Chapter III

1 0 0
                                    

Sabado ng hapon abala ako sa padidilig ng halaman namin sa harap ng bahay ng makita ko si Laurence palabas ng bahay nila habang may kausap sa phone. Mula sa kinatatayuan ko rinig na rinig ko ang paulit ulit na pagsosorry niya.

"Nag-aaway siguro sila. Hindi man lang niya ako napansin. Siguro girlfriend niya yun- teka may girlfriend siya?!" nakaramdam ng lungkot ang buong sistema ko sa naisip ko na yun.

Nawalan na ako nang ganang ipagpatuloy pa ang pagdidilig. Pumasok na lang ako sa kwarto at nanood ng Meteor Garden sa laptop ko.

Magkikiss na sana si Shan Cai at Dao Ming Si ng-

"Scarletta!!! Yung hose sa labas hindi mo pinatay! Bahang baha na sa harapan ng bahay natin! Ang mahal mahal ng singil ngayon sa tubig tapos sinasayang mo lang!" sigaw ng butihin kong Ate Erich.

"Oo na! Oo na! Umihi lang ako saglit eh!" binuksan ko ang pinto at bumungad sa harapan ko ang mukha niyang namumula kakasigaw. "Sige na ipagpapatuloy ko na ang pagdidilig, dumidilim na"

"Wag kanang magdilig at parang nadiligan mo na lahat ng halaman sa harapan pati damo! Patayin mo nalang yung hose!" patuloy na pagbubunganga niya habang sinusundan ako pababa ng bahay.

"Nanggaling kana dun hindi mo pa pinatay? At saka bakit ba sigaw ka ng sigaw magkalapit na tayo eh. Dapat ikaw nalang ang nagdilig ng halaman gamit yang laway mong nagtatalsikan sakin. Hehehe (^3^)v" sabi ko sabay takbo

"Anong sabi mo!" rinig kong sigaw niya pero alam kong hindi niya ako hahabulin dahil tamad tumakbo ang isang yun.

Kinagabihan

Kakatapos lang naming maghapunan at umakyat na ako ng kwarto upang gawin ang mga homework ko. Sa sobrang kasipagan ko sa pag-aaral (hehe :P) hindi ko napansin na may nagtext pala sakin. Lagi kasing nakasilent ang phone ko since wala naman akong paggagamitan nito kung hindi ang games lang.

Unknown

Hi :)

Hindi ko pinansin yung nagtext. Pero alam niyo yung feeling na naiihi ka at natatae kasi feeling niyo yung tao na gustong gusto niyo yung nagtext.

"Hindi siya yan Scarlett, wag kanang mangarap dahil hindi ka niyan babalakin pang itext!"

tu-tuuuut~ tu-tuuuut~

Dali dali akong umupo upang tingnan kung sino ang nagtext. Nung makita ko ang number na iyon biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko na naman ang ihi at tae.

Unknown

Hi Scarlett :) si Laurence ito. Hiningi ko yung number mo kay Anne, sana okay lang sayo ^^

Nang mabasa ko ang text kung ano ano nang pumasok sa isip ko.

Omg liligawan niya na ba ako?

Eto na ba yung simula ng poreber namin?

Sa paanong paraan ko kaya siya sasagutin?

Kyaaaah! Saan kami ikakasal!

Gudness! Ilang anak kaya ang gusto niya!

Hindi na ako makapaghintay pa!

Come to me beybeh!

Thank you Lord!!!!

"Teka hindi pa ako nagrereply!"

Scarlett

Hello Laurence ikaw pala yan :) okay lang naman. So anong maipaglilingkod ko sayo? :D

Laurence Baby

Wala naman. Gusto lang kitang makatext, okay lang ba? :)

Nagtext kami ng nagtext hanggang sa hindi ko na malaman ang oras. Basta paggising ko may matamis na ngiting bumungad mula sa reflection ko sa salamin.

"Sana ganito nalang palagi"







Don't hate, appreciate guuuuysh! :* lablab

-Pengsuuuuuu (^^)

The First LoveWhere stories live. Discover now