Chapter 7

515 10 0
                                    

[ A/N : Medyo napapadalas ang update noh? Malapit na kasing magpasukan eh, naknang. Baka wala na kong time para magupdate. Hahaha, anyways, thanks sa 100+ reads readers! Lovelovelove! ~ ]

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ 8 ]

* NIKO *

10:10am

Oh, umaga na pala. -_____- Hayys, ang sakit ng ulo ko potek, parang sasabog. Ugh, bakit nga pala ako nasa sofa? Saka bakit...

eto yung suot ko? Hindi ko maalalang nagpalit ako ng damit. Saka, hindi rin ako gaanong nagsusuot ng white shirt. =___________= Taena, bakit ba wala akong maalala?

Asan nga pala yung alaga kong baboy? Tsk.

" Okay, gotta go now. I'll see you in 30 minutes. Bye! " Abaaa, umeenglish pa sia ha? Sino naman kaya yung kausap nia? Tsk.

" Oh, gising ka na pala? Nahanda ko na yung almusal mo. Wag mo na pala akong antayin kasi kakain na ko sa labas. Nahanda ko na rin yung lunch mo, ta's yung dinner mo. " Huh? Buong araw wala sia? Sino naman kaya yung kasama nia? Tsk. " Kung may gusto kang kainin, nasa pinakataas na part ng cabinet yung snacks. Ngapala, magkakaroon daw ng power disconnection ngayon, ewan ko lang kung anong oras. "

Wow, parang asawa talaga ang itsura nia. Ewan ko ba pero lahat ng bilin nia para sa ikapapayapa ng buhay ko. Wow lalim. HAHAHAHA.

" Ngapala, may hangover ka diba? Binilhan na kita ng gamot kanina saka ng tea, inumin mo rin pag may time ha? Para hindi ka magngangangawa na masakit ang ulo mo. " At lumabas na sia. Grabe, lahat hinanda nia na ha? Bilib nga naman ako. Kaya lang nakakaguilt din kasi iniisip nia ang kapakanan ko dahil maiiwan akong magisa, tapos aawayin ko pa sia? Bakit ganun? Parang lahat nalang ng ginagawa nia sakin, pumapasok sa nerves ko para ma-guilty ako sa mga ginagawa ko sa kanya?

Nung nakain ako ng almusal, may nakita akong note sa table. Malamang, galing sa kanya. +___+

Hoy Nigga, sa susunod na iinom ka, siguraduhin mong kaya mo yung klase ng alak na iniinom mo. Saka, magdadala ka na nga lang ng chicks, yung magandang-maganda pa! Jusko, nakakahiya naman sa kanya dahil akay ka nia paakyat. Lalong naawa din ako dahil mapupunit na yung tube nia dahil sa laki ng ano nia. Okay censored. Leche ka, di mo sinasabi saking may dinate ka rin kahapon which is yung babaitang nagdala sayo dito. Taenang yan ha. Hindi ako nagseselos, naiirita lang talaga ako. At alam mo bang buwis-buhay yung ginawa ko para lang maasikaso ka kagabi? Ambaho mo kasi! Ako yung nagpalit ng damit mo, lahat lahat hanggang sa ano, AY JOKE HAHAHAHA. Wag kang magalala, nagdasal muna ako bago ko ginawa yon. Nagriritual ka pa nga kagabi eh. Tapos may ginawa ka pa saking pagsisisihan mo buong buhay mo :p Alam mo kung ano yun?

Fall For You (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon