5

98 25 56
                                    

Sedrick

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko..

Fuck! Headache..

Parang nagkaron ako ng isang matinding hangover nang hindi manlang umiinom.

Ano bang nangyari at nagkaganto ako?

Sinubukan kong alalahin ang nangyari kahapon, nang biglang sumakit ang ulo ko.

'Wala akong maalala.'

Though, naaalala ko pa ang ibang kaganapan kahapon, 'di ko lang maintindihan kung bakit 'di ko maalala ang nangyari kung pa'no ako napunta dito.

Nilingon-lingon ko ang mga mata ko sa loob ng silid.

Kwarto ko.

Anong nangyari? Bakit wala akong maalala?

Ang naaalala ko nalang ay 'yong oras na sinundo ni Sir. Andrews si Ms. Cassy.

'Anong nangyari?'

Dahan-dahan akong bumangon at sakto, bakit 'di na ako naka-uniform, tinanggal ko ba 'yon? Nakapambahay na damit na ako, short at sando. Epic, mukhang boxer pero mas maiksi ang boxer keysa sa suot ko sa pang-ibaba ngayon, na parang sakto lang na matawag na shorts.

Nang makabangon na ako ay lumabas na rin ako ng kwarto.

'What's that smell?'

Pakiramdam ko ay may nagluluto sa kusina ko which is 'impossible' kasi ako lang naman mag-isang nakatira dito.
Wala rin akong servant o katulong, ako lang. Though, dumadaan dito si Manang Theris pero tuwing Linggo lang, Tuesday lang ngayon..

Shit, May pasok ako.

Dumiretso ako sa baba at pumunta sa dresser room ko, punong puno 'yon ng mga mamahaling damit ko, lahat ng famous brands ay nandito.

'Where's my uniform? Sa'n ko ba nalagay 'yon.'

'I can still smell it.'

May tao ba sa kusina?

I have to check.

Lumabas muna ako mula sa dresser room para i-check kung talaga bang may tao sa kusina.

Dahan-dahan akong humakbang papuntang kusina, rinig na rinig ko ang pagkalansing ng mga gamit kong pangluto.

Nagtago ako sa gilid ng pader, kinuha ko rin ang baseball bat ko..

At tsaka dali-daling sinugod ang taong 'yon.

"Ayy! Putcha!"

Sigaw niya. Napahinto naman ako kasi akma ko ng ihahampas sa kanya ang baseball bat ko.

Aica?

"What the fck?" Singhal ko, anong ginagawa niya dito?!

"Tinakot mo ako ha! Ibaba mo nga 'yan.." sabi niya habang nagpapatuloy sa pagluluto.

Before I Fall (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon