Chapter 2 - Missing Diary

204 19 1
                                    

Ara's POV

"Aishh! Bakit kase nakalimutan ko pa yung cellphone ko.Ang  layo tuloy ng tinatakbo ko ngayon, kung hindi lang sinabing baka tumawag si mama hindi ko to babalikan e. Patay ako kay mother f nito sabi ko sandali lang e."

Takbo lang ako ng takbo ng may naramdaman akong biglang may humigit sa akin. Harujuiceko Victonara! Muntikan ka nang mabangga! Nihindi ko napansin na patawid na pala ako. At nang narealize kong late na pala ko sa pupuntahan ko ay inayos ko na ang sarili ko. "Thank you." na lang ang nasabi ko at agad kumaripas na ko nang takbo.

Pagkarating na pagkarating ko pa lang ay agad na akong sinalubong ng sobrang nag aalalang bullies -__-

"Aba magaling! Sawakas dumating din."

"Tuhruy! Grand entrance pa ang gusto."

"Girl nahiya ka pa dapat sinagad mo na."

"Daks napaaga ka ata? Alis ka muna maaga pa naman."

"Aray naman! inaano kita?!" sabi ni cienne pagkatapos ko batukan. "Alam kong ikaw na ang susunod kaya inunahan na kita. Teka tapos na ba yung rookies?". " ikaw naman Arabells advance masyado. And sa tanong mo hindi pa, pagkatapos pa ata nito."

Nanood na lang kami, maya maya ay hindi na kami magkamayaw sa pag sigaw at pag cheer hanggang matapos ang kanta ng  rookies namin.

"Okeey! Thank you ladyspikers! And now lets welcome the rookies of the Green Archers!"

Pag katapos sabihin ni ate Billie yon, e may nagsipasukan na mga... Uhhmm.. Errr... BAKLA? Ano to backup dancers nila? Nung nagstart na yung music dun ko lang narealize na hindi ito mga bakla dahil ang titigas nangkatawan hahaha. PAMELA 1 PA MORE XD

Habang nag hihiyawan at nag tatawanan ang iba ay naisip ko yung nangyari kanina. Grabe pala kung hindi ako naligtas nung lalaki kanina siguro nagkalasog lasog na ko huhu... Ok mejo OA.. pero infairness ang Gwapo nang nagligtas sa akin hihihi.

Iniisip ko pa rin yung nangyari nang may naramdam kong may bumatok sa akin "ngingiti ngiti ka dyan?" sabi ni Mika na nasatabi ko. " Aray ko ha?! Kung makabatok naman!". ano ba yan! Ang sakit kaya.

 "wag OA daks so ano nga? Bat ngingiti ngiti ka dyan? Wag mong sabihing naglalandi ka na ngayon! Aba victonara kailangan kong malaman yan! Aray!".  Nabatukan ko nga ang ingay e. "Sino ngayon ang OA sa atin. Tska wala lang yon noh! Bakit masama ba ngumiti ngayon?" Please naman sana gumana yung palusot ko kahit ngayon lang. Yan kasi!  Landi pa Victonara! Tsk kilala ko pa naman tong babaeng to hindi titigil hanggang hindi niya nalalaman actually lahat naman ng bullies.

"Oo masama! Lalo na pag mag isa ka lang mukha kang baliw." sabi nito sabay irap at nanood uli. Haaay buti naman at tumigil na.

Binalik ko ang attention ko sa mga nagsasayaw na mga Bak..aahhh lalaki sa harap. Tinitignan ko lang silang pito nang napansin ko yung pinakamaliit, nakawig na dark brown at may suot na pink na tube... Hmmm.. Pamilyar siya kaso nahaharangan nang wig... Pero pamilyar talaga e.. Hmm..

"Ara! Ano dyan ka nalang? Nagsisialisan na yung mga tao oh." sabi ni ate Aby nanagpatigil nang pag iisip ko. " eto na ate.." sabi ko sabay habol sa kanila. Hayss kung ano ano na naiisip ko. Tss

Nang makauwi na kami nang dorm ay kanya kanya na kaming akyat sa aming kwarto. Grabe nakakapagod ang araw na to. Humiga ako sa kama at saglit na pumikit pero ilang sandali lang ay narinig ko na nag aaway away na yung lima -_-.

