Chapter 3

7.9K 235 14
                                    

Three Months Later

Kathleen took her customary seat around a generous size smoke glass table, joining the two women with whom she'd formed a fast friendship over the twelve weeks she'd been working at Daniel Brothers Tower. They always met for lunch at the same time and place thanks to Lexus, who'd been generous enough to offer the use of a small conference room connected to his office.

Nang magtipon-tipon na silang mga kasamahan niya sa opisina, agad namang nagpapakita sa kanila si Beth sa dyamanteng hikaw na suot nito. "Check these out, guys. Ito ang limited edition na hikaw ng mga Daniel. Aren't they gorgeous?"

"Naku sis! Ang ganda nga. Sino ba ang nagbigay sayo niyan? Pwede naming makilala?" Demanda ni Angel.

"I bought them for myself. Anong akala niyo sakin 'poor'?" nakangiting wika ni Beth. Nasanay na din sila sa kaopisina nilang ito kasi may pagka sosyal ito at galante sa mga kagamitan na binibili.

Bigla namang nag lean forward si Angel at bumulong ito sa kanila. "Well, I have a news flash, guys. You won't believe what I heard." Napatingin muna ito sa direksyon ng opisina ni Lexus bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Ay! huwag nalang kaya." bawi nito sa unang sinabi.

"Ipagpatuloy mo nga, bruha." saad pa ni Beth. "Wag kang mag-alala, nag lunch out ngayon si sir Lexus kasama ng kapatid niyang si Nicholas. Ako nga ang nagpabooked sa kanila ng restaurant." panigurado ni Beth. "Sabihin mo na kasi, tayo-tayo lang naman ang nandidito eh."

"Okay. Heto na." ani Angel at sadyang hininaan nito ang boses. "I heard something interesting about one of the Daniel brothers."

Tsismosa rin kasi itong si Angel kaya madali lang itong makahagap ng tsismis.

"Tungkol saan naman ang sasabihin mo, Angel? Sa business ba, finance or royalty?" tanong niya.

"Ang dali lang talagang makahagap ng tsismis ng babaeng ito tungkol sa magkapatid na Daniel." Tukoy ni Beth kay Angel.

Napakurap-kurap naman si Kathleen. "Are you talking about sir Lexus?" Napatango sa kanya si Angel kaya tuloy naintriga siya kung anong sasabihin nito tungkol kay Lexus.

"Nagpadesinyo kasi si sir Lexus ng engagement ring para sa espesyal na babae raw." ani Angel.

Sabay namang nanlaki ang mga mata nina Beth at Kathleen.

"Mag-aasawa na siguro sir Lexus. Wala na tayong pag-asa mga sis." komento pa ni Beth.

"May pinapabooked rin siya sakin na isang mamahaling restaurant this coming friday evening." dugtong na saad ni Angel. "Pero alam mo Kathleen, sa tuwing magkasama kayo ni sir Lexus para kayong perfect couple. Boto nga ako sayo eh para sa kanya."

Beth made a face. "Alam kung hindi ang mga kagaya ni sir Lexus ang tipo ni Kathleen, right besh? Oo, agree ako na bagay kayo ni sir Lexus, pero ayaw mo naman sa mga playboy ang dating, di ba?"

Nakaramdam naman si Kathleen ng pamumula sa sinabi ni Beth. "Tumigil na nga kayo, katulad rin nilang mga mayayaman ang mga bagay nila." basta nalang niyang nasambit ang mga katagang iyon.

"Eh di kung ma engaged na si sir Lexus, meron pa namang sir Maximus eh." ani Angel. "Nakita mo na ba ang kakambal ni sir Lexus, Kathleen?" Pero bago pa makasagot si Kathleen, si Angel na rin ang sumagot. "Malamang hindi pa, palagi kasi yong out of the country eh. Kung mag oopisina ito rito, tatagal lang ito ng mga tatlong araw lang. Nong huli ko nga siyang nakita rito noong araw ng kasal pa ng kanyang kapatid na si Sev."

