WARNING: Ang nakasulat dito ay gawa lamang ng imahinasyon ng author. Huwag niyo pong seryusuhin. Peace.
Blue's POV
"Blue, 'wag kang aalis dito sa kwarto mo. Parating na ang mga bisita ko."
Hindi ko pinansin ang bilin ng mama ko sa akin. Sa halip ay nagtalukbong na lang ako ng kumot. Sanay na ako sa kanya.Hindi maganda ang trato ni mama sa akin. Ang kakampi ko lang siguro sa bahay ay ang papa ko. He just passed away six months ago.
Simula ng mangyari 'yon, hindi na ako lumalabas ng kwarto. Wala na kasi si papa. Idol ko ang papa ko. He was a brave, intelligent, kind and a wise man. Aside from that, he accepts me for who I am.
Noong nawala siya, nawalan ako ng kakampi. My sister whos 40 just acts civil when she's with me. My mom? My mom despises me for who I am. Ikinahiya niya ako. Alam ko naman kung bakit.Hindi ko lang matanggap na may ina na walang pake sa anak.
Yes. She gives me everything I need. Only her love and affection, she don't. Or so it seems. I've always been the son, who never disobeyed my mom. I always tried reaching out to her. I did everything to make her happy, but to no avail, it didn't work out.
Even thought how hard I try. But for now, I wanna do different. No. Be different. I wanna feel my freedom. I dont want to hide.
I grabbed my jacket and put the hood on. I'm ready to get out, and get a life.
Naglalakad ako sa may park ng subdivision.Hindi ko alam kung bakit ako dito pumunta. Gusto ko lang siguro lumanghap ng hangin. O di kayay para panandaliang ilimot kung bakit ako iba sa nakakarami.
Napabuntong hininga nalang ako at pumikit . My dad used to bring me here. Kasabay ng pagmulat ng aking mata ay ang pagkaalala ko ng alaalang mahirap kalimutan.
FLASHBACK 13 YEARS AGO
"Mama, why can't I go with you inside?" Isinama ako ng mama ko sa bahay ng kaibigan niya. Napadaan lang naman kami. Iniwan ako ng mama ko sa labas ng bahay at siya na lang ang pumasok. Baka raw kasi makita ako ng kaibigan niya.
Maya maya ay lumabas ang isang bata at sinundan naman ito ng isa.
"Hey! Let's play" Tawag sa akin ng bata. Napatingin naman ako sa laruang dala niya. It was a doll. Umiling na lang ako.
"He wouldn't play with your toy Lizarin. He's a boy". Sagot ng isa.
"Maybe he'll play with your toy Lorraine". Sabi ng isa. Bola ang dala ng batang nagngangalang Lorraine.
"Halika na!" Tinawag ako ng tinawag ni Lorraine.
Papunta na sana ako ng may humawak sa saakin. Kinaladkad ako ni mama papasok sa kotse. Nag drive siya pauwi. Tahimik lang siya, pero alam kong galit na galit siya saakin.
Pagdating sa bahay ay kinaladkad niya ako papasok sa kwarto.
"Hindi ba't sabi ko sayo, 'wag kang aalis?!"
"I didn't mama." Mahinang tugon ko, kasabay ng paghigit niya sa aking braso.
"Anong tawag mo don?!" Galit na galit niyang saad.
