Dedicated to: sanggrella101 yhen30288
Chapter:
Glaiza's POV
Grrr!!!
Pano kung nahalata ako?
I'm so dead talaga
Si Cristo ang nakaharap ko imposibleng di nya nahulaan
Nang biglang...
Tok tok tok
Binuksan ko ang pinto
Nang may mga alagad si Cristo na naparito
"Anong kailangan nyo?" Tanong ko
"Pinapasundo ka nang Panginoon" Sabi ng alagad
Kaya sumama nalang ako kahit na ang puso ko ay nangingipit na sa kaba
Lahat nang nakakasalubong namin ay puro nagbubulungan at kung makatingin sila sakin ay parang kahindik hindik ako
Tinignan ko rin sila nang mataman at bumalik ito sa katabi nya at muling bumulong. Alam kong lahat kaming anghel ay malakas ang pandinig pero hindi sa kapwa mong anghel. Kung hindi sa nakakababa sa'yo. Gaya nang tao
Nang makarating ako sa kaharian ay agad akong pinosesan
"B-bakit nyo ginagawa sa'kin 'to? Sa'n nyo ko dadalhin?" Tanong ko
"Panginoon ito na po ang iyong hinahanap" Sabi nang alagad nang diyos
"Glaiza Marie Cerezo! Ikaw na anghel na aking pinagkatiwalaan. Akala ko ba'y magiging tapat ka sa iyong tungkulin. Ngunit ano ang narinig ko sa aking isipan na ika'y may ninakaw na kristal. Ang pusong kristal na puso nang kwebang iyong pinuntahan" Sabi nang Diyos sa akin
"Panginoon, patawad di ko po iyon sinasadya. Maniwala kayo" Sabi ko
"Kahit anong parusa tatanggapin ko. Mapatawad nyo lang ako" Dagdag ko
"Isa ka sa mga naging tapat na alagad ko. Ngunit kailangan na kitang pakawalan. Ang parusang ipapataw ko sa'yo ay.." Sabi nang Diyos
"Ang ikaw ang mismong lumakad patunggo roon" Sabay turo nya sa may butas na kung sabihin natin ay ang impyerno
"Pero panginoon" Sabi ko pero wala na 'kong nagawa
"Masusunod panginoon" Sabi ko
Nanginginig akong lumakad nang mabagal. Lakad lang ako nang lakad pero di parin ako nakapunta roon. Di ko alam pero parang may humihila sa'kin na parang ayaw akong papuntahin roon
Nang malapit na ako ay huminga ako nang malalim
"Tatalon po ba ako?" Tanong ko sa panginoon
At tumango ito
Tatalon na sana ako nang nagsalita bigla si Cristo
"Ama... Pakiusap alam kong di yun sinasadya ni Glaiza nakita ko rin ang aninong kumokontrol kay Glaiza nang pumunta sya rito at kausapin ako at ibigay narin ang kristal" Sabi ni Cristo
"Kaya ama.. Pakiusap... Kung maaari'y baguhin mo ang parusang ipapataw sa kanya" Sabi ni Cristo sa panginoon
"Alam ko, kung gayon. Ang kaparusahang ipapataw ko sa iyo ay... Ang bantayan ang isang nilalang sa Mundo ng mga tao" Sabi nang Panginoon
______________________________________________________
(What can you say about this chapter. Tell your comments below)PS: Anuena
YOU ARE READING
Fallen Angel's Mission (To Be Continued)
Fantasy#150 in Fantasy Sa pagkakaalam natin' Ang langit ay puno ng pag-asa Sa isip lang natin' yun Dahil isang pagkakamali mo ay ika'y may parusa na May mabigat. May magaan Akala nyo ba? Pag nasa langit ka na Habang buhay ka ng nandoon? Depende. Pag mabut...