"Ako muna! Ako ang nauna!" sigaw ni Camille " Hoy! Ako kaya! Kundi ka nanulak ako ang nauna! Kaya ako muna!" sigaw din ni Cienne habang hinihila si Camille." "Magsitigil kayo! AKIN LANG ANG BANYO KO!"    sigaw naman ni Kim habang hawak si Cienne . " ANG DAMOT DAMOT NIYO! ANG DAMOT DAMOT NIYO!" si Carol na hilahila din si Kim. "Mga HAMPASLUPA! Ang REYNA dapat ang mauuna!" E sino pa ba ang magsasabi noon? Edi si Mika -_-. Sabay sabay namang napatigil ang apat at tumingin lang kay Mika. " Whut? Ako naman talaga ang reyna ah!"at sabay sabay ulit silang naghilahan.. Hayss! Wala na ko magagawa kaya tumayo na ako at.... in

3.

2.

1.

"VICTONARA!"  rinig ko sabay sabay nilang sigaw. Pano ba naman nilagpasan ko lang sila sabay pasok sa CR bwahahaha!. Nang matapos na kong maligo at bubuksan ko na ang pinto nang

*BOGSH!*

"Aray ko! Ano ba!" sigaw ko. Langya binato ba naman ako ng mga unan. " Ikaw naman kase Arabells! Kita mong nagpapakahirap kami mauna lang tas sisingit ka!" sabi ni Cienne sabay pasok sa CR. "Che! E kasi naman ang babagal niyo! Pinauna ko na nga kayo e tss.." at sunod sunod na silang naligo.

At dahil hindi pa ako inaatok ay gagawin ko muna ang lagi kong ginagawa tuwing gabi at yun ay....

Pagsulat sa aking Diary! Yes! May dairy ako! At alam kong ang laki laki ko na para doon. Tss. Nung nalaman nga nang bullies na may diary ako aba ang mga loka loka pinagtawanan ba naman ako! Kesyo ang tanda tanda ko na daw, sayang sa oras etc. etc. Nako isang linggo din akong nabully noon. E bakit ba? E gusto kong sinusulat ang mga nangyayari sa akin e. Tska gumagaan ang loob ko pag nagsusulat ako doon.

Teka.. Nasan nga pala yoon. Alam ko lagi kong dala yon e  nasa bag ata. Hmm.. Wait nasan ba yoon.... Di naman to... Tss.... Arggghh.... Nasan ka na?!... Waaaaaah bakit ganon? Binaliktad ko na yung bag ko wala pa rin!

"BULLLIIIEESSS! KINUHA NIYO BA YUNG DIARY KO!"  sigaw ko sa kanila." Hoy makabintang ka naman Ara! Hindi namin kukunin yun noh." "Oo nga takot lang namin sayo e numg first and last time namin nahawakan yon e halos ibato mo na lahat nang gamit kulang na lang e pati si Kim e ibato mo." sabi ng kambal. " E kung hindi kayo sino? Di pede mawala yun nandoon lahat nang tungkol sa akin." teary eyed kong pagkasabi. "Daks baka naman  na misplace mo lang." " Hindi alam ko talaga nasa bag ko yun e." waaahh maiiyak na talaga ako. " awww.. Sige na Ara bukas tulungan ka naming hanapin yon. But for now sleep na tayo please ? Mag 11:30 na oh patay tayo kay capt. pag hindi pa tayo matulog.". " oo nga Ara antok na rin ako.. GOOD NIGHT BULLIES! LASHYOU!" at isa isa na silang natulog.

Huhu nasan na ba kasi yooon T_T.

Kakaisip ko sa Diary ko hindi ko na malayang madaling araw na pala...hayss bukas na nga antok na rin ako pero yung diary talaga e.. Maya maya ay unti unti nang bumigat ang mga mata ko at nakatulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fighting for our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon