13 years old ako ng makilala ko siya, kakalipat lang ng pamilya ko sa isang subdivision. Ang totoo niyan ayaw ko sakanya nung unang pagkikita namin.
Flashback
3 years ago
Hapon ng ayain akong magchinese garter ng mga bago kong kaibigan sa subdivision. Nung una ayaw ko pa kasi medyo shytype ang ateng niyo hahaha pero konting pilit napalabas na nila ako ng bahay.
Unang labas ko ito simula ng lumipat kami ng pamilya ko nung isang araw kaya medyo naninibago pa ako.
Pagkalabas ko ng bahay dumapo agad ang mga mata ko sa dalawang lalaking nakaupo sa bench, isang lalaking nakasalamin na puti at isang lalaking moreno na may dimple. Dun sa may dimple ako napatitig.
Ang pogi naman ni kuya ^_^ ano kayang pangalan niya! naisip ko habang nakatitig pa din sakanya "nakatingin din siya sakin, crush niya kaya ako?!"
"Scarlette!!! Start na tayo!" sigaw ni Irene na isa sa kalaro ko.
"Oo eto na ako, sorry!" sabi ko habang tumatakbo papalapit sakanila. Medyo naiilang ako kasi medyo malapit kami sa bench na inuupuan ni kuya na may dimple.
Katatapos ko lang tumira ng may narinig kaming sumigaw ng pangalan ko.
"Bakit?!"
"Scarlette sabi ni Laurence ang lapad daw ng noo mo at ang baho mo daw!"
Parang tumigil ang mundo ko. Wala pang nagsabi sakin na mabaho ako T_T
Tiningnan ko siya ng masama "anong sabi mo!!!" habang nakaturo sakanya.
"Teka wala akong sinasabing ganyan, si Jericko ang nagsabi nun" sabi niya habang nakataas ang mga kamay na parang pinipigilan akong lumapit sakanya.
Sa sobrang kahihiyan tumakbo ako sa bahay habang umiiyak.
End of Flashback
Naranasan niyo na bang dumapa sa terrace ng second floor ng bahay niyo? Ako oo, wag niyo akong ijudge! May dahilan ang pagdapa ko!
Gusto ko lang namang makita ang mukha ng taong gustong gusto kong makasama habang buhay (T3T)
Si Laurence Gonzales hehehe oo siya nga. Hindi matutumbasan ng inis ko ang paghanga ko sakanya nung araw na yun.
Nasa baba kasi siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya kakagaling lang ata magbasketball.
"Hiihihi ayun siya ang gwapo gwapo kahit pawis, teka pupunasan ko pawis mo" sabi ko habang tinataas ang kamay at animo'y pinupunasan ang mukha niyang makinis. "Hihihi"
"Scarlettaaaa!" napatayo ako agad ng marinig ko ang sigaw ng ate ko na nakatayo na pala sa paanan ko "Anong ginagawa mong nakadapa ka diyan sa terasa! Sinong sinisilip silip mo dyan! Bumaba ka dun kanina kapa hinahanap ni mama, iniwan mo daw yung hinuhugasan mong pinggan!" sigaw niya pa habang winawasiwas ang mga kamay niya at pagkatapos nilagay niya sa noo niya na akala mo mahihimatay.
OA talaga neto -__-
"Oo na ate, ang ingay ingay mo nakakahiya sa mga kapitbahay"
"Sa mga kapitbahay kaba talaga nahihiya?" sabi niya sabay kindat at takbo ng mabilis pababa.
"Madapa ka sana!" sigaw ko at tumalikod para tingnan kung nasa baba pa din silang magkakaibigan.
Siya lang ang nakita ko. Si Laurence na nakatingin sakin at nakangiti "Hello Scar!" sigaw niya since nasa taas ako sabay pasok sa bahay nila.
Hindi ko alam kung paano ko papabagalin ang tibok ng puso ko ngayon "Mama!!!" tawag ko kay mama habang tumatakbo pababa.
"Bakit?!!!" sagot ni mama na nanonood ng tv sa sala.
"Wala lang. Hehehe (^3^)v"
Don't hate, appreciate guuuys!!!~ lablab :*
-Pengsuuu ^_^
YOU ARE READING
The First Love
RomanceMakalipas ang ilang taon naging okay kana, naging masaya kana ulit. Nakakangiti ng totoo at wala ng pait. Muli siyang magpapakita sayo at guguluhin muli ang nararamdaman mo, babalikan mo pa ba siya? Babalikan mo ba ang first love mo?