"Yana, tawagan mo na si Ate Summer. Nagugutom na ko." Utos ni James kay Yana.
"Kumain na kasi kayo." Sabi naman ni Joan.
"Gusto ni Ate Summer sabay'sabay daw kami kumain." Sabi ni Yana habang nagdidial sa cellphone niya.
"Oo wala pa rin naman sila Robi kababagal naman nung mga yun." Naiinis na sabi ni Nico.
"Ayan may dumadating na na tao." Sabi ni Yana. Nakatingin siya mga taong paparating. Napatingin din sila Nico sa papalapit na bisita nila Joan.
"Sila Momy Lorraine pala ito. Sandali lang tawagin ko si Liza." Paalam ni Joan kila Nico.
"Akala ko sila na. Hay, tagal nila." Napasandal na si James sa upuan niya.
"Papunta na daw si Ate Summer." Abiso ni Yana.
********************
"Hay, buti naman dumating na kayo. Gutom na ako." Himas himas ang tiyan na sabi ni James.
Natawa sila Robi sa itsura ni James. Magulo ang buhok nito at nakasimangot na.
"Tara kumain na tayo." Aya ni Robi. Lumapit na ito sa table kung saan nakalagay yung mga pagkain.
Sumunod naman sila James kumuha na rin sila ng plato nila.
"Hoy! Hindi nyo ko inintay." Kalampag ni Summer sa table nila Yana napalakas din yung boses ng dalaga kaya nagtinginan yung mga bisita ng Papa ni Joan.
"Ang tagal mo kasi,e. Gutom na kami." Sabi ni Robi.
"Wow, kadarating nyo nga lang din. Kami kanina pa dito." Bara ni Nico kay Robi.
"Ate, halika na sumabay ka na kumain. Kuha ka na doon sa loob ng food." Si Yana habang gumagawa ng space para sa dalaga.
Pumasok sa loob ng bahay si Summer para kumuha ng pagkain dahil wala si Joan dumiretso siya sa kusina. Bumati muna siya sa Lola at Mama ni Joan.
Paglabas ni Summer ng kusina nakasalubong niya yung Mama ni Tres.
"Si Summer ba ito?" Tanong ng Mama ni Tres kay Liza habang hindi inaalis yung tingin sa dalaga.
"Oo, Momy. Lalo pumuti,no?" Nginitian siya ni Liza.
Ngumiti naman si Summer. Alangan siya bumati sa Mama ni Tres. Nakatingin pa rin sa kanya si Momy Lorraine.
"Kamusta po?" Si Summer na ang unang nangamusta.
"Ang puti mo naman lalo ngayon? Bumagay sa iyo yung gupit mo." Hinawakan siya ni Momy Lorraine. Itinagilid at sinipat. "Sumesexy ka pa ngayon.
Natawa ang dalaga sa sinabi ni Momy Lorraine. "Pumayat lang po ako ngayon nadepress po kasi. Kamusta na po kayo?" Tanong ulit ni Summer.
"Ito ok naman kauuwi lang namin galing Tagaytay." Sagot naman ni Momy Lorraine.
"Momy, mamaya mo na kaya kausapin si Summer. Pakainin mo muna inaantay siya nung mga kasamahan niya doon labas." Singit ni Liza sa kanila kinindatan siya nito. Napangiti naman ang dalaga.
"Ay, sige. Kumuha ka na dyan." Hinila siya ni Momy Lorraine sa table ng pagkain
"Kayo po kumain na po ba kayo?" Aya ni Summer kila Liza.
"Sige kumain na kami. Madaming pagkain dyan kumuha pa kayo ulit." Sabi ni Liza.
Sumandok na siya ng pagkain. Habang papalabas siya natingin pa rin sa kanya yung Momy ni Tres. Napayuko na lang si Summer at lumabas papunta kila James.
"Ano ba yan Ate Summer dun ka na yata kumain,e. Tagal mo sa loob." Sita ni Rey sa kanya.
"Kamote nandyan pala Mama ni Tres. Shock ako." Sabi ni Summer pagka'upo nito.
Nagkatinginan sila James, Yana at Nico.
"E, meron pa Ate." Open ni Yana.
"Meron pang pagkain sa loob madami, Yana. Nagtanong ka pa kay Ate." Singit ni Nico sa sasabihin ni Yana.
"Oo nga pakainin mo na si Ate. Ikaw na pumasok doon sa loob." Sigunda naman ni James sa sinabi ni Nico.
"Okay. Sige babalik ako." Nagets naman ni Yana yung sinasabi nila James at Nico.
Nagtinginan naman sila Robi at Rey nagtataka sila sa galaw nung tatlo bukod sa kay Summer.
"Kuha lang ako ng juice. Samahan mo naman ako Rey." Aya ni Summer kay Rey.
Tumango naman si Rey. Sinamahan siya.
"Ano yun, ha?" Tanong agad ni Robi nung maka'alis sila Rey.
"Ang alin?" Takang tanong ni Nico kay Robi.
"May sasabihin dapat si Yana kanina kay Ate Sum."
"Sige na nga. Nandito si Tres." Bulong ni Nico kay Robi.
Napakunot noo si Robi saka nagmasid sa paligid.
"Saan ba?" Tanong ni Robi hindi nakita yung hinahanap niya.
"Nandun, pre sa dulo sa may puno ng saging. Malabo na ba ng mga mata ninyo?" Turo naman ni James.
Sumulyap ulit si Robi sa paligid. Sinulyapan niya yung sinasabing lugar ni James. Nakita nga niya si Tres. Nakabaseball cap ito kaya di nila pansin.
Nasuntok ni Robi yung lamesa kaya nagulat sila James, Nico at Yana.