Dedicated to: sanggrella101
Chapter:
Sanya's POV
Nandito ako ngayon sa simbahan. Kakatapos lang ng pulong panalangin kaya lumabas na ako
Nang may makita akong babae na mukhang mayaman at nakahiga sa harap ng simbahan
Maganda sya pero nahimatay ata sya eh. Nang makakita ako ng tricycle driver kaya sinenyasan kong tulungan ako sa pagbuhat sa magandang dalagang ito
"Sino yan?" Tanong ng kapitbahay naming tricycle driver
"Manong Berto, pwedeng tulong muna bago tanong?" Sabi ko
"Oo na" Sabi nya
Nang malapit na kami sa tricycle nya ay dahan dahan namin syang sinakay at napansin ko yung kamay ni Mang Berto sa legs ng dalaga kaya pinatit ko ito habang hindi pa ito dumapo
"Aray!" Sabi nya
"Type mo na naman noh. Pero sa tingin mo magiging type ka nya? Wow magic" Sabi ko at sumakay sa tricycle nya
"Sakit mo naman magsalita. Di lang ako naka-aral. Tandaan 25 palang ako 25 ok" Sabi ni Mang Berto
"Oo na ako na ang 19. At pwedeng dahan dahan sa pagmamanahe. Baka masagasahan tayo ah" Sabi ko
"Opo ma'am" Sabi nya
"Hmmm.." Napatingin ako sa dalaga at antok na antok pa ito
"Opppss! Dito na" Sabi ko kaya tinigil na nya
Magbabayad na ako ng 30 pesos ng may sinukli sya sa'king 15
"Uyy! Diba dalawa kami. Diba dapat 30?" Tanong ko
"Di na, libre nalang para kay miss maganda" Sabi nya turo sa dalaga
"Wag ka nga tsaka di kayo bagay" Sabi ko
"Sus, bakit selos ka?" Sinasabi neto?
"Yuck, selosin mo mukha mo" Sabi ko at nagpakahirap na binuhat ang dalaga
"Pasalamat ka maganda ka!" Sigaw ni Mang Berto sa'kin
"Gwapo din naman ako eh" Bulong nya kaya natawa ako bigla at pinaandar na nya ang tricycle
Ang ganda naman nya. Marumi pa sya ah pero kahit anong view maganda sya. Hayyy
______________________________________________________
(What can you say this chapter. Tell your comments below)PS: Nagkita na si Sanya at Glaiza. Aba! Maganda toh. Abangan....
YOU ARE READING
Fallen Angel's Mission (To Be Continued)
Fantasy#150 in Fantasy Sa pagkakaalam natin' Ang langit ay puno ng pag-asa Sa isip lang natin' yun Dahil isang pagkakamali mo ay ika'y may parusa na May mabigat. May magaan Akala nyo ba? Pag nasa langit ka na Habang buhay ka ng nandoon? Depende. Pag mabut...