عَنْ أَبِيهِ، جُبَيْرِ بْنِ نُفَيْرٍ عَنْ أَبِي الدَّرْدَاءِ، قَالَ كُنَّا مَعَ رَسُولِ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم فَشَخَصَ بِبَصَرِهِ إِلَى السَّمَاءِ ثُمَّ قَالَ "هَذَا أَوَانٌ يُخْتَلَسُ الْعِلْمُ مِنَ النَّاسِ حَتَّى لاَ يَقْدِرُوا مِنْهُ عَلَى شَيْءٍ". فَقَالَ زِيَادُ بْنُ لَبِيدٍ الأَنْصَارِيُّ كَيْفَ يُخْتَلَسُ مِنَّا وَقَدْ قَرَأْنَا الْقُرْآنَ فَوَاللَّهِ لَنَقْرَأَنَّهُ وَلَنُقْرِئَنَّهُ نِسَاءَنَا وَأَبْنَاءَنَا. فَقَالَ "ثَكِلَتْكَ أُمُّكَ يَا زِيَادُ إِنْ كُنْتُ لأَعُدُّكَ مِنْ فُقَهَاءِ أَهْلِ الْمَدِينَةِ هَذِهِ التَّوْرَاةُ وَالإِنْجِيلُ عِنْدَ الْيَهُودِ وَالنَّصَارَى فَمَاذَا تُغْنِي عَنْهُمْ". قَالَ جُبَيْرٌ فَلَقِيتُ عُبَادَةَ بْنَ الصَّامِتِ قُلْتُ أَلاَ تَسْمَعُ إِلَى مَا يَقُولُ أَخُوكَ أَبُو الدَّرْدَاءِ فَأَخْبَرْتُهُ بِالَّذِي قَالَ أَبُو الدَّرْدَاءِ قَالَ صَدَقَ أَبُو الدَّرْدَاءِ إِنْ شِئْتَ لأُحَدِّثَنَّكَ بِأَوَّلِ عِلْمٍ يُرْفَعُ مِنَ النَّاسِ الْخُشُوعُ يُوشِكُ أَنْ تَدْخُلَ مَسْجِدَ جَمَاعَةٍ فَلاَ تَرَى فِيهِ رَجُلاً خَاشِعًا".
Isinalaysay ni Jubair bin Nufair; mula kay Abu Darda na nagsabi; "Kasama namin ang Propeta ﷺ nang kanyang itingala ang kanyang paningin sa langit, pagkaraan siya ay nagsabi;
"Ito ang panahon na kaalaman ay aalisin mula sa mga tao, hanggang sa kung ano ang matitira sa kanila ay hindi magkakahalaga ng anuman." Dahil doon si Ziyad bin Labid al-Ansari ay nagsabi;
Paano ito aalisin sa amin habang nagdadalit ng Qur'an. Sumpa man sa ALLAH dinadalit namin ito, at ang aming mga kababaihan at kabataan ay dunmadalit nito?' Siya ﷺ ay nagsabi;
"Naway ikaw ay mangulila sa iyong Ina O Ziyad! Itinuring kitang kabilang sa mga Fuqaha sa mga tao ng Madinah. Ang Tawrah at Injil ay hawak ng mga Hudyo at Kristiyano, may pakinabang ba ito sa kanila?" Si Jubair ay nagsabi; Magkayon aking nakatagpo si 'Ubadah bin as-Samit at sinabi ko sa kanya;
"Hindi mo ba naririnig kung ano ang sinabi ni Abu ad-Darda?" Pagkaraan ay ipinaalam ko sa kanya ang sinabi ni Abu Darda. Siya ay nagsabi;
"Si Abu ad-Darda ay nagsasalita ng katotohanan. Kung nanaisin mo, aming isalaysay ang hinggil sa kaalaman na unang aalisin mula sa mga tao. Ito ay ang Khushu', sa susnunod ikaw ay papasok sa kongresyonal sa Masjid, ngunit wala kang makitang sinumang tao dito na nagtataglay ng Khushu'."
[Jami' at-Tirmidhi 2653, Aklat, 41, Hadith 9 - Sahih]Khushu' (الْخُشُوعُ) - Kataimtiman sa pagdarasal.
HINDI natin maitatanggi sa kasalukuyan ang palatandaang ito, nakikita natin na ang karamihan sa mga tao ay parang manok na tumutuka habang nagdarasal, at kapag ito ang naging pagdarasal ng isang Imam sa Jama'ah, ganun narin ang buong Kongregasyon, katulad ng nabanggit dito;
"إِنْ شِئْتَ لأُحَدِّثَنَّكَ بِأَوَّلِ عِلْمٍ يُرْفَعُ مِنَ النَّاسِ الْخُشُوعُ يُوشِكُ أَنْ تَدْخُلَ مَسْجِدَ جَمَاعَةٍ فَلاَ تَرَى فِيهِ رَجُلاً خَاشِعًا".
"Kung nanaisin mo, aming isalaysay ang hinggil sa kaalaman na unang aalisin mula sa mga tao. Ito ay ang Khushu', sa susunod ikaw ay papasok sa kongresyonal sa Masjid, ngunit wala kang makitang sinumang tao dito na nagtataglay ng Khushu'."
Pangalagaan nawa tayo ng ALLAH hinggil sa bagay na ITO."
KUNG sa tingin ninyo ay hindi kami dapat paniwalaan, hindi kami nababagay na pakinggan, kahit ang magagawa mo lang ay ang kumilos ka para sa iyong sariling kaligtasan, pag-aralan ang Islam, maglaan ng kahit kaunting panahon upang buklatin sa iyong sarili ang Dalawang Aklat, dahil Sumpa man sa ALLAH! Ang Quran at Sunnah (Hadith) ay siyang BASEHAN ng Islam hindi ang bunganga ng KARAMIHAN."