"Hindi pa naman ako empleyado rito nong kasal nina sir Sev at ma'am Summer." paalala ni Kathleen. "Si sir Nicholas at saka si sir Sev palang ang nakita ko sa mga kapatid ni sir Lexus."

Angel tilted her head to one side. "Hmm. Sa pagkakaalam ko, pag may bagong Admin staff o di kaya department head si sir Lexus, ipakilala naman niya sa kanyang mga kapatid. Sounds to me that sir Lexus wants to keep you all to himself. He's probably afraid that if he introduces you to his brothers, baka mas magustohan mo ang isa sa kanila, lalong-lalo na sa kanyang kakam--"

"Tumigil ka nga diyan, Angel." putol ni Kathleen sa sasabihin pa sana ng kaopisina niya. "Makikita ko rin naman yong mga kapatid ni sir Lexus ngayong gabi, sa anniversary party natin."

"Kailan ba hindi mo man lang napagpantasyahan si sir Lexus na maging girlfriend niya?" tudyo pa sa kanya ni Beth.

"At ang maging asawa rin niya?" dagdag na tudyo naman ni Angel.

The two girls gazed sharpened on Kathleen, filled with open curiosity. "Alam mo Kathleen, napansin ko kasi na may gusto sayo si sir Lexus. Hindi ba talaga siya nanliligaw sayo? o tinatago mo lang ito samin ni Beth? Kung ako sayo, grab na opportunity, girl. Magpaanak ka rin sa kanya."

"Angela Fuentes! Yang bibig mo." Pinanlalakihan niya ng mga mata ang kasamahan. She must have realized she'd gone too far. Humingi naman ng paumanhin sa kanya si Angel at iniba na rin nito ang kanilang paksa. Pero gayunpaman, tsismis pa rin ang pinag-usapan nila na ito'y tungkol kay Severino Daniel.

Kathleen studied her friends uneasily as they chatted about the whirlwind marriage of the eldest of the eight Daniel brothers. Sa totoo lang, muntik na talaga siyang mabuko ng mga kaibigan na nobyo na nga niya ang kanilang boss na si Lexus. Ayaw niya kasing mapag-usapan kaya inilihim nalang niya ang relasyon nila ng kanyang boss.

Hindi na siya nakikisali pa sa pakikipagtsismisan ng dalawang kasamahan at itinuon na lamang niya ang buong atensyon sa kinakain niyang pananghalian. It seemed that after the sizzle and heat of her first meeting with Lexus in the lobby, the attraction between them had eased to a pleasant, comfortable warmth. Simula nong nakakakuryenteng handshake nila, hindi niya na muling naranasan ito kay Lexus, kahit ilang beses pa silang magkahawak-kamay at magkahalikan.

Totoo, mahal niya ang lalaki unang kita palang niya rito. Kahit mag-dadalawang buwan pa nga lang sila, he made it crystal clear how much he wanted her, to the point na gusto na nitong magpakasal sila kahit sekreto lang daw muna.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Hanggang kailan pa kaya nila itatago ang sekretong ito? Gayong nahahalata na sila ng kasamahan. Natatakot rin kasi siyang makutya dahil magkaiba naman talaga sila ng mundo ni Lexus.

She set her fork down and slipped her glasses onto the tip of her nose. It was time to face facts. She wanted what she'd felt when she and Lexus had first met. Tonight she intended to confront Lexus, to take their relationship to the next step and discover once and for all whether the spark still existed.

"Hoy, Kathleen?" Napaangat siya ng mukha at napatanto nalang niya na nakatayo na ang dalawang kaopisina niya sa may hamba ng pintuan. "Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Beth. "Ano pang hinihintay mo? Mag aala-una na."

"Ang prince charming ko." mahinang bulong niya sa sarili, saka dali-dali siyang tumayo.

*****

The Bogus Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon