"Sedrick?" Tawag ng babaeng naka suot ng maong na jeans at t-shirt na pa V-neck ang design. Hingal na hingal siya at tsaka niya binaling ng maigi ang sarili niya sa lalakeng tinawag."Kailangan mo?" Matipid na sagot sa kanya ni Sedrick habang nagsusulat siya sa buhanginan.
Nilapitan naman niya si Sedrick na nakaupo sa gilid ng Dalampasigan habang nagsusulat parin gamit ang isang mahabang stick. malapit-lapit lang 'to sa tinitirhan nila.
"Ano ba 'yan?" Sinilip niya ang isinusulat ni Sedrick at napailing. Ang daming alam.
"I'm the sea and no one owns me." Sagot ni Sedrick sa kanya.
Napatingin naman si Aica sa ganda ng dagat sa tapat nila, kung saan niya nakita si Sedrick.
Napaisip siya. No one owns you? Yeah, right. Mr. Cold-pa-sa-Ice kasi ang peg mo.
"Alam mo, ang hilig mo sa mga ganyan-ganyan. Puro quotes lang naman, mas maganda kung may drawings 'yan." Bulyaw ni Aica kay Sedrick habang nakangiti, tinapik niya pa ang balikat ni Sedrick.
"I'm not asking any of your opinions." Pagsungit niyang sagot sa kanya, inalis niya pa ang kamay ni Aica sa balikat niya.
Napailing siya tsaka siya huminga ng malalim.
"Fine. Tara na Sedrick. Kailangan mo pang uminom ng gamot," Tumingin siya kay Sedrick pero di siya sumasagot. "At isa pa, wag ka na nga palang aalis ng bahay ng walang paalam ha? Di ko alam kung saan ka hahanapin eh." Tuloy pa niya.
"Sa susunod," napatayo si Sedrick at huminga ng malalim, "Wag mo nalang akong hahanapin." Tsaka siya tumalikod kay Aica at humakbang paalis.
"Sedrick! Saan ka nanaman pupunta?" Sinigawan siya ni Aica.
Hinabol naman niya kaagad si Sedrick at tumayo sa harap niya.
"I'm sorry. Stay out of my way, Aica." Pagkakasabi niya ng 'di man lang nakatingin sa taong nasa harapan niya.
"Sedrick naman eh, pag-aalahanin mo nana-" bago pa man matapos magsalita si Aica ay biglang bumagsak si Sedrick sa kinatatayuan nito.
"Sedrick!" Agad siyang lumapit, hinawakan at inalalayan niya si Sedrick.
Nakita ni Aica ang pangilid ng luha ni Sedrick na parang nagsasabing. Ayoko na, ayoko na.
"Aica.. tama na. Di ko na kayang maging pabigat. Araw-araw lumalala lang ang sitwasyon ko, h-hindi na talaga gumagana ang mga therapies sa'kin. Wag mo ng pilitin." Pagkakasabi ni Sedrick na hirap na hirap naring magsalita.
Habang hawak hawak si Sedrick. Nakita naman ni Aica ang mga pasa nito sa katawan, ang payat niyang pangangatawan at ang kanyang malalalim na mga mata. Wala na ang dating Sedrick na maskulado, walang kahit ano sa katawan, senyales na 'di na niya talaga kaya.
"Aica. Gusto ko ng matulog at magpahinga. Pagod na pagod na ako.." Tuloy pa ni Sedrick na hinahabol nalang ang paghinga niya.
"Hindi, hindi. Makinig ka sa'kin. Wag kang pipikit ha? Makakaya mo 'yan, Ikaw kaya ang Mr. Cold-pa-sa-Ice ko. So please? Hang-on." Naiyak narin si Aica sa bawat linya na lumalabas sa bibig niya. Hinaplos niya ng dahan-dahan ang mukha ni Sedrick.
Ramdam niya ang takot, lungkot at pighati sa puso niya. Ang ayaw niyang mangyari, kunin ang taong pinakamamahal niya.
"Put me to sleep Aica, just.." nagawa niya pang ngumiti ng bahagya, pero hirap na hirap ng makita 'yung ngiting abot mata.
Lalong nangatog si Aica pero sinunod din niya ang gusto ni Sedrick. Kumanta siya ng malumanay, alam niyang ito ang gusto ni Sedrick pag pinapatulog siya ni Aica.
Unti-unting pumikit ang mga mata ni Sedrick habang hinahaplos ang pisngi ni Aica.
"No! Don't you dare close those eyes, Sed!"
He smiled, weakly.
"Aica.." Unti-unting bumagsak ang kamay ni Sedrick sa pagkakahawak sa pisngi ni Aica..
And he did closed his eyes.
BINABASA MO ANG
Before I Fall (ON-HOLD)
RomanceAica Jean Sartori, isang scholar-slash-part-timer nurse na studyante ng prestigious school nilang Grievance University ang magiging private nurse ng kaklase niyang binatang may sakit na 'Luekemia' na si Ian Sedrick Castillo. Sa pagiging pinaka masi...