Bolpen 1: ang sarap ng tsokolate
Fountain pen. Sign pen. Bolpen. At iba pang klaseng bolpen. Iisa lamang itong lahat kaya bakit pa kailangan bilhin ito?
9:30 ng gabi at nakaupo ako sa sofa namin kasama ang pamilya ko, katabi ko ang aking bunsong kapatid na si Migs na nagtetext sa lihim na shota niya, niligawan niya sa text kahapon lang at sinagot agad ng malanding babae ngayon ngayon lang kung kaya't nakangiti lagi ang bunso kong kapatid. Peste mga malalandi, dali magligawan.
Hinihintay ng Nanay ko ang The Illegal Husband, sapilitan kaming pinaalis sa kwarto namin at sapilitan din panoorin ang paulit-ulit na teleserye.
"Ayan na! Lagot ka Adrien sa asawa mo!" sigaw ng Nanay ko habang nilalakas ang volume ng TV.
"Hinay hinay swithart," sabi ng Tatay ko habang nakaupo sa isang pang upuan.
Pinanood namin ang The Illegal Husband at natawa ako sa sarili ko ng malakas at napatanong tuloy ni Migs kung ano tinatawanan ko at nagmumukha akong baliw.
"May joke ako," sabi ko kay Migs.
"Ayoko korny 'yan eh," riltolk na sinabi sa akin ni Migs.
"Knock knock,"
"Maghanap ka ng kausap mo," sabi ni Migs.
"Jumper ka ba Monca?"
"Ayusin mo muna 'yang spelling mo bago ka magjoke. Peste," inis na sinabi ni Migs.
"Bakit?" tanong bigla ng Nanay at Tatay ko kasi narinig nila ang pangalang Monca sa The Illegal Husband.
"Ang hilig mo kasi manggkabit eh! Hahahaha!" tumawa kami ng malakas at sinuko ko si Migs para tawa din siya, para mas lalong masayang tignan.
"Boom kabit!" sigaw at joke ng Tatay ko at lalo kaming nagsitawanan.
Umalis si Migs sa libing roym at sila Mama at Papa ay tutok pa rin ang kanilang pagmumukha sa TV namin, pinagpatuloy panooorin ang The Illegal Husband. Aalis sana din ako at pupunta sa CR para... 'lam na dis ngunit nagsalita si Mama.
"Anak kong maganda--" bago man magsalita si Mama ulit, inunahan ko na.
"Ma. Alam kong maganda ako, at alam ko din ma na uutusan mo ako. Ano po 'yung utos mo ma?" diretsong tanong ko sakanya.
"Bili ka fudz," maikling sinabi ni Papa.
Oh diba, lesson learned; Pagsinabihan kang maganda na anak o pogi na anak, possible na uutusan ka nila. Kinuha ko ang mahiwagang wallet ni Papa sa lamesa at kumuha ang natitira niyang bente, umalis ako sa bahay at naglakbay patungong itaas-- este sa tindahan 'jan sa kanto.
Habang naglalakad, may nakita ako na pusa na nakapatong sa isa pang pusa at bigla naman ako napatawa ng malakas at sinabi ko sa pusa, "Sa daan pa kayo naggaganyan Hahahaha!" kinuha ko ang cellphone kong iPhone 6s na peke at pinikturan ito.
Tawa ako ng tawa habang naglalakad sa @_KALYE (boom namention) malapit sa tindahan ni Aling Kuting na mukhang kuting.
"O ija, ano kailangan mo?" tanong sa akin ni Aling Kuting.
"Bili daw ako fudz," sabi ko sakanya.
"Anong klaseng fudz ija?"
"Kahit anong fudz."
BINABASA MO ANG
Yung Bolpen Ko, Napulot Lang [On-Going]
AcakAng storyang ito ay parang ang book cover ko lang... walang kinalaman ang background at walang kwenta.