Bolpen 6- holy shet
Isang salita. Mabaho. Makadyos (?) at galing sa butas ng isang buhay. Oo, tama ka. Holy shit sa ingesh, ... tae sa tagalog. Ito din masasabi ko sa buhay ko kung maging sikat man ako at may gumawa ng isang autobiography tungkol sakin isa lang masasabi ko "Holy shet."
Muli nating ibalik ang realidad, nasa punto na ilalabas na ni Pat ang lahat sa akin, yung malagkit at masarap na sinasaloob niya kanina pa. Tinitigan ko ito at hinihintay na ilabas niya at ikain ko ulit ito.
"Tangina naman 'di ka ba marunong maghintay?" galit na sinabi ni Pat sa akin.
"Ilabas mo na kasi! Alam ko namang lagi nandyan yan eh," pangungulit ko sakanya.
At sa wakas! Nilabas niya na ang pinakahihintay ko... ang suman. Lagi dinadalhan ng nanay ni Pat ang suman na gawa nila at sobrang sarap nito. Isa din 'tong matatawag na perks ni Pat kasi pagmay apocalypse at walang pagkain, may suman siya laging dala.
"Da bez," sabi ko kay Pat habang nilalamon ang suman sa bibig ko.
"Kung bibili ka sa tindahan namin, may naitulong ka pa hindi yung nangbuburaot ka," pagtataray sa akin ni Pat.
"Kung pwede lang eh!" kumagat ulit ako sa suman at nilagay sa asukal at subo sa bibig, "kundi mahal ng pamasahe sa bus papuntang pampanga, matagal na akong bumili sa inyo."
Nakatira si Pat sa pampanga, minsan sumasama ako tuwing bakasyon o sem break. Malaki bahay nila Pat at malaki yung lupa nila, mansyones kung matatawag ito pero simple lang sila. Nakilala na namin nila Han ang magulang niya, kasing tulad ni Pat, mabait ngunit yung magulang ni Pat hindi madamot.
"Hey, wi r bak!" malakas na sinagaw ni Lyn sa amin habang kumakain kami ng suman sa sala "O-m-g! Wat did u du 2 my stuf?! It's so mahal kaya."
"Kasalanan ng aso nyo yon," sabi ni Pat.
"Y?" tanong ni Lyn
"Kasi malibog aso nyo."
"Hihi mana samin."
Hinanp ko si Han pero nakita ko lang si Jush na nasa labas naghihintay kay Lyn, lumapit ako sakanya at nakipagusap nang matino.
"Oy." sabi ko sakanya
"Hoy." sabi nya sakin
"Kamusta ang pagiging third wheel sakanila ni Lyn?"
"Kabwiset kapatid ko grabe-" huminto siya para tignan sila Lyn sa loob ng bahay, "pero nakakabwiset yung pinaggagawa ng shota niya."
"Ha?" bobo kong tinanong sakanya
"Wala. Ang slow mo." pumasok siya bigla sa bahay at pumunta kanila Lyn na kung ngayon ay nagaaway tungkol sa aso nila. 'Di ko nasabi 'to nung umpisa pero nakikitira sila Lyn at Jush sa bahay ni Han pansamantala hanggang makapagtapos silang lahat ng kolehiyo.
"Dis is nut ur stufz so y u do dis?!" galit na sinabi ni Lyn kay Pat habang tinuturo niya ang stuff toy na pinaglaruan ng aso nila.
"Wel becoz ur so stupid," panggagaya ni Pat sa maarteng pananalita ni Lyn.
"How dare you!" at sa sandaling na yon ay nawala ang pagkamaarte na boses ni Lyn.
"Wag nga kayo magaway!" sigaw ni Jush sakanila. Nilayo ni Jush si Lyn kay Pat dahil sa puntong na yon ay halatang mananampal na si Lyn. Ako naman ay nagpahinahon kay Pat dahil badtrip din ang itsura niya.
"This is your fucking fault!" sabi ni Lyn, "Do you even know how expensive this stuff toy is?!"
"Oh I'm so sorry, your fucking highness. We're just having fun!" pagiinglesh din ni Pat.
"FUN?! Pwede naman h'wag manira ng gamit sa pagsaya diba? Puta wala kang karapatan!"
"Puta! Napunta tayo sa karapatan ha? Edi bibili na lang ako ng bago, ang arte mo pa eh!"
"DI MO KASI ALAM NA MAHALAGA SA AKIN 'TO!"
"STUFF TOY LANG YAN, DYUSKO LYN GROW UP--"
Sa sandali na yon ay sinuntok ni Jush si Pat. Nagulat ako sa ginawa ni Jush, 'di mo maeexpect na kaya pala niya sumuntok sa kay payat nyang katawan. Napatumba si Pat at halatang gulat din pero may halong galit.
Tumayo si Pat bigla at sinuntok si Jush. 'Di ko mapigilan silang dalawa sa pagsuntukan nila baka masama ako sa suntukan nila. Si Lyn wala din magawa kundi umiyak ng umiyak. Puta nasan ba si Han kung kailan kailangan mo siya?!
Napaisip ako bigla, 'di pupunta si Han at kailangan ako ang makakapaghinto sakanila bago nila patayin ang isa't isa. Lumapit ako sakanila at hinila papalayo si Pat. Si Jush naman 'di nagpaawat at lumapit para suntukin ulit si Pat pero bago pa man niya gawin yon sinampal ko siya.
"Tumigil nga kayo!" sigaw ko sakanilang dalawa.
Tumigil silang dalawa pero 'di makatingin sa isa't isa. Pumasok sila Lyn at Jush sa loob ng bahay at iniwan kaming dalawa ni Pat sa labas. Nilabas ko ang panyo ko at kumuha ng tubig galing sa gripo sa labas. Nilinis ko yung sugat.
"Tanga mo talaga kahit kelan." sabi ko sakanya
"Tangina mo talaga kahit kelan."
Ngumiti na lang ako sakanya habang nililinis yung sugat niya. Ilang saglit na nakalipas ay di ko namalayan na nandito na pala si Han, nagtataka at nagtatanong sa akinn kung ano ang nangyari. Bago man ako magsalita, lumabas si Jush at pinapasok si Han sa loob ng bahay nila.
'Di na siguro kami welcome dito.
Pagkatapos ko linisin yung sugat ni Pat, inaya ko na siya lumabas. Nafefeel ko na kami ang pinaguusapan ng tatlo sa loob kaya napagpasya ko nalang na umalis na.
Habang papalabas kami, wala ako masabi kay Pat. Ganon din siya. Tahimik kami pareho.
Sumakay na siya sa tricycle at iniwanan na ako. Maglalakad ako dahil gusto ko magmuni-muni ng saglit dahil masyadong seryoso ang nangyari kanina.
Kay tagal namin nagsama-samang magkakaibigan, alam kong 'di talaga maiiwasan ang pagaawayan pero 'di kami ganito dati. 'Di ko alam kung ano nangyari sa amin dyusko. Nakakatakot sila at halatang natakot din sila sa isa't isa nung sandaling iyon.
Sa pangyayari kanina gusto kong matulog para makalimutan kahit saglit lang.
Sumakay na din ako ng tricycle pagkatapos magisip-isip ng kung ano-ano at nakauwi na rin sa bahay sa wakas.
Kapagod. Gusto kong manigarilyo.
Pagkapasok ko sa bahay, walang tao. Katahimikan, ito yung kailangan ko kanina pa. Kumuha ako ng isang sigarilyo sa kahon na tinatago ni papa sa ilalim ng sofa. Sinindihan ko ito at dinamdam ang usok galing sa sigarilyo papunta sa dibdib ko unting unting pinapainit ang loob ng katawan ko.
Sigarilyo. Kala ko tumigil na ako.
---
Author's Note
Hi! I'm finally back after, uh, almost one year i guess? Wohoo! Naisipan ko ulit magsulat sa wattpad marahil sabi ng isa kong kaibigan sayang naman yung mga pinagsusulat ko dito. Itutuloy ko na yung Ang Wirdo Mo sa susunod na buwan kaya maghintay kayong lahat! Wohoo!
BINABASA MO ANG
Yung Bolpen Ko, Napulot Lang [On-Going]
DiversosAng storyang ito ay parang ang book cover ko lang... walang kinalaman ang background at walang kwenta.