"MAGING TOTOO SA ISLAM"

74 0 0
                                    

"MALINAW NA LANDAS"

"ANG Islam ay Relihiyon ng mga taimtim na nananampalataya at matatapang na mandirigma.
Bilang patunay, Sinabi ng ALLAH ﷻ sa Surah al-Baqarah 217;
"Kaylanman sila (mga kaaway) ay hindi titigil na makipaglaban sa inyo hanggang kayo ay mailayo o mailigaw sa inyong Relihiyon hanggat makakaya nila."
Dahil dito, ang isang Muslim ay hindi lamang isang Relihiyusong tao na sumasamba sa ALLAH ﷻ bagkus, siya ay kinakailangang handa upang ipagtanggol ang Islam laban sa mga kaaway NITO."
MARAMI ang nagsasabing siya ay Muslim
subalit kaunti lamang ang sumusunod sa Islam
At sa mga nagsasabing siya ay sumusunod sa Islam
ay iilan lamang ang nais ipagtanggol ito
At sa mga nagtatanggol dito ay iilan lamang ang handang MAGSAKRIPISYO."

Si Shiekh al-Islam Ibn Taymiyyah رحمه اللّه ay nagsabi;
"Ang pinagmulan ng kasamaan ay ang pagpili sa opinyon higit sa teksto at sinusunod ang sariling pagnanasa higit sa Shari'ah."
[al-Manhaj 8/911]

Marami ang nag-aangkin bilang tama, subalit hanggat wala siyang katibayan mula sa Qur'an at Sunnah (Hadith) ay nananatili siyang sinungaling.
Wala nang ibang patnubay maliban sa iniwan sa atin ng Propeta ﷺ , na siyang isinabuhay ng mga Sahabah, pagkaraan ay ang mga Sumunod sa kanila, at ang mga sumunod sa sumunod sa kanila.
Kaya kapag nakikita mo ang taong nagsasalita ayon lamang sa kanyang sariling isipan, sariling pamamaraan, sariling mga kuro-kuro at haka-haka ay talikuran mo siya, iwanan mo siya sa relihiyong likha niya.
Sapagkat ang Islam ay palaging nakabase sa mga nakasulat . . .
Sa Dalawang Aklat na siyang malinaw at maliwanag na Landas na iniwan sa atin ng Propeta ﷺ .
Nabanggit sa Hadith na Sinabi ng Propeta ﷺ ;
" ﻭَﺍﻳْﻢُ ﺍﻟﻠَّﻪِ ﻟَﻘَﺪْ ﺗَﺮَﻛْﺘُﻜُﻢْ ﻋَﻠَﻰ ﻣِﺜْﻞِ ﺍﻟْﺒَﻴْﻀَﺎﺀِ ﻟَﻴْﻠُﻬَﺎ ﻭَﻧَﻬَﺎﺭُﻫَﺎ ﺳَﻮَﺍﺀٌ ".
"Sumpa man sa ALLAH, iiwanan ko kayo sa isang katulad ng Baydha (puti, maliwanag at malinaw) ang gabi at araw nito ay magkatulad'."
[Sunan Ibn Majah, Vol.1, Aklat 1, Hadith 5 - Hasan]
At Sinabi ng Propeta ﷺ ;
" ﻗَﺪْ ﺗَﺮَﻛْﺘُﻜُﻢْ ﻋَﻠَﻰ ﺍﻟْﺒَﻴْﻀَﺎﺀِ ﻟَﻴْﻠُﻬَﺎ ﻛَﻨَﻬَﺎﺭِﻫَﺎ ﻻَ ﻳَﺰِﻳﻎُ ﻋَﻨْﻬَﺎ ﺑَﻌْﺪِﻱ ﺇِﻻَّ ﻫَﺎﻟِﻚٌ ."
"Iiwanan ko kayo sa isang Baydha (maliwanag na landas) na ang kanyang gabi ay katulad ng kanyang araw. Walang sinumang lumihis dito pagkaraan ng aking paglisan maliban sa kanya na mapapahamak."
[Sunan Ibn Majah, Vol. 1, Aklat 1, Hadith 43, Sahih]

ٓئِكَ حِزْبُ ٱللَّهِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

"Sila nga ang pangkat ng ALLAH. Katotohanan, ang pangkat ng ALLAH ang magtatamasa ng Tagumpay."
Ay nagpapakita na sila ang pangkat ng ALLAH, ibig sabihin, Kanyang mga alipin na karapat-dapat sa karangalan. Ang salita ng ALLAH ﷻ;

إِنَّ حِزْبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

"Katotohanan, ang pangkat ng ALLAH ang magtatamasa ng Tagumpay."
Tiniyak ang kanilang tagumpay, kaligayahan at pagwawagi sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay, ito ang pagkakaiba sa kanila ng pangkat ng demonyo.
[Tafsir Ibn Kathir]

NGAYON kung hindi mo matanggap ito, pinagsisinungalingan mo ang mga nabanggit dito, at inaalipusta at sinisiraan ang mga gumagawa nito, ay wala kang inaalipusta kundi ang mga Sahabah.
DAHIL sa kamangmangan mo ay nagmumukhang tanga kana.
Kung hindi mo matatanggap ang katuruan ng Islam,
PWES, ang Islam ay mananatili kahit WALA KA!"

HARINAWA'Y maging matatag tayo dito."

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

KATOTOHANAN SA ISLAMWhere stories live. Discover now