Walang kamatayang first day of school.. 😛😂
'Yang babae na nakikita niyo diyan ako 'yan. Maganda ba? Nemen syempre. Hihihi!----------------------------------------------------------------------------
🌻CHINNY🌻
Nandito ako ngayon sa loob ng room namin. Maaga ako'ng pumasok upang hindi malate sa unang araw, huling taon ko na sa high school at talaga namang excited na ako maka-graduate. Muli ako napatingin sa mga bakante pa na upuan, sana may kakilala ako dito sa bago kong section at maging kaibigan ko na rin.
Ako pa lang ang nauna dito, pumili ako ng type kong upuan banda sa may dulo ang nagustuhan ko. Kakaupo ko pa lang ng biglang may pumasok na babae at ganun na lang ang saya ko nang mapag-sino ito.
"Pingky!" Napatayo ako bigla sa kinau-upuan ko. Napangiti naman s'ya at nag-madali na makalapit sa akin.
"Chinny, ikaw pala sa wakas naging mag-kaklase tayo sa huling taon natin." ngiting-ngiti na salubong niya sa akin.
"Oo nga eh, three years 'din tayo na nagbaba-kasakali na mag-kasama tayo at sa wakas." sambit ko at lumapit sa kanya sabay yakap kami sa isa't-isa. Matagal na kaming mag-kaibigan ni Pingky since first year nag-kakasama lang kami every lunch time.
"Ano'ng drama naman 'yan?" Napabitaw kami sa pagkakayakap dahil sa biglang may nag-salita.
Isang babae na kulot ang buhok para siyang manika dahil ang ganda niya. Naglakad siya papunta sa harapan na upuan at doon siya umupo. Masungit ang aura na nakikita ko sa kanya.
Nagsunod-sunod na ang pagdating nang mga kaklase namin. Karamihan kilala ko lang sa mukha. Hanggang sa may dalawang lalake na pumasok at lahat sila napatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
In-love ako sa Gago na To! (Under-Editing)#FWContest2018
Short StoryIsang halik na hindi ko inaasahan na mangyayari. na nagpakabog nang husto sa puso ko. kahit na ganun siya hindi ma itatangi nang puso ko na na-inlove ako at minamahal ko na ang gago na yon. kahit minsan nakakainis na talaga siya. Hanggang saan ko ka...