan namin ng tumunog ung Bell .
"uwiaannnn naaaa yeyyy! Kaantok " Sigaw ni Bella na pagkakamalan mong grade 6 student dahil sa inasta niya
"Hahahahah! Kaantok naman talaga eh ! Walang talagang trill magturo si Sir " Nagtinginan kami at biglang nagsitawanan
Lumabas na kaming dalawa sa room namin dahil dalawa na lang kami sa loob. Habang naglalakad kami kita sa malayo ang dalawang lalaking naglalakad patungo sa direksyon kung saan din kami naglalakad ni Bella . Habang palapit ng palapit ang dalawang pigura ng lalaki , Unti-unti namin itong nakikilala . Si Tyron at si Luis pala ang dalawang naglalakad na lalaki papalapit sa amin
"Hey guys! Let's go hatid nanamin kayo " Sabi ni Tyron at agad ko namang tinignan si Bella pero nag-iwas lang siya ng tingin sa akin ayaw ata niyang makita na namumula na ung pisngi niya
"Ah! Sure " Sagot ko sa paanyaya ni Tyron . Kumapit naman ako sa braso ni Luis . Tinignan ko siya pero blanko ang mukha niya . Parang bang may kakaiba sa kanya ngayon araw
"Babe ? What's Wrong ? " Tanong ko sa kanya kaya agad kong nakuha ang atensyon niya
"Nothing Babe ! " Sagot niya sa akin . Napalingon naman ako kay Tyron ng bigla siyang magsalita
"Ahmm Bella! Tara na sakin ka na lang sumabay para naman hindi maistorbo tong dalawa " Sabi niya kay bella at tumingin naman siya samin at ngumiti
"Ahmm Ano kasi eh! " Natatawa naman ako kay Bella dahil nauutal na siya . Pero tumingin muna siya samin . samin nga ba? o kay luis lang? Nangungusap ang mga mata niya na parang nagtatanong . Tinignan ko naman si Luis at tumaas lamang ang isa netong kilay
"Sige na Bella sumabay ka na dyan kay Tyron . tignan mo oh kawawa naman siya lang mag-isa " Tumawa namin kami maliban kay Luis
"Ahhmm sige sasabay nalang ako kay Tyron ! Let's go guys! " naglakad naman kami papuntang parking lot . Ng makarating kami sa parking lot nakita ko naman kung paano inalalayan ni Tyron si Bella simula kanina at hanggang sa pagsakay sa loob ng kotse niya . Pero ako? HIndi manlang ako pinagbuksan ng pinto ni Luis mas nauna pa nga siyang sumakay kesa sakin eh nakakainis
Habang bumabyahe kami nakikita ko naman nakasunod lang sila Tyron samin. Pero halos mabingin ako sa sobrang tahimik . Ang weird talaga ni Luis Ngayon nakakainis .
"Babe? May problema ba? " Tanong ko sa kanya at niyakap siya kahit nagdadrive siya
"Pshh! Babe ! Stop hugging me ! Baka mabangga tayo !" Nainis naman ako sa kanya dahil dati mas gusto niya pang niyayakap ko siya kapag nagdadrive pero ngayon ayaw na niya . Nakakatampo na talaga
"Whats Wrong wih you? Why you being cold? May problema ba tayo ?" Tanong ko sa kanya at sinandal ko na lamang ang aking ulo sa upuan. Nakita ko namang hinilamos ni Luis ang isa niyang kamay
Simula nun hindi na kami nag-usap hanggang sa marating kami sa condo ko . Pareho kaming walang imik samantalang si Tyron at Bella walang ginawa kundi magharutan tawanan , asaran hayss nakakainggit bwesit kasi tong si Luis ang coldcold
Nasa tapat na kami ng condo ko at sabay kaming nagpaalam ni Bella . Hahalikan ko sana si Luis sa pisngi pero nag-iwas siya . Nasasaktan na ko sa ginagawa nya . Nakita ko naman nagnakaw ng halik si Tyron sa pisngi ni Bella . Namula naman ang mukha neto syaka nagpaalam . Sabay umalis si Tyron at Luis .
" Bat nakasimangot ka ? " tanong sakin ni Bella. Pero dahil taksil ang luha ko tumulo na lang ito basta basta .
"Bessy? Bakit ka umiiyak? " NIlapitan naman ako ni Bella at hinagod ang likod ko kaya ang tahimik kong hikbi at tuluyan ng kumawala
"Si Luis kasi eh . Sobrang cold niya simula kanina hanggang ngayon *sob* wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya pero bat ganun siya *sob* " Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Bella
"Haysss bessy kausapin mo na lang siya bukas o kaya itext mo siya ." Iyak lang tugon ko kay bella . Niyakap na lamang niya ako para patahanin
BINABASA MO ANG
Sex Slave Series 1: Bella Marie Villanueva
RomanceIsang babae na nasa isang tahimik na buhay ngunit may dumating lalaki na nagiging dahilan upang mawasak ang tahimik niyang mundo .Magiging parausan siya nito sa tuwing magkikita sila