5:25 ng umaga ng magising ako.
"Shit" minadali ko ang pagkilos hindi dahil sa late na ako sa school, hinahabol ko kasi ang pagpasok ni Laurence. Hindi kami magkaschoolmate kaya eto lang ang paraan ko para makita ko siya ngayong araw, late na din kasi siya umuuwi sa gabi swerte na lang kung makita ko siya.
Pagkatapos kong magbihis sumilip ako sa bintana kung nandyan pa yung motor niyang nakaparada sa harap ng bahay nila at nakita kong nandun pa. Kinuha ko ang suklay at sumilip muli sa bintana "Gudness ayan na siya!" kinuha ang mg gamit ko at bumaba na.
Naabutan ko si mama na nagluluto sa kusina "Ma alis na po ako late na eh"
"Teka dalhin mo ito at masama ang hindi nagaalmusal" lumapit ako sakanya at kinuha ang inaabot niyang sandwich at isang bote ng tubig.
"Thanks ma, Love you!"
"Love you too! Ingat" rinig kong sigaw ni mama bago ko isara ang pintuan ng bahay.
Nasa gate na ako nang makita kong nagaayos na siya ng helmet niya. Pahikab na siya pero pinigilan niya ito ng makita ako. Pinilit kong wag matawa dahil sa paglaki ng mga butas ng ilong niya sa pagpipigil niyang maghikab.
"Goodmorning" bati niya habang kumakaway.
"Goodmorning din. Ingat sa pagdadrive" sagot ko habang nilalagay ang buhok ko sa likuran ng tenga ko.
Nagmukha akong pabebe sa move na yun. Kainis -_-
"Gusto mo bang sumabay?" aya niya.
"Naku hindi na" agarang sagot ko na parang pinipilit " magkaiba ang way natin, nakakahiya naman"
"Okay sige. Ingat ka din" sabay patakbo ng motor niya.
Nanatili akong nakatingin sa motor niyang umaandar hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
"Haaaay~ ang pagkakataon nga naman ay sinayang mo pa Scarlett Rose Garcia. Pagkakataon mo nang makayakap siya hindi kapa pumayag!"
After School
Habang naglalakad ako papasok ng subdivision namin nakita ko ang mga kaibigan kong si Irene, Christine at Anne.
"Irene!!" tawag ko habang tumatakbo papalapit sakanila.
"Oh Carly kakauwi mo lang din pala buti nakita mo kami para may makasabay ka pauwi dumidilimpa naman na"
"Oo nga eh buti nalang" kinuha ko ang panyo ko upang punasan ang namuong pawis sa noo ko gawa ng pagtakbo.
Madami dami din ang napagusapan namin hanggang sa kami nalang ni Anne ang natira. Magkalapit lang kasi kami ng bahay kumpara kila Irene at Christine.
"Alam mo Scarlett feeling ko may lihim na pagtingin sayo yan eh" tinignan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko ang barkada ni Laurence na nakaupo sa bench sa harap ng bahay nila.
"Sino sakanila?"
"Yun oh si Laurence" tiningnan kong muli ang lugar kung nasan sila at nakita ko si Laurence na iniwas ang tingin sakin ng makita niya akong tumingin.
Ang aga naman nitong umuwi. Himala!
Natawa naman ako sa sinabi ni Anne "baka ako ang may lihim na pagtingin sakanya" sabi ko habang umiiling. Tumingin ulit ako kay Laurence at nakita kong nakatingin na siya sakin ulit at nginitian ako "sana nga meron" bulong ko sa sarili ko.
Don't hate, appreciate!!!~ lablab :*
-Pengsuuuuuuu ^_^
YOU ARE READING
The First Love
RomanceMakalipas ang ilang taon naging okay kana, naging masaya kana ulit. Nakakangiti ng totoo at wala ng pait. Muli siyang magpapakita sayo at guguluhin muli ang nararamdaman mo, babalikan mo pa ba siya? Babalikan mo ba ang first love mo?