D

240 29 14
                                    

Dapat ay nakalimutan ko na ang mga nangyari noong isang araw ngunit bakit bigla ko na lamang nabilang ang mga araw na hindi ko na nadadatnan si Sibaz sa tabi ng bakal na gate.

"Alas-diyes ka susunduin ng kuya Arkus mo mamaya kaya wag ka ng magbalak na magtagal pa." Bilin sa akin ni mama pagkatapos niyang ayusin ang aking buhok.

"Opo mama." Nakangiti kong tinignan ang aking repleksyon sa salamin.

Nakasuot ako ng isang pulang dress na lagpas sa aking tuhod, tinernuhan ko iyon ng isang pares ng kulay silver na sapatos na nasa kalahating dangkal ang taas. Pulbos at kulay rosas na kulorete naman sa mga labi ang nagpatingkad sa aking mukha.

Alas-otso ng makarating ako sa gymnasium ng aming eskwelahan. Saktong nagsisimula na ang programa, umupo ako sa inireserbang upuan ni Olivia para sa akin. Pasikreto kong inililibot ang aking paningin sa buong paligid kahit na panay ang daldal ni Olivia tungkol sa lalaking nanliligaw sakaniya.

Nang mag simula na ang tsibugan na isa din sa mga hinihintay ko ay kahit paano'y nabuhayan ako, hindi ko pa nakikita si Yael. Walang hiya kong pinuno ang hawak na plato, busog na busog ako pagkatapos.

Ilang minuto pagkalabas ko ng washroom ay nagsimula ng mabuhay ang buong gymnasium. Malungkot akong bumalik sa upuan at pinanood ko na lamang si Olivia na nagpatangay sa isang lalaking hiningi ang kamay niya para sumayaw.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit napansin ko ang pagtulak ni Kokoy kay Yael patungo sa akin. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya at hindi mapakaling inalok niya sa akin ang kaniyang kamay. Natawa pa ako ng imbes na nasa harapan ko ang nanginginig niyang kamay ay nasa ibang direksyon iyon.

Tumayo ako at kinakabahang tinanggap ang kaniyang kamay.

"Pasensiya kana, ang kukulit kasi ng mga tropa ko." Hinging paumanhin niya.

"Ayos lang. Nababagot din naman ako kaya mas mabuting sulitin nalang natin ang gabing ito?" Iyon ang mga katagang lumabas sa akin. Nakakatuwang sinaniban ako ng lakas ng loob kahit na parang pinipilipit na ang aking tiyan sa kaba ng mga sandaling iyon.

Pumailanlang ang isang classic opm sa buong gymnasium. Sabay naming isinayaw ang aming katawan sa tugtog.

"Napakaganda mo ngayon, Abcde." Ani Yael na nagpangiti sa akin.

"At napakagwapo mo naman ngayon, Yael. Bagay talaga tayo." Hirit ko na ikinatawa naming dalawa.

Pumikit ako at dinama ang mga sandali. Tanging ang naghuhuramentadong puso ko at ang mga kamay ni Yael na nakahawak sa akin ang nakakuha sa buong atensyon ko, pero ang sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan o talagang nakalimutan ko lang na may ganito palang segment sa gabing ito. Gaya ng iba ay napatili ako ng mamatay ang lahat ng ilaw at naramdaman ko nalang ang paghapit ng kung sino sa aking balakang.

Napalitan ng kantang It's you ng Westlife ang tugtog kasabay niyon ay ang pagbulusok ng panlalaking pabango sa aking ilong, langhap na langhap ko ito dahil kulang nalang ay yakapin ako ng lalaki. Sumabay na lamang ako at nagpaubaya ng isayaw niya ako sa dilim.

"Maraming salamat sa gabing ito, Yael." bulong ko at naramdaman ko ang pag higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

--

Obscured ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon