Chapter 1

78 3 1
                                    

Alam mo ba na ang buhay naten ay kahit kailan hindi magiging patas? para sa 'tin, kahit kailan ay di tayo magiging handa sa mga pag subok at problema, sa bawat araw na tumatakbo ang oras at sisikat ang araw 'di mo alam kung anong panibagong pag subok ang kakaharapin mo, at panobagong buhay na tatahakin mo, kung kaya't nasasabi kong kahit kailan hindi tayo magiging handa sa mga pag subok na sasalubong sa 'tin. Ngunit, kinakailangan natin itong harapin, dahil ang mga pag subok na ito ang nag papa-tatag sa 'atin sa bawat araw na mayroon tayong bagong haharapin. Pag subok man yan sa buhay o Problema sa labas ng bahay. Sabi nga nila wag mong antayin maging handa ka. Kase, kung tandhana na mismo ang kalaban, palagi kang hindi magiging handa. Kaya naman tapangan mo at dalhin mo lagi ang lakas ng loob na nandyan sa puso mo. Pati na rin ang inspirasyong ibinibigay ng pamilya mo o ng bawat taong naniniwala sa kakayahan mo, para kung sakaling di ka handa ay matatag mo namang haharapin ang mga pag subok ng buhay.

Nathan's POV

"Anong oras na di pa rin sya gising mali-late na kami," Naka tayo ako dito sa loob ng kwarto niya, habang kakamot kamot ako sa ulong naka tingin sakanya. Lintek na anong oras na't ang sarap sarap pa ng hilik nya!

"Gumising ka na dyan kung ayaw mong ma detention mamaya at makaladkad pababa."

"Five more minutes, please..."

"Ah ayaw mo talagang tumayo diyan ah." hinila ko sya pababa ng kama niya. 'Di ko inaasahan na ma uuntog ang mukha nya sa sahig. Bahala na nga aalis nako, bago pa 'ko mayari dito. kasalanan nya rin naman eh.

"Hayst dapat bang ganyan ang pag trato mo sa nakaka batang kapatid mo?  humanda ka sa 'ken mamaya!"

Nathaly's POV

"Kung pwede lang umabsent ginawa ko na."Pumasok ako sa banyo at naligo mali-late nako! Bat naman kase di nag alarm tong cellphone ko eh! Kaya wala pa atang sampung segundo ang ligo ko. Pag katapos ay nag punta ako sa Walk in closet ko at nag bihis.

"Hay nako! humanda lang talaga ang lalaking yun. Makakatikim talaga siya sa 'kin!" bumuntong hininga ako bago bumaba saka nag tungo sa kusina at kumuha ng sandwich na gawa ni Grandma, yun ang tawag namen sakanya dahil parang pamilya na rin namen ito, pag tapos ay agad akong dumeretso sa kotse ni kuya. Kung sa'n siya nag hihintay.

Pag karating pa lang namen sa school ay agad na-naman ito pinag kaguluhan, as usual gwapo eh natural na pagka guluhan sila, irritable naman netong tinignan mga babae, ngunit nagawa nya pa rin mag pilit ng ngiti sa mga ito, umalis nako dun baka kung ano pa magawa ko sakanila sa inis. Pero, 'di pa man din ako nakakalayo may tumawag sa napaka ganda kong apilyedo!

"Ms. Lim?! Your late again!" umawang ang labi ko sa gulat. Sobrang lakas niyon, at impossibleng walang ibang nakarinig. Nako patay ang prince epal este principal. Iba talaga ang kilabot na nararamdaman ko sa t'wing maririnig ko na ang boses neto. Wala itong pinipili, wala lang sakanya kung ikaw ang nag ma may-ari ng lupang tinatapakan niya. Basta para sakaniya, dapat ay patas ang lahat.

"Yes Mrs. Cruz?" may pilit na ngiti kong iginawad dito, nang makaharap ako sakanya at nag bow, upang pag galang.

"I hope 'di ka na tatakas muli sa detension?" Aba syempre hindi! Di sana ako ma de-detension kung 'di ka dumating! hehehe. Joke lang naman, wala naman akong balak tumakas.

"No! Of course not. Mrs. Cruz ba't naman ako tatakas?" ngumiti ako ng mapakla sakanya at saka kinuha ang inaabot nyang slip.

"here's your detention slip. Go to detention room after your class" so pano wala nang takas to! tumalikod ako at dahan dahang nag lakad pa punta sa room ko. Eh, sa may inaantay pakong susunod na tatawagin niya. Napa ngiti ako sa isiping 'yon.

The Queen Bee's Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon