Bored nanaman siya.
Nandito kami ngayon ni Drake sa canteen. Pinagmamasdan ko lang siya habang nilalaro ung fries niya. Ramdam ko ang panlalamig niya sakin.
Mag iisang taon na kami next month.
Naguguluhan ako. Hindi naman siya ganyan dati. Naging ganyan siya simula nung 11 monthsary namin.
Hindi ko alam lung may nagawa ba kong mali. Nag eeffort naman ako sakanya. May oras din ako palagi sakanya. Nagsasawa na ba siya?
Nag ring na ang bell. Tumayo siya bigla at tinalikuran ako. Tumayo na din ako at sinundan siya. Mukhang iniiwasan niya ako dahil mabilis ang lakad niya.
Dati sabay kaming naglalakad. Magkahawak ang kamay at saka lang kami bibitiw kapag nasa classroom na kami dahil magkalayo ang upuan namin. Binabagalan pa nga namin ang lakad namin dahil ayaw pa naming magkahiwalay ng kamay.
Nakarating na kami sa room namin at umupo na sa sarili naming upuan. Tiningnan ko siya pero hindi man lang siya tumitingin pabalik. Napabuntong hinigna ako. Dumating na ang teacher namin at nagsimula nang magklase.
Wala sa klase ang atensyon ko. Ang buong atensyon ko na kay Drake. Dati kapag titingin ako sakanya nakatingin siya sakin tapos kapag nagtagpo ang mata namin tatawa nalang kami bigla. Ngayon, wala na.
Nagbago na nga talaga ang lahat samin. Wala nang init. Nabalot na ng panlalamig niya. Nang mag uuwian na hinila ko siya hanggang sa nakarating kami sa likod ng room namin.
"Ano ba?!" Naiirita niyang tanong sakin. Hinawi niya ang kamay ko.
"Sabihin mo nga sakin kung anong problema." Sabi ko.
"Walang problema" malamig niyang tugon sakin. Nanggigilid ang mga luha ko. Matapang ako pero pagdating sakanya madali lang akong umiyak.
Nagulat siya sa ekspresyon ko. Lumungkot ang mata niya. "Sorry." Malungkot na sabi niya. Niyakap niya ako. Ramdam ko sa yakap na yun na hindi na yun ganun sa dati. Niyakap ko siya.
Bumitiw siya sa yakap nang biglang may tumawag sakanya. Hawak parin niya ang kamay ko.
"Oo. Sige. Papunta na ko" sabi niya sa kabilang linya.
Binabawi na niya ang kamay niya pero ayaw kong bumitaw. Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay niya. Kahit anong higpit ang ginawa ko, nabawi parin niya ito. Unti unting naghihiwalay ang kamay namin. Hanggang sa tuluyan na niyang binitawan ito.
"Sorry I have to go." Sambit niya. Tiningnan ko lang siya habang naglalakad siya palayo sakin.
Kinabukasan maaga akong nagising. Tiningnan ko agad ang cellphone ko kung may text siya pero wala. Nag text ako sakanya ng good morning.
Pumasok na ako at nakita kong absent siya. Buong araw siyang absent. Tinawagan ko siya ng ilang beses pero ayaw niyang sumagot.
Uwian na at napagpasyahan kong puntahan nalang siya sa bahay nila. Baka nagkasakit lang siya o may nangyaring masama.
Naglakad nalang ako papuntang bahay nila dahil malapit lang naman. Napatigil ako sa paglalakad nang may naaninag akong lalaki at babae na magkayakap sa harapan ng bahay nila.
Nanggilid ang luha ko. Lumapit pa ako lalo para makita kung sino yon.
Gumuho ang mundo ko nang makita ko kung sino ung dalawang magkayakap na iyon. Si Drake at si Elaine. Kahit nakatalikod sila sakin alam kong sila yon.
Nanginginig ang mga kamay ko at nanlalambot ang tuhod ko. Nagtago ako sa puno. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang mga hikbi ko.
Naglakad sila papasok sa bahay nila Drake. At yun na ang pagkakataon kong umalis don. Naglakad akong umiiyak. Nanlalambot parin ang mga tuhod ko pero nakayanan ko namang umuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/137819303-288-k872111.jpg)