Mabilis na nag lalakad ang isang grupo ng mga babae papapunta kung saan magaganap ang tradisyonal na Animo Rally . Mamaya ay napahinto ang isa sakanila dahilan upang mapalingon ang kanyang mga kasama. "Oh bakit?" tanong nang isang babae na mukhang leader ng kanilang grupo. "Ay ate Aby, may naiwan ako sa dorm! Mauna na lang kayo sunod na lang ako, mabilis lang to." sagot nito habang akmang babalik sa pinanggalingan.
"hayyy mga pasaway oh sige bilisan mo at mukhang tayo na lang ang iniintay!" sigaw ni Aby "O kayo? Wala na kayong nakalimutan? Aba'y sabihin niyo na hanggat nandito pa kayo." baling nito sa limang kasama ng isang umalis. "Wala na ate Aby, hiyang hiya naman ako sa mga yan kung may nakalimutan pa! Nalate tuloy tayo." asar na sabi ng isa sa kanila "Wow naman Kim ha! Palibhasa dala mo ang backpack ni Dora kaya wala ka talaga makakalimutan." mapang asar na salita ng isa nitong kasama. Sinamaan naman nito ng tingin ni Kim. " At anong kami? E sino kaya tong nakaharap sa salamin buong oras, e ang ginagawa lang naman e ayusin ang buhok tas guguluhin tas aayusin uli pa ulit ulit? ganoon din naman wala namang TUNAY na pinagbago." sabat nang isang matangkad na babae. Sasagot na sana si Kim ng "Kim, Cienne, Yeye magsitigil na, kayo Camille at Carol? May sasabihin pa kayo?" umiling na lang dalawa "nasa gate tayo ng La Salle nung nagtanong ako, ang sagot niyo hanggang nakarating na tayo dito." saway ni Aby. " Sorry ate, eto naman kasi tong tatlong to ang dadadaldal. Parang hindi mga dalagang pilipina." sambit ni Carol ng paupo na sila sa kanilang lamesa "hiyang hiya naman ang mga dalagang pilipina sayo Carolers, pero hindi talaga mga dalagang pilipina yan no yung dalawa pede pa yung isa binata ata." mapang asar na sabi ni Camille na siyang ikinatawa ng nilang apat " BULLLLLIIEESSS -___-" Saway ng kanilang mga kasama napagtitinginan na sila . " Sorry pooo..." paumanhin naman ng lima. Ilang sandili lang ay " Teka nasaan na ba si daughter f?" tanong ni Aby.
------------------------------
THIRDPERSON'S POV
Pagkalayo ng babae sa kanyang grupo ay nagmadali na itong pumunta sa kanilang dorm at agad agad kinuha ang nakalimutang gamit. Pag katapos ilock ang gate ay kumaripas na ito ng takbo. Malapit na ito sa gate ng kanilang university nang may humigit sa kanyang lalaki. Dahil sa gulat ay nanatili sila sa kanilang posisyon hanggang makapagsalita ang babae at muli ay tumakbo palayo. Hindi na nakapag salita ang lalaki, hahakbang na sana ito nang may natapakan ito. Agad naman nitong pinulot at malakas na binasa...
.
.
.
.
-------------------
Pyesta sa isang nayon at nagkakasayahan ang mga tao sa may plaza, may mga nag iinuman, kakainan, nagsasayawan at nag tutugtugan na siyang lalong nagpasaya sa nasabing lugar. At kung titignan ay may iba't ibang uri ng tao sa paligid nito may mga matatanda,bata,mahirap at mayayaman na napapasin ang kaibahan base sa kanilang magagarang suot. Isa na doon ang isang makisig na binata na halatang naiinip at naiilang sa mga taong kanina pang bumabati sa kanya. Kaya't napag pasyahan ng binata lumayo muna sa lugar na iyon at mag lakad lakad. Habang nag lalakad ay may nakita itong dalaga na nag mamadali papunta sa kinaroroonan niya ngunit nakita niyang may paparating na karwahe kaya't nag madali itong hinatak ang dalaga. Nakahawak ang binata sa isang kamay ng dalaga at iisa naman ay nakaalalay sa may likod nito. Nanatili sila sa kanilang posisyon hanggang makabawi na sa gulat ang dalaga at tumayo na ng ayos. "S-salamat." ang tanging nasabi nang dalaga at mabilis na iniwan ang nakatulalang binta. Maglalakad na sana ang binata ng mayroon itong natapakan at nang ito'y tignan nakita niya ang isang maliit na kwaderno at binasa ang nakasulat na....
.
..
.
"Victorina."
"VICTONARA."
---------------------
A/N: Uhhhm magulo ba? Haha sorry mana lang sa nagsulat... try ko ayusin mamaya >_<