Bolpen 4

73 15 28
                                    

Bolpen 4- uy bampira daw oh.

            Napaka-bipolar talaga nitong lalaki na ito. Nakakainis. Kanina tawa ng tawa tapos ngayon tahimik, dinaig pa ang babae pagmeron. Tangina.

            Pauwi na ako sa bahay, syempre kasabay ko umuwi si Migs at kasama niya ang jej3 niyang girfriend, Aira pangalan-- bh0sZx AiraH tawag ko naman sakanya. Kadiri nga silang tignan eh, kapatid ko nakikipaglandian sa dyip sa kanyang jej3 na gief at sinundo pa namin si Aira paguwi. Tangina lalo.

            "Sige babes, pasok na ako sa bahay ah. Text text na lang," sabay wink sa aking kapatid. Kadiri, dinaig pa ako nitong babae na ito sa pakikipaglandian, ako nga college na nagkaroon pero nakalima naman ako chos!

            "Bata bata niyo pa makipaglandian..." bulong ko sa sarili ko at narinig nilang dalawa, sige matamaan kayo dapat lang para matigil na yang kalandian niyo sa harapan ko, nakakasuya pwe.

            Sinukuhan ako ni Migs sa tagiliran at napa-ouch naman ako, sino ba hindi? Bampira? Zombie? Sus. 

            Naggoodbye kiss ang dalawang batang magshota at umalis na kami sa bahay at sumakay ulit sa dyip. Dinaig pa talaga ako ng kapatid ko, binata na pero virgin pa. Sumakay na kami sa dyip at ayun, ako pinagalitan ng sarili kong bunsong kapatid dahil sa asal ko. Wow siya pa may gana pagalitan ang ate eh dapat nga pinagsasabihan ko siya kasi kay bata-bata marunong na makipaglandian at SOP.

            "Ate naman eh! Nakakahiya ka, pati naman sa harapan namin ni Aira sinabi mo yun?!" galit na galit na sinabi niya sa akin sa dyip.

            "Manahimik ka nga," sabi ko sakanya. Wala akong gana makipagsagutan, tangina parang siya pa kuya dito ah.

            "Tangina mo talaga ate. Mamatay ka na."

            "Ikaw na lang."

            "Burn!" sabi ng katabi namin sa dyip.

            "Ate 1 kapatid 0," sabi din ng isa pang pasahero sa dyip.

            "Pwned," sabi pa ng isa pang pasahero.

            Bumaba kapatid ko sa dyip at sumabay ako, nakipagapiran ako sa mga tao na nagsalita at hinabol ang kapatid ko. Nainis haha pikon masyado.

            Nakauwi na kami ni Migs sa bahay, badtrip ang kapatid ko nung pagakyat sa hagdanan-- nadapa nga lang. Panira ng pageemote ni Migs at tinawanan lang namin ni Papa. Wala eh, pahiya masyado 'tong kapatid ko eh. Fail pa ang pageemote.

            Nagbihis ako ng pambahay, lumabas ng bahay para tumambay sa tindahan nila Daryl mylabs. Syempre ayos na ayos mukha ko, maganda at dyosang tignan kahit ganon naman ako tignan sa araw-araw.

            "Ano kailangan mo?" tanong sa akin ni Aling Kuting.

            "Magpapakyut lang po sa anak niyo," sabi ko sakanya.

            Tinawag niya anak niya at lumabas ng bahay nila, syempre gwapong-gwapo tignan, suot-suot ang salamin para lalo niya makita kagandahan ko at medyo malusog siya as usual. Sayang lang, ako college pa lang at siya naghahanap na ng trabaho pero wala akong pake, true love ito kahit hindi.

             "Musta na?" tanong niya sa akin sabay ngiti sa akin.

            "Okay lang ako. Aayain sana kita para makipaginuman mamayang gabi para din makascore ako sa katawan mo-- este para masaya," sabi ko sakanya.

            "Ah ok lang sa akin, pero bawal utang sa tindahan namin ah haha," sabi niya sa akin at tumawa. 

            Holy pakingsyit. Mahihimatay yata ako sa kanyang tawa, tangina lalo siyang gwapo sa kanyang tawa kahit kitang-kita ko na yung lungs niya kasi sobrang lakas ng tawa niya pero okay lang, gwapo eh.

Yung Bolpen Ko, Napulot Lang [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon