Chapter 1: New Life

62 24 7
                                    

A/N: May pinalitan lang ako ng kaunti guys pero ganoon parin naman ang flow ng story. Thank you.

__________________________________________________________________________________________

Chapter 1: New Life

"Anak gising na, 'di ba ngayon ang simula ng bago mong trabaho." Mahinanong saad ng matandang babae sa dalaga na ngayon ay mumukat - mukat pa. Dahil sa sinabi ng matanda kaagad na kumilos ng mabilis ang babae na kanina lang ay inaantok - antok. Halos labing limang minuto siya bago matapos at kaagad ng gumayak para makaalis na.

"Nanay aalis na po ako, mag - iingat kayo dito sa bahay." Malambing na saad ng dalaga sa kaniyang nanay.

Bagamat kinakabahan siya sa kaniyang bagong trabaho hindi na niya ito pinagtuusan ng pansin at kaagad na siyang sumakay sa jeep. Habang nasa biyahe hindi niya maiwasan ang hindi mag - alala sa nanay niya. Sapagkat tanging sila na lamang dalawa at ang anak niyang si Spencer ang magkasama sa buhay. Nag - aalala rin siya na baka sumpungin na naman ito ng rayuma niya. Kaya sa abot ng kaniyang makakaya ay nagtatrabaho siya para may pantustos silang tatlo ng kaniyang nanay at anak niya. Nang makarating siya sa kompanya ng kaniyang pagtatrabahuhan hindi niya maiwasan na mapahanga sa kaniyang nakikita. Hanggang sa bigla na lang may lumapit sa kaniya na babae na sa tingin niya ay natanggap din ito kagaya niya.

"Hi Miss bago ka rin ba dito? Ako nga pala si Kesha Perez." Nakangiting pahayag ng babae sa dalaga.

"Ako naman si Sapphire Lue--" Hindi na natuloy ng dalaga ang kaniya sasabihin ng kaagad na nakuha ang atensyon nila ng babaeng sa tingin nila ay mas nakakataas sa kanila.

Hindi alam ni Sapphire kung ano ba ang nararamdaman niya basta ang alam niya lang gusto niyang kumain ng siopao. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit hindi siya nag - umagahan sa kanila kaya ang kinalabasan ay nagugutom tuloy siya. Nalaman na lang niya na siya pala ang magiging sekretarya ng CEO ng kompanya. Ewan ba niya pakiramdam niya ay matatae siyang ewan dahil sa kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.

*****

Sapphire POV

Nakakainis naman kanina pa akong nagugutom, bakit kasi hindi ako nagising ng maaga. Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho hindi ko talaga iiwanan sina nanay at ang anak ko. Paano na lang kung atakihin siya ng rayuma niya sino ang tutulong sa kaniya. Mabuti na lang talaga at napakiusapan ko si Dodong na tingnan - tingnan muna si nanay habang nasa school si Spencer. Kung tinatanong ninyo kung sino si Dodong, siya lang naman ang kapitbahay namin na Dona sa gabi. Pero kahit ganyan siya napakabuting kaibigan niya sa akin. Kaya nga nagpapasalam-----

"Sapphire nakikinig ka ba? Ang sabi ko nandiyan na daw ang boss natin na saksakan ng sungit."

"H - Huh. Pasensiya na hindi ko namalayan na malayo na pala ang nalipad ng utak ko."

Hanggang sa dumating na ang sinasabi na boss namin. Gwapo naman siya kaya lang mukha siyang masungit. Tapos kung makatingin sa akin para bang kakainin niya ako ng buhay. Porket gwapo siya akala mo na kung sino, kung siya kaya ang kainin ko ng buo makita niya.

"Are you listening to me Miss? I said what's your name?"

"I'm Sapphire Lue--" Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin ng bigla na lang may babaeng humalik sa sinasabing boss namin. Ewan ko ba pero naiinis ako sa nakikita ko para bang gusto ko pagbuhulin ang mga nguso nila. Dahil mukhang walang balak na matapos ang pagsipsip nila sa mga nguso ng isa't isa, minabuti na lang namin na umalis ni Kesha. Mabuti na lang at naipaliwanag na sa amin ang mga dapat namin gawin. At kapag minamalas ka nga naman ako pala ang ang magiging sekretarya ng malanding boss namin. Dahil sa bukas pa naman ang pormal na trabaho namin naisipan ko munang pumunta sa isa ko pa na trabaho. At kung ano iyon puwes wala akong balak sabihin sa inyo kung anong uri ng trabaho iyon.

Kaya lang habang naglalakad ako sa bakanteng lote pakiramdam ko na para bang may sumusunod sa akin. At hindi nga ako nagkakamali dahil may dalawang lalaki na mukhang adik ang sumusunod sa akin.

"Wow. Pare may magandang babae na hulog ng kalangitan."

