Chapter 4 - Kilig over load

59 21 155
                                    








CHINNY POV⚡


Hindi ako pumasok nang maaga dahil hindi ko alam kung paano kikilos lalo na kung nandiyan si Yuan. (T^T)

"Oh Chinny anak bakit tinanghali kana sa pagpasok mo? Baka malate ka niyan" tanong ni mama pero ang layo nang nililipad nang utak ko. "Anak, ayos ka lang ba? May dinaramdam ka ba?" Dun ako bigla napatingin 'kay mama.

"H-huh ma? Ako... Siguro nga po may sakit ako" mahinang usal ko.

"Ano anak? Hindi kita maintindihan" nagugulohang tanong ni mama sakin.

"W-wala po 'yon ma. Pasensiya na po papasok po ako" lumakad na ako palabas nang pinto. Naiwang nagugulumihan si mama sakin.

Bakit ba ganito? Hanggang paggising ko si Yuan parin ang nasa isip ko. Wahhhh! Bwesit ka talaga! Ayoko man aminin pero ramdam ko na....
Gusto ko siya... Gusto ko siya.... Pero nakakainis siya.

Sakto pa ang dating ko dahil wala pa kaming teacher.

"Pasalamat ka at wala pa ang  teacher natin" nakaangat ang kilay nitong kaklase namin na una palang eh ang sungit na samin. Si Andrea na pakiramdam ko ang init lagi nang dugo sakin.


Hindi ko nalang siya pinansin sa halip umupo ako at binuklat ko ang notebook ko. Ayokong tumingin sa paligid ko dahil baka....

"Good morning class!" Bati agad nang teacher namin pagpasok palang.

"Good morning din po" bati naming lahat sa kanya. Habang nag-uumpisa nang mag-lecture ang teacher namin. Ewan ko ba pero gustong-gusto ko nang tumingin kung saan nakapwesto si Yuan.

Hindi ko na napigilan na hindi tanawin si Yuan at ang nakakaasar nakalingon siya akin. Wahhh! Ang akward naman. Pero tumalikod na siya agad at nakita ko na may sinusulat siya sa note book niya.

 Pero tumalikod na siya agad at nakita ko na may sinusulat siya sa note book niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You know what's beautiful?"

Natigilan ako nang pasimpleng tinaas ni Yuan ang note book niya at ito nga ang nabasa ko. Bigla akong sinalakay nang kaba at habang nagsusulat ako sa note book ko nanginginig pa ang  kamay ko.

In-love ako sa Gago na To! (Under-Editing)#FWContest2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon