Lizarin's POV
Mr. Right? Hmm. Maraming imahe ng mga lalaki ang pumapasok sa utak ko kapag ito na ang pinag-uusapan. Pero may nangingibabaw talaga...
Cold. Gusto ko 'yong lalaking cold. Iyong tipong kapag kinakausap mo siya ay kikilabutan ka at gugustuhin mong kumuha ng jacket sa lamig?
Mysterious. Isa din ito sa gusto ko. 'Yung pa mysterious effect.
Matalino. Gusto ko yung may sense of humor, hindi yung kapag kinakausap mo. Walang maisagot. Nga-nga.
Gwapo. Siguro isa 'yan sa mga best assets sa lahat ng 'Mr. Right' na pumapasok sa utak ko. Gwapo. Period.
Maputi. Ito 'yong pinaka hinahanap ko sa isang lalaki o ang aking 'Mr. Right'. Bakit? Kadalasan kaya sa mga gwapo ay mapuputi.
"Ate Pink, may kapatid po ba kayong lalaki?" Tanong ko sa katabi kong si Ate Pink. Anak siya ng kaibigan ni mama. Wala akong masyadong alam sa pamilya nila. Si Tita Crisilda lang kasi palagi ang pumupunta sa bahay at wala naman siyang masyadong naikwento saamin. Hindi rin namin kilala ang asawa niya. Ang kilala lang siguro namin sa pamilya nila ay si Ate Pink. Proud na proud si Tita sa kanya. Siya daw kasi ang hahawak sa kumpanya nila kapag wala na siya sa mundong ito at naniniwala din siyang susunod sa yapak niya si Ate Pink. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa nakapag-asawa si Ate Pink sa edad na 40 dahil sa sobrang busy niya sa pagpapalago ng negosyo nila.
"Secret" Ngumiti, pagkatapos ay kumindat siya 'saka tumayo at umalis.
Nagtaka naman ako kung bakit secret e, pwede namang sabihing 'wala' o 'meron'. Siguro wala siyang kapatid? O siguro din meron at sobrang gwapo nito at sinisecret ni Ate? Siguro... Ay ewan.
Napabuntong hininga ako 'saka tumayo at luminga-linga sa paligid, hinahanap ko si mama. Nandito kami ngayon sa isang business gathering. Isinama ako ni mama dahil wala siyang kasama, hindi kasi makakapunta si papa dito dahil may mas importante pa daw siyang gagawin.
Lumapit ako sa lamesa kung saan nando'n si mama, pati na ang kanyang mga kaibigan, at ang mama ni Ate Pink. Nakita ko si mama na may kausap na business man. Nilapitan ko ito.
"Excuse me po..." Natigil naman sila sa pag-uusap, at tumingin saakin. Ngumiti ako sa kausap ni mama bilang bagbati. Pagkatapos ay binalingan ko ng tingin ang aking ina.
"Lalabas po muna ako ma." Pagkatapos tumango ni mama ay tumakbo na kaagad ako palabas.
Pagdating ko sa labas, agad akong huminga ng malalim at dinama ang simoy ng hangin. Napapikit ako habang ginagawa iyon. Pagmulat ng mga mata ko ay dahan-dahan akong umupo sa gilid ng daan at niyakap ang sarili. Tumagal ako sa ga'nong posisyon. Nang mapagod ay tumayo.
May nakita ako park. Dumiretso ako doon at umupo malapit sa puno. Luminga-linga ako upang makita kung may ibang tao ba roon.Agad akong nalungkot ng napagtanto kong ako lang mag-isa. Tumalikod naman ako para makita kung may tao ba sa likod.
Napatigil ako ng mapansing may lalaking nakaupo doon at nakajacket. Tumayo ako para makita itong mabuti. Pinagmasdan ko ang lalaki. Nakajacket siyang itim at naka hood. Hindi nakikita ang kanyang mukha, para siyang natutulog at... Para siyang Holdaper?!
Napatakbo naman ako pabalik sa puno dahil sa naisip ko. Sumilip ako para malaman kung nakita ba niya ako. Nang napagtantong hindi niya ako nakita, dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.
Nang bigla siyang gumalaw, napatakbo na naman ako at nagtago sa halamang malapit sa kinauupuan niya.
Muli ko siyang sinilip.'Natutulog ba siya?' Napatanong na lamang ako sa sarili. Napanguso ako. Gusto ko talagang madagdagan ang bilang ng kaibigan ko. Tiningnan ko siyang muli. Bahala na nga.
Tumayo ako at lumapit sa likod ng inuupuan niya. Plano kong kunin ang hood niya at gulatin siya. Pagkatapos kakaibiganin siya.
Dahan-dahan ang paggalaw ko para hindi ko siya magising. Napangisi ako ng nasa likuran niya na ako. Hihi. Napabungis-ngis ako. Ito na! New friend, this is it!
Unti-unti kong inilapit ang aking kamay para maabot ang hood ng kanyang jacket.Konti nalang sana ng bigla siyang tumalikod at humarap sa akin! Hinawakan niya ang pulsuhan ko at tinabunan ang aking mga mata. Omg! Holdaper?!
"Huwag po!" Naiiyak kong sabi.
"Ibibigay ko na po ang cellphone, pati na rin bag at..." Napatigil ako sa pag hi-hysterical ng mapansing ang lapit ng mukha niya sa mukha ko dahil ramdam ko ang kanyang hininga. Shemz! Ang bango!
"Shh..." Bulong niya.
"Wala akong gagawing masama sayo.Bawal mo lang talaga akong makita, baka mainlove ka." Malamig niyang saad. Pagkatapos ay inalis niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ko at sa mga mata ko. Pagmulat ng aking mata, agad siyang tumalikod at tumakbo papalayo.
O...M...G.! Para na akong mamatay sa kilig! Boses palang ang gwapo na. Siguradong mas gwapo siya!
"Cold ang mysterious? Check!" Napangisi nalang ako. Hintayin mo ako Mr. Right, magiging akin ka.
_____________
Rah Tu.