Prologue:
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palagi na lang masaya ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. May pagkakataon na kailangang subukin ang pagsasama ng dalawang tao.
Pero, bakit sa isang iglap ang kasiyahan ay nawala na lamang na parang bula? Bakit tila yata biglang nag-iba ang ihip ng hangin?
Nang dahil sa isang pagkakamali ang dating magandang samahan ay bigla na lamang nawasak. Tila ba basta na lamang ito kinalimutan nang dahil lamang sa tawag ng laman. Masakit isipin na ang pinapangarap mo sa inyong dalawa ay bigla na lamang naglaho.
Ngunit, paano na lang kung sa hindi inaasahan na pangyayari ay bigla na lang siyang nawala na parang bula?
Halos ginawa mo na ang lahat ngunit kahit bakas niya ay hindi mo mahanap. Masakit man isipin ngunit kailangan na niyang sumuko sa paghahanap sa taong walang balak na magpakita pa.
"Fuck! This is all my fault. Where are you baby? Please comeback to me." - Blake Christian Monteverde
*****
Ito na ba ang panahon para sumuko o tutuloy pa rin kahit alam mong wala ng pag-asa? Ito na nga yata ang sinasabi nila na nasa huli ang pagsisisi.
Mananatili ka pa rin ba sa nakaraan kung alam mo naman na matagal ng nakalipas ang nakaraan?
Ang nakaraan na labis mong pinagsisisihan dahil sa pagkawala ng babaeng mahal mo. Ang babaeng kahit ubod ka pa ng sungit ay hindi nawawala sa iyong tabi.
Ngunit lahat ng iyon ay nawala dahil sa pagkakamali na hindi mo ginusto ngunit nagawa mo pa rin. Dahilan upang mawala ang babaeng labis na nagmamahal sa iyo. Ang babaeng walang ginawa kundi ang pasiyahin ka sa araw-araw.
At
Ang babaeng pinagpalit mo lang ng basta-basta dahilan upang mawala ito na parang isang bula.
_________________________________________________________________________________________________________
A/N: Anong masasabi ninyo sa prologue? Maaari ko bang malaman ang inyong opinyon tungkol sa kabanatang ito.
I need 5 votes and comments for chapter 1. Para malaman ko kung itutuloy ko pa ba ito. Maraming salamat sa inyo.
READ. VOTE. COMMENT.
BINABASA MO ANG
My Extra-Ordinary Girl (Revising)
General FictionSabi nila hindi madaling makalimot pero bakit sa isang iglap ay nawala na lang ang masayang alaala. Masayang alala na akala mo ay wala nang katapusan ang kasiyahan na ito. Pero bakit sa kabila ng lahat nawala na lang itong parang bula. Aasa ka pa ba...