Chapter 1

14 2 0
                                    



[Vince's POV]

I finished a meeting with some of my colleagues who are arranging my meeting with the investors in the Philippines. Nag pack up sila ng pagtutok ng 2 PM. Umupo ako ng sandal sa aking chair at nakipag kamayan ang aking mga workers bago sila umalis ng conference room. Pumasok si Jerry sa room at alam ko na yung muka niya sa malayo palang, "Bakit ganyan ka maka ngiti Jerry? Are you... constipated?" Lumingon ako sa kanya.

"Ay, Sir, no." Tumawa si Jerry, ng may pagka worried sa boses niya.

"Bakit ka nga ganyan, kaninang umaga ka pa ha!" Sabi ko kay Jerry at tumayo ako sa upuan ko.

"Ay!" Nagulat si Jerry at umatras siya sakin, "Okay, kasi Sir Vince..."

Tumaas ang kilay ko, curious sa sasabihin ni Jerry, "DUMATING NA YUNG PAPERS PARA SA PINAS!" Sinigaw ni Jerry.

"ANO?! OH MY GOD! YES!" Tuwang tuwa ako. Kinuha ko yung laptop ko sa desk at tumakbo sa office ko.

Sa sobrang saya ni Vince sa pagdating ng kanyang papers para makabalik sa Pinas, umalis siya sa trabaho ng maaga para bisitahin ang kanyang Tita Janet. Si Tita Janet ay kapatid ng Tatay ni Vince, dahil nung pagkamatay ng nanay ni Vince.

Ang kanyang Tita ang nagpalaki sa kanya dahil tinalikuran siya ng kanyang ama. Pinagdaanan ni Vince ang sakit ng pagtalikod ng kanyang ama at pagkamatay ng kanyang ina, pero naniniwala siya na balang araw, matitignan rin siya ng Tatay niya at magiging proud sa kanya. Ang Tatay ni Vince ay lumaki sa hirap pero nag sumikap sa business, kaya lumaki ng mayaman si Vince at dahil rin sa kanyang Nanay na lumaki naman sa yaman, nagiwan ng malaking pera para sa kanya ang nanay niya bago siya namatay.

~


[Grace's POV]


Pumasok ako sa building para sa aking interview. Ito na sana ang pagkakataon para makapag-trabaho ng mas malaki ang kita para madali na lang ang trabaho ni Tita sa tindahan namin, at para mapaayos namin ang bahay namin, at para sa ipon ko.

Naglakad ako palapit sa may reception ng building, "Hi, excuse me, miss. May interview po ako ng 9 AM para sa pag assistant?"

"Let me just check po, Ma'am. Ano po ang name nila?" Tinanong ng babae sa reception.

"Isabella Grace Ramirez po." Ngumiti ako at nag-hintay sa harap ng desk.

"Okay, so your meeting po, Ma'am is in five minutes." Sabi niya sakin.

"O, sige po. Saan po?"

"My colleague will asisst you to your room for the interview, Ma'am. Good luck." Ngumiti sakin yung receptionist.

"Thank you po, Miss."

May lumapit sakin na lalaki para dalhin ako sa aking meeting. Pumasok kami sa elevator papunta sa taas ng building. Bumukas yung pinto ng elevator at lumbas ako kasama yung lalaki at sinundan ko siya sa pag hatid saakin sa room ng interview ko.

"This room, Ma'am." Tinuro ng lalaki sakin.

"Salamat po, Kuya." Ngumiti ako ulit.

"Just wait here na lang at tatawagin po kayo dito sa waiting room." Sabi niya sakin at umalis na siya.

Umupo ako sa upuan ng hintayan, at merong dalawang babae rin nag-hihintay at nakaupo.

"Miss Isabella Grace Ramirez, please come in." Sabi ng babae na lumabas sa kwarto ng interview ko. Tumayo ako sa pwesto ko at pumasok sa room, naramdaman ko ang pag-tingin sakin nung dalawang babae, pero hindi ko na pinansin.

Sa pagpasok ko sa room, umupo yung babae sa harap ng desk niya, "Please Miss Ramirez, sit down."

"Ah, salamat." Sabi ko at umupo ako sa kaharap niyang upuan.

~


Nag tanong yung interviewer kay Grace at sinagot niya ng maayos. Na gustohan ng interviewer ang mga responses ni Grace sa mga tanong at na impress siya sa background ng pag-aaral niya. Si Grace ay isang straight-A's student and first honor lagi sa high school at magaganda ang grades niya sa college at ang mga interests ni Grace sa business.

~

"Okay, so, this will be the end of my interview with you, Miss Ramirez and we will let you know when you will get the job. Please also understand that you won't get the position as an Assistant right away, but this will depend on my Boss' decision. But hopefully we will inform you if you did get a different position or the actual position you applied for." Sabi ng interviewer sakin.

"Of course, no problem, Ma'am. Thank you so much, po." Tumayo ako sa aking upuan at sabay sa aking interviewer, kinamay niya ako, "Thank you for your time, Miss Ramirez. Ingat!"

Lumakad ako patungo sa elevator. Huminga ako ng malalim at pagbukas ng elevator, pumasok ako, at sa pag-sara ng elevetor, "AHH!!!!"

Tuwang-tuwa ako dahil naniniwala ako sa aking mga sagot at sa aking sarili, "Lord, salamat, please sana makuha ko 'to Lord!"

Excited ako sa magandang balita para kay Tita, sigurado ako ipagdadasal niya ito at matutuwa pa siya lalo kung natangap ko talaga yung trabaho. Kahit hindi ko man makuha yung posisyon na gusto ko, basta matanggap ako sa kumpanya na ito.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon