Mahal, natatakot ako
Natatakot akong sayo ay umamin
Natatakot na baka hindi mo tanggapin
Mahal, mahal kita
Sobra sobra, o baka nga higit pa sa sobra
Pero pano mahal?
Eh yang puso mo manhid, di makaramdam
Pano mahal?
Eh nahihiya ako at natatakot masaktan.
Masaktan. Masaktan ulit kasi noong sinubukan natin noon
Nagtapos tayo sa iyakan at iwanan
At kung susubukan naman ulit natin ngayon,
Hindi mo na ako mahal
Akala ko kasi talaga noon tayong dalawa na
Akala ko sa piling mo, hindi na ako masasaktan pa
Akala ko ikaw na yung pupuno sa puso kong hindi masaya
Akala ko ikaw na yung lalaking habang buhay kong makakasama...
Pero akala lang pala ang lahat.
Dahil wala pang tayo, sinaktan mo na ako
Wala pang tayo, umiyak na ako
Wala pang tayo, pinalungkot mo nanaman ako
Pero bakit ganun? Hanggang ngayon ikaw pa rin
Kahit na sa akin, kaibigan lang ang turing
Pinilit ko rin naman eh
Na kaibigan lang ang ituring sa'yo at hindi higit pa
Pero mahirap pala
Dahil sa araw-araw na pagchachat,
Paggood morning, paggoodnight at lahat lahat na
Lalong lumalala ang nararamdaman ko para sa'yo sinta
Samantalang ikaw... nakakamove on na
Nabubuo na ang iyong araw ng walang ako dahil meron ng siya
Ang bilis naman kasi, mahal
Pakibagalan naman unti, pwede ba?
Sabayan mo naman ako kasi hindi ko pa talaga kaya
Pero kahit anong hiling ko, wala naman nang mangyayari diba?
Kasi ako na lang ang humahawak, ang lumalaban, mahal, ako nalang.
Pero kahit na,
Humihiling pa rin ako
Na sana...
Bigyan mo naman ng pagkakataon ang ikaw at ako
Na magkaroon ng tayo.PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE! THANK YOU!
BINABASA MO ANG
Pierian (Spoken Word Poetry)
Poetry"These are the verses of my life Typed by my hands But created by my heart."