SUMMARYSi Isabella Grace Ramirez ay isang normal na babae sa Maynila. Pinalaki siya ng kanyang Tita Tess dahil siya ay isang ulila. Lumaki siyang matalino, masipag at nakakatulong sa kanyang pamilya. Ang kanyang hangarin ay tapusin ang kanyang pag-aaral upang makapagtrabaho siya sa isang kumpanya at pumunta sa New York.
Kung alam lamang niya kung ano ang itinakda ng kanyang kapalaran sa New York, ito ay dahil sa isang lalaki na minsan niyang nakilala, si Jasper Vincent Anderson, ngunit umalis agad si Vince dahil sa kanyang trabaho sa New York bilang isang CEO at hindi nakapagpaalam kay Grace kahit na nakilala niya ng sandali. Hindi makalimutan ni Vince si Grace at umaasa na magkita sila ulit.
And until their present days, they don't know what is to come. Pinaghihintay sila ng panahon para sa tamang oras ng kanilang kapalaran...
PROLOGUE
[Grace's POV]
Nagising ako sa magandang silaw ng araw. Napaangat ako sa kama ko agad at nagpasalamat ako kay Lord sa bagong araw na ibinigay nya. Ang swerte ko kay Tita Tess, sa mga pinsan ko. Thankful ako sa blessings, tinuring ko na ring nanay si Tita Tess, ay parang mga sarili kong mga kapatid si Bea at Tracy. Gagawin ko lahat para protectahan at para mabuhay sila.
Kaunting tiis na lang sa pagtatrabaho bilang waitress, tatapusin ko ang pag-aaral ko. Malapit ko na rin makuha ang degree ko,
makakapag trabaho nako sa business company, at dun mag-sisimula ang pag-ipon ko para makapag abroad papunta ng New York. Yon ang pangarap ko, at ipinagdadasal ko na matupad ito. Para maka tulong ako sa mga pinsan ko sa mga tuition fee nila. Pwede kong pagandahin ang facilities ng tindahan ni Tita Tess. Makakaahon na kami sa hirap.
Pinabayaan man ako ng tunay kong mga magulang, hindi yon pipigil saakin. Masakit man, kaso lang, dapat ba talaga akong masaktan na pinabayaan ako. Hindi ko naman sila na kilala, so wala akong karapatan para umasa na babalikan nila ako, dahil sila rin naman ang nangiwan sakin.Nakapag handa na si Tita Tess ng almosal, at pagkatapos namin mag tawanan. Kumain kami ng sabay ni Tita at ang dalawa kong pinsan na si Bea at Tracy. Mas bata sila saakin. Isang taon ang pagitan nila, ang matanda ay si Tracy. Siya ay 15 years old at si Bea naman ay 14. Katulad ko, wala silang Tatay. Pero buti na lang meron silang Nanay na nagmamahal at nagaalaga sa kanila.
"Tita, ako na po jan."
Ngumiti ako at tinulungan ko si Tita sa bitbit nyang pandesal.
"Mmm... ang init pa! Tara na Tracy, Bea. Kain na tayo."
Sabi ko sa kanila, habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Umupo na kaming lahat sa harap ng lamesa at nagdasal kami ng sabay at kumain.
~
"Ma, alis na po kami ni Bea!" sabi ni Tracy.
"O, teka hintayin nyo narin ang Ate Grace ninyo palabas, para sabay na kayo." sabi ni Tita Tess sa kanyang mga anak."Sige po, Ma."
"Tita! Alis na po ako!" isinigaw ni Grace sa pagbaba nya sa hagdan.
"O sige na, Ate, eto," nagbigay si Tita Tess ng 1000 pesos sa palad ni Grace.
"Tita? Para saan po 'to?"
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
RomanceA destined love from afar... Si Isabella Grace Ramirez ay isang normal na babae sa Maynila. Pinalaki siya ng kanyang Tita Tess dahil siya ay isang ulila. Lumaki siyang matalino, masipag at nakakatulong sa kanyang pamilya. Ang kanyang hangarin ay tap...