7

11 0 0
                                    

   Nagkakasiyahan na sila Yana sa may terace nila Joan. Dumating pa yung iba nilang kasama sa work kaya mas lumaki yung sakop nila sa terace kasama na rin nila si Joan.

   Malakas ang tawa ni Yana nang biglang sinipa siya ni Nico sa paa. Magrereact sana ang dalaga nang makita niya yung paparating na bisita ni Joan.

   Si Thea girlfriend ni Tres kasama nito yung stepmom ni Tres na si Miranda. Nakita rin nila si Tres na sinalubong sila Thea.

   Sandaling napasimangot si Joan sa paparating na bisita. Pero ngumiti rin agad ng palapit na sila Tres sa kaniya.

   "Happy Birthday!" Bati ni Thea kay Joan. Bumeso pa ito sa kanya.

   "Salamat. Buti pumunta kayo. Kay Kuya ko na lang kasi nasabi na papuntahin kayo. Pasok kayo sa loob kamain na kayo." Sabi ni Joan sa bagong dating.

   "Inintay ko pa si Tita dumating para sabay na kami. Itong si Tres kanina pa dito di man lang ako sinundo sa bahay." Sabi ni Thea hinawakan pa niya sa baywang si Tres. Lumingon siya kila Robi para bumatin. Tumango lang si Robi.

   Samantalang si Tres tahimik lang na nakatayo patalikod kila Nico.

   "Pasok na kayo para makakain na kayo." Taboy ni Joan kila Thea.

      ***********************        

   "Halika na sa baba baka iniintay ka na nung mga kasamahan mo." Aya ni Momy Lorraine kay Sum.

   "Malamang po yun." Nakangiting sabi ni Sum.

   "E sige ayusin mo na yung sarili mo. Bakit ba kasi pina'iyak pa kita." Biro ni Momy Lorraine.

   Inayos nga ng dalaga yung sarili niya. Mugto ang mata niya kaya malamang uulanin na naman siya ng tanong sa mga kasama niya. Nang maayos na siya lumabas na sila ng kwarto ni Liza.

   Saktong makababa sila siya namang pagpasok nila Tres.

   'Bull!' bulong ni Summer sa sarili.

   Naramdaman ni Summer na kinawit ni Momy Lorraine yung kamay nito sa braso niya. Nakita niyang tumaas ang kilay ni Thea at ni Miranda.

   "Kadarating nyo lang ba?" Tanong ni Momy Lorraine kila Thea.

   "Oo Momy." Si Tres ang sumagot. Sandali ito napasulyap kay Summer.

   "E kumain na kayo. Ayan ang pagakain. Ikaw ba Tres kanina pa dito?" Si Momy Lorraine.

   "Kanina pa dito yan. Hindi man lang ako sinundo para pumunta dito." Sagot ni Thea. Hinila pa niya sa kamay si Tres.

   Napakunot noo si Summer sa sagot ni Thea sa momy ni Tres. Wala man lang po or opo siya narinig mula dito.

   "Momy Lorraine labas na po ako." Paalam ni Summer sa Momy ni Tres. Pumayag naman ito.

   Nakita niyang tumaas ulit ang kilay ni Thea dahil siguro sa pagtawag niyang Momy sa Momy ni Tres. Si Momy Lorraine ang nagsabi na tawagin na rin niya itong Momy.

     *************************     

   "Bull!" Sabi ni Summer nang makarating siya sa lamesa nila.

   Nakatingin silang lahat kay Summer. Alam nilang badtrip ito.

   "Nakita mo, Ate?" Tanong ni Yana.

   "Oo." Tipid na sagot ni Sum.

   "Teka nga bakit mugto yung mata mo? Umiyak ka ba?" Sanong ni Nico napansin nito yung mata niya.

   "Oo kinausap ako ni Momy Lorraine humingi ng sorry para sa nagawa ng anak niya." Ipinatong ni Summer ang dalawang kamay sa mesa at hinilot ang sentido niya.

   "Ok ka lang?" Tanong ni Joan kay Summer.

   "Umiinit ulo ko,e. Nagbigla na nga ako sa nakasalubong ko, nainis pa ako sa salitaan nung babaeng yun." Hinahagod pa rin ni Summer yung sentido niya.

   "Ay! The Ex and the Present meets." Sabi naman ni Yana.

   "Shut up, Yana." Saway ni Nico kay Yana. Hinarap naman ni Nico si Summer. "Ate, ano naramdaman mo nung makita mo yung tatlo?"

   Sinulyapan ni Summer si Nico. "Ewan ko ba parang sumisibol yung galit ko. Parang walang galang sumagot yung babae kay Momy Lorraine."

   "Ganun talaga si Thea magsalita. Wag kayo maingay nandyan lang si Tres sa gawin pinto." Medyo pabulong na sabi ni Joan sa kanila.

   Tumingin sila sa may pinto nila Joan nandun nga si Tres nakatalikod sa kanila.

       ************************     

sweet comebackWhere stories live. Discover now