Chapter 9

38.6K 1K 176
                                    

 Hindi rin naman agad bumalik sa NEU sina Richelle at Zenn. Napagpasyahan kasi nilang sabay na rin mag-lunch. Inabot ng 15 minutes ang naging byahe nila bago makarating sa isang kainan na ngayon lamang napuntahan ni Richelle.

“Malapit lang ba ‘to, Zenn?”

“Masyado bang malayo para sayo?”

“May klase pa kasi ako mamayang alas-dos.”

“Ako rin. Kaya babalik tayo agad ng NEU bago mag-two.”

“Eh hindi ba mahal ang mga pagkain dito?”

“My treat.”

Umorder na sila pero nagtaka si Richelle dahil kaunti lang ang inorder ni Zenn para sa sarili niya. “Nag-aya kang kumain tapos ganun lang kakonti ang order mo?”

“Busog na kasi ako. Pero ikaw, alam kong yung Jelly Belly pa lang yung nakakain mo.”

“Paano mo nalaman?”

“Hindi ka kumain kanina sa cafeteria.”

“Teka, alam mo medyo weird na ah. Paano mo nalalaman ang mga bagay-bagay tungkol saakin? Ini-stalk mo ako noh?” Pabirong tinanong ni Richelle ngunit seryoso namang sinagot ni Zenn sa pamamagitan din ng isang tanong.

“Is it a bad thing?”

Natigilan bigla si Richelle at hindi halos makapaniwala. “Ini-stalk mo nga ako!”

“Not that. Is it a bad thing that I know a lot about you?”

Richelle was out of words. Bakit naman ang daming alam ni Zenn tungkol sa kanya? Gusto na niyang itanong kung may kinalaman ba si Zenn noong mga pagkakataong feeling niya ay may nakasunod sa kanya. Hindi niya lang natuloy dahil dumating na agad ang inorder nilang pagkain.

“Sorry.” Sabi bigla ni Zenn na may hindi maipintang expression sa mukha. Malungkot na nahihiya ito.

“Bakit ka nagso-sorry?”

“Siguro hindi na lang weird ang tingin mo saakin. Creepy pa.”

“You’re weird but not creepy.” Sabi ni Richelle na para bang sinisigurado niyang walang dapat ikahiya o ikatakot si Zenn. “Pero bakit nga ba ang dami mong alam tungkol saakin?”

“You’re not like the others. You’re nice. I like you. And if I like someone, I want to know everything about her.”

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon