Part 1 of Chapter 3[Grace's POV]
Pagising ko ng umaga, narinig ko ang malakas ng tunog ng aking cellphone. Umangat ako ng kaunti para lang masilip kung sino ang tumatawag saaking day-off. Pagsilip ko sa phone, unkown caller ang tumatawag. Dumilat ang aking mga mata at inisip ko baka ito na yung sa pinag initerviewhan na trabaho.
At sinagot ko yung tawag, "Hello po?"
"Hello, is this Miss Isabella Grace Ramirez?"
"Yes, ma'am."
"Good morning, ma'am. This is Ms Cruz, I interviewed you a few days ago and I am glad to report to you that you got the job, Miss Ramirez."
Sumigaw ako nang malakas sa telepono.
"Ay, sorry po!" Tumawa si Ate girl sa telepono.
"Thank you po, Ms...?"
"Ms Cruz po,"
"Thank you po Ms Cruz!"
"We will just inform you na lang, Miss Ramirez for your schedule, we will send you all the detail through your email and I can't wait to work with you, Ma'am."
"Okay, salamat po! Bye." Nag hang up ako.Narinig ko si Tita Tess patakbo sa akong kwarto, "Grace? Ano ba ang nangyayari?"
"Tita, nakuha ko po yung trabaho!" Tumalon ako ng sobrang saya. Pati na rin si Tita napasigaw sa sobrang tuwa.
"Matutulungan ko na po kayo Tita! Papagandahin natin ang tindahan ninyo, plinaplano ko pa nga po eh na pwede pa nga po tayo mag tayo mag karinderia." Sinabi ko kay Tita.
"Anak," tumahimik ang boses ni Tita. "Yung pera na yan ay para sa'yo. Gamitin mo para sa pag-aabroad mo. Malapit ka na mag tapos."
"Tita, sa lahat ng mga pinag hirapan ninyo para saakin, kailangan ko ibigay sa inyo ang utang ko sa pag papalaki sa akin ng may pag-mamahal at mas gugustohin ko na tulongan ko kayo. Ako na po ang bahala."
"Salamat talaga, Grace. Ikaw talaga ang gracia namin sa pamilya na ito. Mahal na mahal kita anak." Niyakap ako ni Tita ng mahigpit.
Naging mabuting Tita saakin si Tita Tess, sobra sobra na ang pag-mamalasakit ninya sa akin, hindi niya ako pinabayaan at lumaki akong nakapagtapos at galang. Tinuring niya akong anak at dahil sa lahat na iyon, tutulungan ko na ang aking mga pinsan sa tuition nila sa eskwela. Syaka ko na aasikasuhin ang aking pag-abroad. Sisiguraduhin ko na secured sila Tita at ang aking mga pinsan.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
RomanceA destined love from afar... Si Isabella Grace Ramirez ay isang normal na babae sa Maynila. Pinalaki siya ng kanyang Tita Tess dahil siya ay isang ulila. Lumaki siyang matalino, masipag at nakakatulong sa kanyang pamilya. Ang kanyang hangarin ay tap...