"TIYAKIN ANG BALITA"
(Mahalagang paalala)NAKIKITA natin ang labis na pagsusumikap ng mga kaaway laban sa atin, sila ay umaatake sa lahat ng labanan sa lahat ng paraan.
Isa sa kanilang sandata ay ang media, sila ay nagkakalat ng kasinungalingan laban sa atin.
Bilang resulta, ang karamihan maging ang mga Muslim na nakikinig sa kanila ay nakukuha nila at kinakalaban ang kanyang kapatid sa pananampalataya at itinuring itong kaaway dahil sa mga paninirang nagmula sa bibig ng mga Kuffar at mga Munafiq na siyang ginamit ng kaaway laban sa atin.Sila ay dalubhasa sa paghabi ng mga kwento upang iugnay sa mga pangyayari upang suportahan lamang ang kanilang mga kasinungalingan.
Sila ay gumagamit ng mga tao, mga Munafiq upang maging kapani-paniwala ang kanilang mga kwento.
Sila ay handang magsinungaling matugunan lamang ang bugso ng kanilang mga pagnanasa, mga sariling interes, at ang lantarang pagsalungat sa Shari'ah ng ALLAH ﷻ.Kung kaya bago ka pa maging kabilang sa mga tumatayo sa hanay ng mga kaaway ng ALLAH ﷻ ay dapat mong malaman ang ilan sa mga BABALA na naitala sa Banal na Aklat, Sinabi ng ALLAH ﷻ;
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنْ جَاءَكُمْ فَاسِقٌ بِنَبَإٍ فَتَبَيَّنُوا أَنْ تُصِيبُوا قَوْمًا بِجَهَالَةٍ فَتُصْبِحُوا عَلَىٰ مَا فَعَلْتُمْ نَادِمِينَ
"O kayong sumasampalataya! Kung ang isang mapaghimagsik at makasalanang tao (Fasiq) ay dumatal sa iyo na may hatid na anumang balita, inyong tiyakin ang katotohanan, baka kayo ay makapinsala sa inyong kapwa dahilan sa kawalan ng kaalaman, at sa bandang huli ay matigib kayo ng pagsisisi sa inyong nagawa."
[Surah al-Hujurat 49:6]Tayo bilang mga Muslim ay dapat maging maingat sa pagtanggap ng mga balita, mga haka-haka, mga kuro-kuro at mga gawa-gawang paninira mula sa bibig ng mga Kaaway,
At sa mga Munafiq na kaalyado nila, sapagka't ang mga Munafiq na ito ay naghahangad lamang na tayo ay maging katulad nila, at maging kasama nila sa pagiging Munafiq, katulad sa nabanggit sa Talatang ito;وَدُّوا لَوْ تَكْفُرُونَ كَمَا كَفَرُوا فَتَكُونُونَ سَوَاءً ۖ فَلَا تَتَّخِذُوا مِنْهُمْ أَوْلِيَاءَ حَتَّىٰ يُهَاجِرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ
"Sila (na mga mapagkunwari) ay nagnanais na inyong itakwil ang Pananampalataya, na katulad din ng kanilang pagtatakwil (sa Pananampalataya), upang sa gayon kayo ay maging magkapantay (sa isa't-isa). Kaya't huwag ninyong kunin na Awliya ang mula sa kanila, hanggang sila ay magsilikas tungo sa Kapakanan ng ALLAH."
[Surah an-Nisa 4:89]At maliban dito, isang malinaw na babala ang sinabi ng ALLAH ﷻ sa Talatang ito;
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا بِطَانَةً مِنْ دُونِكُمْ لَا يَأْلُونَكُمْ خَبَالًا وَدُّوا مَا عَنِتُّمْ قَدْ بَدَتِ الْبَغْضَاءُ مِنْ أَفْوَاهِهِمْ وَمَا تُخْفِي صُدُورُهُمْ أَكْبَرُ ۚ قَدْ بَيَّنَّا لَكُمُ الْآيَاتِ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْقِلُونَ
"O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong kunin bilang Bitanah (tagapayo, tagapangalaga, tagatangkilik, kaibigan) ang mga nasa labas ng inyong pananampalataya (mga Hudyo, Kristiyano, Pagano at Munafiq), sapagka't sila ay hindi titigil na gawin ang kanilang makakaya upang kayo ay pasamain. Sila ay nagnanais na bigyan kayo ng matinding kapinsalaan. Ang pagkamuhi ay ganap nang sumilay sa kanilang bibig, subalit ang inililingid ng kanilang dibdib ay higit na masama. Katiyakan, Aming ginawa na malinaw sa inyo ang mga Ayat, kung kayo ay nakakaunawa."
[Surah Al-'Imran 3:118]