Teka sinong magandang babae ang sinasabi ni kuyang mukhang adik. Tumingin naman ako sa paligid pero wala akong nakitang babae na nahulog mula sa langit. Mukhang nakahithit yata ng katol itong si kuyang adik wala naman kasi ako nakitang magandang babae na nahulog sa langit.

"Teka kuyang mukhang adik, ako ba niloloko mo wala naman akong nakitang magandang babae na nahulog mula sa langit." Ngunit sa halip na sagutin nila ako bigla na lang silang nagtawanan. Sa pagkakatanda ko naman wala akong nakakatawa na sinabi sa kanila. OH MY GOD! Don't tell me may nakikita sila na hindi ko nakikita.

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni kuyang mukhang adik ang kamay ko. Dahil sa nagulat ako sa ginawa niya bigla ko siyang nasampal sa mukha niyang malangis.

"Aba't ang lakas ng loob mo na sampalin ako, baka hindi mo ako nakikilala." Mayabang na saad sa akin ni kuyang mukhang adik. At saka wala naman talaga akong balak siyang kalabanin. Dahil sa inis ko sa kanilang dalawa kaagad kong binunot ang baril ko at kaagad kong itinutok sa kanilang dalawa..

"Sige subukan ninyong lumapit sa akin, mapupuruhan talaga kayo. Baka akala ninyo natutuwa ako sa padali ninyo. Kanina lang sinabi ninyo may magandang babae na hulog ng langit pero nasaan na wala naman akong makita." Kakalabitin ko na sana ang bala kong baril nang dali - dali silang nagtatakbo papalayo sa akin. Inaano ko ba sila wala naman akong balak silang saktan tata---

"Hoy babae! Alam mo ba na labag sa batas ang ginagawa mo. May hawak kang baril at balak mo pa na---"

"T - Teka lang mamang pulis hindi naman tunay itong baril na hawak ko." Tapos bigla kong tinutok sa mukha niya at biglang lumabas ang tubig dito. Grabe sila anong tingin nila sa akin isang kriminal kita naman nilang peke ang hawak ko kasi water gun lang naman ito. Kanina pa sila ganiyan palagi na lang nila akong pinagloloko. Dahil sa badtrip ko sa mamang pulis na ito pinitik ko ang sarat niyang ilong nakakainis kasi siya.

Dahil sa abala siya sa paghawak sa sarat niyang ilong kaagad akong umalis dahil baka naghihintay na siya. Mainipin pa naman ang isang iyon tapos paano na lang kung umiiyak na pala siya doon. Huwag naman sana dahil ang ayoko sa lahat ay umiiyak ang baby ko. Nakakainis lang nito hindi ako nakapunta sa isa ko pa dapat na trabaho.

*****

Sa kabilang dako naman kanina pa naiinip ang batang si Spencer. Sapagkat limang minuto ng huli ang kaniyang mommy sa pagsundo sa kaniya. Naiinis din siya dahil palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaklase niya na walang daddy.

"Nandito ka pa pala si Spencer, teka nasaan nga ba ang daddy mo?" Pang - aasar sa kaniya ng kaklase niyang si Pyke.

"Oo nga pala WALA ka nga palang daddy." Dagdag na pang - aasar sa kaniya ng kaklase niyang si Ronald.

Kaya walang nagawa ang batang si Spencer kundi ang umiyak ng tahimik. Gusto man niyang awayin ang kaklase niya pero naisip niya na totoo naman ang sinasabi ng mga ito. Wala naman kasi siyang daddy at hindi niya kilala kung sino nga ba ang daddy niya.

"Spencer baby, bakit ka umiiyak? May umaway ba sa iyo? Sabihin mo kay mommy sinong nagpaiyak sa iyo." May pag - aalalang tanong ni Sapphire sa anak niyang si Spencer.

"S - Sabi p - po k - kasi n - nila w - wala d - daw p - po a - akong d - daddy." Utal - utal na sagot ni Spencer sa kaniyang mommy. Bakas man ang awa para sa kaniyang anak nanatili na lang siyang tahimik sapagkat ayaw niyang masaktan ang anak niya. Paano niya sasabihin na matagal ng patay ang daddy niya dahil sa isang aksidente.

Walang nagawa si Sapphire kundi ang aluin ang anak niya sa pag - iyak. Marahil sa pagod sa kakaiyak kaya mabilis itong nakatulog kaya binuhat na lamang niya ito. Hindi niya maiwasan ang hindi magalit sapagkat palagi na lang niyang nakikitang umiiyak ang anak niya. Dahil para sa katulad niyang ina masakit ang makita mong umiiyak ang anak mo. Masakit man isipin pero kailangan na niyang tanggapin na matagal ng patay ang daddy ng anak niya.

_________________________________________________________________________________________________________

A/N: Kamusta naman ang chapter na ito. Any violent reaction guys? Feel free to comment guys.

READ. VOTE. COMMENT.

My Extra-Ordinary Girl (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon