Kath's POV
Hi! Ako si Kathryn. Maganda, mabait (noon mataray), matalino. Pero sa kabila ng magandang nakikita at magandang katangian ko, ang puso ko, hindi maganda. Hindi maayos. In short, WASAK. Wanna know my Love story? Sige. Magke-kwento ako.
FLASHBACK
(2nd year HS)
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng may nabunggo ako.
"Ugh. Sorry sorry." Sabi ko. Actually, siya yung hindi tumitingin sa daan. Dapat siya yung mag-sorry. Pero okay lang. Kaming dalawa yung may kasalanan. Kasi, kahit ako tumitingin sa daan, yung isip ko, di naka-focus sa daan. Gets ba? Basta yun na, kaming dalawa ang may kasalanan.
"Sorry Miss. Ang bait mo naman. Ako yung nakabunggo pero, ikaw yung nagso-sorry. Sabagay, Mala-Anghel ka. Ako nga pala si Albie. Albie casino. Bie nalang. You are?" Sabi niya. Ang daldal naman neto. Ang iksi lang nung sinabi ko, 28 words ang ni-reply niya. Ay ano 'to, text? Haha. Loko lang.
"De. Okay lang. And, di ako anghel. You don't know me. I'm Kathryn Yen Bernardo. Yen nalang." Sabi ko.
"Sabi ko nga. Pero Ang ganda mo kasi. Hahaha. Anong year ka?"
"I'm second year. Why?"
"Ah. Okay. Wala lang. Geh. I have to go. See you soon!" Sabi niya. At umalis na. Weird.
Pumunta nalang ako sa room ko. Social science subject namin ngayon. But still, wala pa rin si Sir Lim.
Maya-maya, dumating na si Sir.
"Okay, now, we'll talk about, Mughal Empire. You see, Akbar had built the new capital of Mughal Empire at Fathepur Sikri. For christians, hindus, Zoroastrians and Jains, he also build?" He asked.
I raised my hand and said,
"Ibadhatkana or Hall of prayer, also at fathepur sikri."
"Very good Kath." He said.
Actually, di ako nagstu-study. I'm just a good listener that's why. Name-memorize ko lang sa mind ko.
1 minute more and bell will ring.
5....4....3.....2....1
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Takbuhan ang lahat. Pero ako, hindi. Para san pa't tatakbo ako. Di naman ako mauubusan ng pagkain sa canteen. Tss. Ang ta-tanda na mga isip bata pa rin? Psh. Mala-anghel ako sa labas. Pero sa loob? *Smirk* No one knows the real me kasi I don't have friends. Why? Ayoko kasi trust ka lang ng trust. Pero yung pinagkakatiwalaan mo, Nagtitiwala rin ba sayo? Atsaka para san pa? Mabubuhay ka rin naman e. Mamamatay ka rin naman e. Nandyan man o wala. Kaya it's so good to be Alon-----.
"Hi Kath!!!" Sigaw ni Albie kaya nagulat ako.
"Wth." Yan nalang sinabi ko. Di naman kasi ako katulad ng iba na over mag-react. Yung tipong, "Ay kabayo!!" OA e. Psh.
"What do you need?" Sabi ko sakanya.
"Sungit. Haha! Tatanong ko lang sana kung may kasama ka, ngayon?" Albie.
"May nakikita ka ba?"
"Wala."
"Oh, yun naman pala e. Edi wal---" nagulat ako ng may nagsigaw ng,
"FOOD FIGHT!" Tas nagtapunan na silang lahat ng pagkain. They're wasting food! Alam ba nilang maraming di nakakakain sa mundo?! Mga walang kwenta.