C

265 31 29
                                    

Corned beef ang almusal ko kanina dahilan siguro kung bakit mas lalo akong kinabahan sa pagpasok.

Gaya nga ng naiisip ko bago matulog hanggang sa pag gising ko ay pagkatapos kong matanaw ang likuran ni Yael na papasok sa building ng mga seniors ay nakita ko na lamang ang aking sarili na hila-hila na ni Kulafu patungo sa likuran ng abandonadong silid. Kahit na magsisigaw ako ay walang nakarinig sa akin lalo na ng takpan niya ang aking bibig gamit ang isang puting panyo.

Marahas niya akong isinandal sa malamig na sementadong pader.

"Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para gawin iyon sa akin?" Mahinahon ang mukha niya ngunit may diin sa kaniyang tono. Matatalim na titig ang iginawad niya sa akin ng hindi ako sumagot kaya wala akong nagawa kundi ang mapayuko.

"Sagot!" Halos mapatalon ako sa sigaw niya. Napahikbi ako ng hawakan niya ang aking panga at pilit akong pinapatingin sakaniya.

Kinilabutan ako sa pagkakangisi niya ng magtama ang aming paningin.

"K-asalanan mo! Noong una ay dinugasan mo ako, ngayon ay inilagay mo naman ang litrato ko sa mga computers!" Nanginginig kong pang-aakusa sakaniya pero mahina lang siyang tumawa.

Lord, mabait naman po si Kulafu kaya sana kunin niyo na po siya! Iligtas niyo po ako, pangako susundin ko na lahat ng bilin ni mama. Lamunin man ng lupa si Kulafu ngayon!

"Sebastian." Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Nang makita kong si Yael nga iyon ay naglaho ang lahat ng takot ko.

"Wag kang makealam rito." Bulyaw sakaniya ni Sibaz ngunit matikas na humakbang pa rin si Yael.

Napatili ako ng biglang sinuntok ni Kulafu ang matigas na pader sa gilid ng aking ulo saka niya ako itinulak at binitawan ng marahas dahilan ng pagkakasalampak ng aking pang-upo sa lupa.

Dinaluhan agad ako ni Yael pagkaalis ni Kulafu.

"Ayos ka lang ba? Kaya mo bang maglakad?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Kahit na medyo nanginginig pa ang aking mga tuhod ay nakuha kong tumayo at yumakap sakaniya, inilabas ko lahat ng aking kaba sa mga bisig niya.

"Salamat sa pagtulong sa akin." nahihiyang tumingin ako sakaniya.

"Walang anuman. Sa susunod ay iwasan mo na lamang siya. Mainitin talaga ang ulo ng isang 'yon." nakangiting bilin niya sa akin. Nagsimulang maglikot ang mga paru-paro sa aking tiyan. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nakangiti sa malapitan.

Ngumiti siya para sa akin.

Inihatid niya ako sa silid pagkatapos kong mahimasmasan sa nangyari. Nang makaalis siya ay agad akong sinalubong ni Olivia, abot tenga ang pagkakangisi niya.

"Bakit hindi ka nakapasok kay Miss Rivero? Bakit kasama mo si Yael bes?" sunod-sunod na tanong niya. Kinikilig ang bruha.

Ang takot ko kanina ay napalitan ng kakaibang saya. Nakalimutan ko na kung paano ako kaladkarin kanina ni Sibaz at ang tanging paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ngayon ay ang mga ngiti ni Yael para sa akin. Nararamdaman ko pa ang init ng kamay niya sa balat ko. Shemay! Tingin ko ay nakamit na ng puso ko ang ika-pitong langit.

Kinabukasan ay napakaganda ng gising ko, kung dati ay hinihintay ko lamang si Yael sa kabilang daanan, ngayon ay tumawid ako at binati siya.

"Good morning!"

"Magandang umaga." Pagbati niya pabalik sa akin.

Tahimik lamang si Yael noong una pero nang maulit ang mga araw na binabati ko siya sa umaga at sumasabay sakaniya papasok ay naging madaldal na rin siya. Parang unti-unti ng nagkakatotoo ang lahat ng mga panaginip ko.

--

Obscured ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon