4

90 25 14
                                    

(So guysss, anime version 'yan nila Aica at Sedrick. Nasa cover din sila, hehe ^___^v salamat sa pagbabasa at more power! Di na ako maglalagay ng Author's Note, halata niyo naman siguro na Author's note 'to 'diba? -.-)

Sedrick

Natapos na si Sir. Andrews sa pagtuturo, maya-maya lang ay papasok naman si Ms. Cassy, not her last name but her first name. Ayaw daw niya na sa last name siya tinatawag, nagmumukha siyang matanda. She's our teacher at Biology, on her 22 years of existence.

"Class, what do we have today?" Bungad niya sa'min sa pagpunta niya sa harapan, sa mismong gitna samay table sa unahan.

Nilagay niya sa desk ang apat na folders at dalawang books. Marami siyang dala.

"There's a new transferee from other section, Ms. Cassy." Sabi ni Alianna, classmate but not that 'close' sa'kin.

Wala ka namang ka-close Sedrick eh.

'Oo nga..'

Ngumiti si Ms. Cassy.. 'di na naman din ako nakatungo, medyo maayos na ang pagkakaupo ko ngayon sa upuan ko.

'I've been waiting for you..'

"Talaga? That's nice.. hmm, who would that be?" Baling ni Ms. Cassy sa'min.

Napahinto siya nang makita niya ako, tinitigan niya ako.. nagtagal 'yon ng 5 seconds bago siya bumaling ulit sa iba pang studyante.

"Would you please introduce yourself?" Sabi pa ni Ms. Cassy, nakatingin na siya sa katabi ko.. kay Aica.

Napansin niya na ata.

Tumayo si Aica na nakangiti pa, what the hell.

"Umiiral nanaman siya." Bulong ni Hemmerson pero rinig na rinig ko.

"Tumahimik ka." Saway ni Aica kay Hemmerson at tsaka dumiretso sa unahan.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Hemmerson na nakapalong-baba pa habang nakatingin sa gawi ng mga nasa harap.

He's looking at one person, seriously.

Humarap ako sa harapan at nakita ko nga kung saan siya nakatingin.

'Aica'

Humarap siya kay Ms. Cassy at nagsalita,  "Hi, I'm Aica Jean V. Sartori, 19 years old po Ms. Cassy.. and I'm looking forward to learn your teachings and to pass your exams," nakangiti siyang humarap sa'min. "You guys can call me Ai, Ca, or Jean.. but wag Sartori ha? 'Di naman ako nagpapapormal maliban kung kay Ma'am.. hehe.."

Ningitian naman siya ni Ms. Cassy.

Good thing she didn't do the 'same' thing as she did with Sir. Andrews.

"Ohh, ang cute cute mo Jean.." aniya ni Ms. Cassy na parang nang-gigigil pa.

Pfft.

"Salamat po..hehe." Ngumiti rin si Aica sa kanya.

Tumango naman si Ms. Cassy at pinaupo na si Aica.

Before I Fall (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon