1st Section

70 4 5
                                    

ONE.

First Day of School

 

[ Nice’s AON ]

 

            “O. My. Goooooooooood!!~~ Bree! Gising! Nagtext ang mga chismosa! Sa ASA din daw mag-aaral si O’Neal! Oh my! I can’t wait to see my him. My future boyfriend!” sigaw ni Britt.

            “Britt! Ano ba?!! Pwede tumahimik ka?! Ang ingay mo!” sigaw pabalik ni Bree.

 

            Haayy! Si Bree lang ang ginigising ni Britt pero pati ako nagising! Di lang pala gising, GISING NA GISING! Sa lakas ba naman ng tili ni Britt, dinaig pa ang wangwang. Psh. -.-

            “Hoy Courtney! Bangon na! Magluto ka nan g breakfast! Gutom na ‘ko! Tsaka ayaw ko malate! Dadating si O’Neal!

 

            -o- Si Britt po ulit mga kaibigan. Di na talaga nagsawa kauutos ‘to. Ginagawa akong muchacha. Kung wala lang akong utang na lood sa tatay niya baka pinatulan ko na ‘to.

            “Sandali! Nahiya yung kalan sa sigaw mo eh! Nagtago! Hinahanap ko pa!” sarkastikong sagot ko. Di na rin siya sumagot. Sanay na din ‘yan. Nasasagot ko kasi lagi ng pabalibag. Haha Oh, diba? Anlalim. Pabalibag. XD

            Ayun na nga! Bumaba na ko at pumuntang kusina. Para ano? Para magluto. Utos ni Britt diba? Charot! Sungit ko lang. Pero,oy! Mabait ako no! Topakin lang minsan. Err.. madalas pala. Hehe

<> 

            Nagbe-breakfast na kami. KAMI. Syempre kasama ako. Kahit parang katulong…ay mali! Kahit katulong na’ko dito, sabay-sabay kami kumakain. Wala eh. Ganyan kami.

            “Um, Courtney, after ng class mo umuwi ka agad. Linisin mo kwarto ko. Maliwanag?"

             “Opo, Monica.” Yun naman si Mrs. Monica Perez. Siya yung asawa ni Tito Daniel, yung mabait na umampon sa’kin. Pero wala kasi si Tito dito. Nasa States. Siya kasi ang nagpapatakbo ng negosyo nila doon. Madalang lang siya umuwi. Mga once in every two years lang. Kaya nga kung ituring ako ng mga mag-iinang itey e parang katulong. Si Tito Daniel lang kasi ang kakampi ko at itinuturing akong anak. Well, pwede ding isama si Bree, yung kakambal ni Britt. Malayo po. Malayo po talaga. Yung. .ugali nila. :D Si Bree may tinatagong kabutiihan. Si Britt may ipinalalabas na masamang hangin. Haha Joke! Maitim budhi ni Britt! Pero di ko pa nakikita kung maitim talaga. Haha Biro lang. In short, masama ugali. >.<

 

            Kung nagtataka kayo kung bakit “Monica” lang ang tawag ko sa nanay nila, well, may “Opo” naman sa unahan diba? So may paggalang pa rin yun. Haha LOL. Ayaw niyang tawagin ko siyang “Tita” eh, hindi daw niya ko kamag-anak. Sus, eh ayaw ko naman din siyang maging kadugo no! Kaya nga masaya pa ko nung nalaman kong ampon ako eh. Haha ^o^

            Ay! Pustahan tayo! Di niyo pa ko kilala. Hahaha Pasensya na. Nakalimutan ko. Daldal ko kasi. Pis!

            Ako nga pala si Courtney Eunice Perez. Opo, Perez. Di ko na po kasi matandaan yung tunay kong apelyido eh. Ang alam ko lang, pangalan ko, nickname, edad at birthday. 16 na po ako. Tuwing December 31 po nadadagdagan yan. Hihi~ 4th year high na po ako ngayong pasukan.

            As I’ve said kanina, ampon po ako. Napulot daw ako ni Tito Daniel dati eh. Nung mga 5 years old ako. Yan ang alam ko. :!

            Sabi ko nga din kanina, Si Tito Daniel ang nakaampon sa’kin. [ A: Unli si Nice, eh? ] Yes, Author. E joke! Yes PO, MISS Author. Unli ako! Ayun na nga, unli ako. Ah, este…ampon ako. Mabait po si Tito Daniel. Nasabi ko na din kanina. May baliw po siyang asawa. Oh, di ko pa nasabi yan. XP Sa kanya po ata nagmana si Britt. Baliw din yun eh. Ewan ko nga kung pa’no nagging asawa ni Tito Daniel yun. Pinikot siguro. Haha Biro lang. Ansama ko na. :D Si Bree lang ata ang nakamana ng katinu-an ni Tito. Ayssh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Nice, He's Awesome. ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon