Pierian 2

13 1 0
                                    

Oy. Hahahahahahaa.
Oo, nakakatawa noh?
Mukha akong masaya noh?
Eh sa masaya naman talaga ako eh
Pero hindi ko na alam ngayong dumating ka sa buhay ko,
Kaya simulan na natin tong kwento ko

Ako kasi yung klase ng lalaking madaling mahulog
Kahit na hindi ako sigurado kung may sasalo
Kaya alalang-alala ko pa
Oktubre to nagsimula
Noong una kang makita
May naramdaman agad ako sa puso ko na tibok
Kinausap mo ako, unang ngiti mo palang...
Grabe, nakakamangha
Nung nagsalita ka naman,
Grabe ulit, nakakanganga
Naisip ko tuloy, wowww, paano ka kaya ginawa?

Hahahahaha. Eto nanaman ako, natatawa.
Eh pano naman kasi, naging bestfriend kita
Naging bestfriend ako ng isang dyosa
Pero alam mo bang masaya?
Masayang maging matalik na kaibigan mo
Masayang maging isang tulad ko
Biruin mo yun? Bestfriend ng isang diwatang tulad mo?
Nakakaproud, hindi ba?
At nakakaproud ding maging tanga.

Hahahaha. Isa pang pagtawa.
Kahit sobrang sakit na
Kasi bespren, umamin ako eh
Ang sabi ko, siguro oras na
Na aminin sa iyong mahal na kita
Hindi lang bilang kaibigan, kundi higit pa
At nagseselos ako sa lahat ng lalaking tumitingin sa iyong ganda
Tapos itutuloy ko pa sana
Ang lahat ng gusto kong sabihin sa iyo, sinta
Kasi sa sarili ko ako'y may tiwala
Na mapapasagot kita ng "oo, gusto din kita."

Hahahahaha. Tawa ulit.
Kasi nagkamali ako
Ang lakas ng loob ko, noh?
Eh friendzone lang naman pala ang abot ko sa iyo
Naaalala mo pa kung anong sinabi mo?
Eto oh: "Sorry ah? May mahal na akong iba."
"Pero bestfriend pa rin naman kita."
Wowwww. Ang sakit talaga.
Damang-dama ko, sobrang dama ko
Na yung hundred percent na tiwala sa sarili ko
Lahat-lahat naglaho

Hahahahahaha. Oh mahal, huling tawa ko na.
Kasi sa tingin ko, ang mata ko'y luluha na
Pero wag kang mag-alala, kaya ko pa
Nangangako ako, hinding-hindi ko kakalimutan na bestfriend kita
Pero hayaan mo akong malimot na mahal kita nang mas higit pa
At salamat nga pala, mahal ah?
Tinuruan mo akong tanggapin, sinta
Na hindi lahat ng gusto ko, aking makukuha
At, oo nga pala! Yung taong mahal mo?
Siguraduhin niya lang na aalagaan ka niya, ah?
Ng higit pa sa pag-aaruga ko sa'yo, ha?
O sige na, magmomove on pa ako eh.
Hahahaha. Bye, mahal kita!


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE! THANK YOU!

Pierian (Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon