Chapter 5: Husband

53 14 0
                                    

Chapter 5: Husband

Ilang araw na ang nakalipas mula nang tumira ang pamilya ni Sapphire sa bahay ni Light. Naiinis man si Sapphire dahil sa kakulitang taglay ni Light pero kahit ganoon alam niya na tanging si Light lang ang mapagkakatiwalaan niya. Kaya hindi na nagtaka pa si Sapphire nang maraming tao ang inakala na mag - asawa sila ni Light. Sa halip na itama niya ang akala nang mga tao hinayaan na lang niya sapagkat masaya siyang nakikita na masaya ang anak niyang si Spencer.

"Mommy sabi po ni daddy hahatid daw po niya ako sa school." Saad ng nakangiting si Spencer sa kaniyang mommy.

Sa halip na sagutin ito ni Sapphire binigyan niya lang ng matamis na ngiti ang kaniyang anak. Nakatatawa man isipin pero wala siyang balak itama ang iniisip ng ibang tao sa kanila.

"Baby gusto mo hatid na rin kita sa trabaho mo pagkatapos kong ihatid ang bata."

"Tsk. May magagawa pa ba akong tukmol ka."

Habang sakay ng sasakyan si Sapphire hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. Sapagkat hanggang ngayon ay iniisip parin niya kung sino nga ba ang nagtatangkang pumatay sa kaniya. Dahil sa lalim ng iniisip niya nakarating na pala sila sa kompanya na pinagtratrabahuhan niya.

"Baby nandito na tayo, bakit ang lalim yata ng iniisip mo?" Nagtatakang tanong ni Light kay Sapphire.

"Iniisip ko lang kung sino ang taong gustong pumatay sa'kin. Kung sumama na lang kaya ako sa'yo tutal ilang araw na rin akong hindi pumupunta doon."

"Tsk. Kung ako lang sana ang masusunod ayoko nang bumalik ka pa doon."

Hindi man magawang sabihin ni Light ang nararamdaman niya ngunit nag - aalala siya sa kalagayan ni Sapphire. Dahil alam niya sa sarili niya na handa siyang pumatay ma - protektahan niya lang si Sapphire.

"Ang drama mong tukmol ka hindi bagay, bahala ka diyan sige alis na ako."

Pero bago umalis si Sapphire ginawaran ni Light ng halik sa noo si Sapphire. Pagkatapos naman ay nakipag - nose to nose siya kay Sapphire. Kung may magkikita sa kanila aakalain na naghahalikan silang dalawa dahil sa tayo nila.

Sa kabilang dako naman ay may isang tao na hindi nagugustuhan ang ginagawa nina Sapphire at Light. Tila ba gusto niya itong sugudin ngunit alam niya sa sarili niya na huli na siya. Sapagkat masaya na ito ngayon sa piling ng asawa nito at anak.

Light POV

Alam kong kanina pa na may nagmamasid sa aming dalawa. Ngunit sa halip na pansinin ko 'yon pinagpatuloy ko na lang ang bilin ko kay Sapphire. Kung ako lang ang tatanungin ayoko nang bumalik siya sa isa niyang trabaho. Natatakot ako na baka mapahamak pa siya dahil alam ko sa sarili ko na oras na may mangyaring masama sa kanila, mahihiya si Satanas sa kademonyohan niyang ipapakita.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago lisanin ang lugar. Hindi lingid sa kaalaman ni Sapphire na may lihim na nagbabantay kay Spencer. Ginawa ko lang 'yon dahil iniisip ko lang ang kapakanan ng bata. Ayokong lumaki siya sa magulong mundo kaya kung maaari kailangan ko nang kumilos. Kailangan kong malaman kung sino nga ba ang kalaban namin. Bakit tila alam niya ang bawat galaw namin.

Habang nagmamaneho ako napansin ko na tila may sumusunod sa akin. Isang nakakatakot na ngisi ang sumilay sa aking mga labi. Sinong mag - aakala na hanggang ngayon hindi parin sila tumitigil sa kasusunod sa'kin. Kaagad kong pinabilis ang takbo nang aking sasakyan habang ang isang kamay ko ay may hawak na baril. Gusto nila nang gulo puwes pagbibigyan ko sila, pinanganak akong matapang at hindi duwag.

Sinadya ko na dalhin sila sa abandonadong building sapagkat ayokong may madamay na mga inosenteng tao. Gago lang ako pero may puso naman ako kahit papaano.

My Extra-Ordinary Girl (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon