Eksatong alas-siete ay nasa hospital na ako. Limang taon na ang lumipas at ilang kembot nalang ay makakapagtapos na ako sa kursong BS Physical Therapy.
Dinala ako ng HR secretary sa Physiotherapy Department at doon ay ipinakilala niya ako bilang Intern.
Sa unang araw ay naging maganda ang aking performance at sumunod-sunod pa iyon.
Nang ika-pitong araw ng aking Internship ay napagpasyahan kong bumili muna ng pasalubong kay mama sa isang coffee shop bago dumiretso ng uwi, ngunit pagkapasok ko sa coffee shop ay hindi ko inaasahang makita si Yael. Limang taon na ang lumipas pero walang pagbabago sakaniya, lalo lamang siyang gumwapo at tumangkad.
Naramdaman ko ang pagkabog ng aking puso nang magsimula akong magmartsa patungo sa mesang inuukopa niya. Walang tigil sa pag-alon sa aking isipan ang mga alaalang iningatan ko ng limang taon. Pagkatapos ng gabing sumayaw kami sa dilim ay araw-araw na kaming magkasama hanggang sa makagraduate siya at nangakong babalikan niya ako makatapos lang siya ng pag-aaral sa America.
"Yael!" Lakas loob akong lumapit sakaniya.
Lalo lamang lumakas sa pagkabog ang puso ko ng ngumiti siya sa akin pero kasabay niyon ay ang unti-unting dumurog sa akin.
"Pasensiya na, pero ngayon pa lang kita nakita. Magkakilala ba tayo?" Nakangiting tanong niya.
Na estatwa ako sa aking kinatatayuan hanggang sa may dumating na babaeng mestiza at lapitan niya si Yael saka halikan sa mga labi. Lalo lamang akong nadurog ng magsalita ang babae.
"I'm sorry babe, nagkaroon kasi ng emergency. Happy third anniversary!"
Oh.
Okay.
It's okay.
I understand.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos basta ang alam ko ay sobrang sakit nitong dinadala ko sa aking dibdib. Hindi ako maaaring magkamaling si Yael iyon, pero bakit ang sakit na hindi niya ako maalala? Gusto kong umiyak pero para saan pa? Ang tanga ko. Ang sarap pagmumurahin ng sarili ko. Ang tanging pinanghawakan ko lang naman ay ang sinabi niyang babalikan niya ako. Kahit kailan ay hindi naging malinaw ang relasyon naming dalawa, ako lang itong umasa. Tngina! Ang sakit! Bumalik nga siya, pero hindi na para sa aming dalawa, kundi sa mga bagong alaala na hindi na ako ang kasama niya.
Tatlong araw akong hindi nakapasok. Sa pang-apat na araw ay maaga akong gumising at nag-ayos ng aking sarili. Oo, masakit pa rin, sino bang hindi masasaktan kung sa ilang taon ay nakulong ka sa isang pangako na mapapako rin pala. Pero naisip kong hindi doon titigil ang mundo ko, sa pagtuntong ko ng kolehiyo ay isang bagay ang natutunan ko, maraming pangarap ang dapat mong pangarapin. Si Yael ay isa sa mga pangarap ko, pero madami na akong nasayang na oras at hindi ako pwedeng tumigil dahil lamang nabigo ako sa isa lang.
"May VIP tayo ngayon, Miss De Arce. Ilang araw na siyang pabalik-balik dito dahil na i-refer ka sakaniya ng naging pasyente mo noong isang araw." Sabi sa akin ng head.
Madali ko namang tinungo ang kwarto kung saan naghihintay ang pasyente.
"Hi, Sir! I'll be your Therapist for this da--" natigilan ako ng humarap sa akin ang isang matangkad na lalaki. Natulala ako sa mukha niya, ang laki ng pinagbago niya ngunit hindi ang mga ngiti niya. Ang dating payatot na kilala ko ay nagtransform sa isang.. No! Hindi ako pwedeng maglaway sa ulupong na 'to!
"It's payback time, Abcde." Nakangising sabi ni Sibaz at humakbang palapit sa akin.
Napaatras ako.
"Sir, I'm a physical therapist. Physical po. Hindi mental." Pabalang kong sabi sa Very Impaired Psychopath kong pasyente. Mukhang minamalas talaga ako ngayon, kailangan ko na yatang magpatawas sa kilalang albularyo ni mama.
Bigla ay naalala ko si Yael. Darating siya at sasagipin niya ko sa mga kamay ni Kulafu gaya ng dati. Magiging malapit ulit kami sa isa't isa, at sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Ikakasal kami at magkakaroon ng masayang pamilya.
What a great concept?
Ngunit alam kong hindi na iyon mangyayari pa. Nagtatalo na rin sa isip ko kung tunay nga bang naging malapit kami sa isa't isa o ang lahat ng mga nangyari ay bahagi lang din ng mga panaginip at ilusyon ko.
--
BINABASA MO ANG
Obscured Valentine
ChickLitA B C D E, alin sa mga titik ang hindi mo nakilala? -- Book cover credit to my baby Yn. ❤ Musics: Be my fairytale - Moira Cloud9 shine - Moira Love me instead - Moira It's you - Westlife If you tell me you love me - Moira