Chapter 6 - 😞Bwesit na Araw To! 😭

35 10 23
                                    



Excited na ako pumasok dahil hindi natuloy ang bonding namin 'nung sunday. Dahil may biglaan na lakad daw ang magulang ni Summy kaya medyo nalungkot ako. Nakaupo na ako ngayon habang nakapangalumbaba sa upuan ko.

 Nakaupo na ako ngayon habang nakapangalumbaba sa upuan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Haaay... Bakit wala pa ni isa kila Pingky at Sabel, saka si Summy wala pa rin. Lalo na si Yuan wala pa. Iilan palang kaming nandito sa loob ng room ngayon, ang aga ko kasing pumasok. Nagpasya akong lumabas muna at maglakad-lakad. Pero nasa pintuan na ako nang makita ko si Yuan na naglalakad malapit na siya, at balak kong bumalik sa loob pero...

 Pero nasa pintuan na ako nang makita ko si Yuan na naglalakad malapit na siya, at balak kong bumalik sa loob pero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"H-ha... H-hi!" Bati ko sa kanya. Ang bilis niyan maglakad, kaasar! Alangan ang ngiti ko dahil hindi ako handa na makita siya nang biglaan.

Tiningnan niya lang ako na nagtataka. Para akong timang nito masyadong apektado(︶︿︶) hindi parin kasi ako maka-move on sa kiss kiss na 'yon.

Sinundan ko lang siya nang tingin papunta siya sa upuan niya. "Bad Mood?" Sa isip-isip ko. Hinayaan ko nalang maaga pa kasi baka wala pa sa mood, sige pag-bigyan.

Muli akong umupo nalang hanggang sa nagdatingan na sila Pingky at Sabel, pati narin si Summy. Kasabay din na dumating na ang teacher namin sa filipino.

"Ok class magandang umaga sa inyo, hindi ako mag-tuturo ngayon. Pero may grouping akong ipapagawa sa inyo, kayo na ang bahala na pumili sa mga ka-grupo niyo. Bawat isang grupo 'ay maglalaman nang limang studyante" tahimik na nakikinig kami sa mga sinasabi ni Ma'am Geneva.

"Ok po mam" sabay-sabay naming sagot.

"Bubuo kayo nang isang maikling drama tungkol sa mga kagaya niyo na nag-rerebelde lalo na sa magulang. Ang may magandang storya ang aking bibigyan nang magandang grades" nag-sigawan naman ang mga kaklase namin.

Matapos ang iba pang paliwanag ni mam 'ay umalis na ito dahil may meeting 'daw siya pati na ang ibang mga teacher. Kanya-kanya ng labasan ang mga kaklase namin.

In-love ako sa Gago na To! (Under-Editing)#FWContest2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon