Chapter 33

38.3K 1K 484
                                    

AEGYO'S NOTE: Read this update while listening to Serial Killer by Lana Del Rey. Enjoy! OH, AND PLEASE WAG PONG SPOILER SA COMMENTS! :)

Magkasama sina Richelle at Zenn sa iisang kwarto. Nakahiga sa kama, nakapaibabaw ang binata habang hinahalikan ang dalaga. Wala nang mas sasaya pa kapag sila ang magkapiling, iyon ang nasa isip ni Richelle.

Sa kalagitnaan ng kanilang romansa, biglang tumigil sa paggalaw si Zenn. Nagtaka naman si Richelle na parang bitin na bitin.

Laking gulat na lamang niya nang may hawak nang singsing si Zenn. Hand-made wire ring pa rin ito pero may kumikinang na diamond na sa gitna. “Payag ka bang magpakasal saakin, Iche?”

Napakurap ang mga mata ni Richelle habang nakatitig sa singsing, saka sa lalaking nagpo-propose sa kanya. Hindi na niya kinailangan pa ng oras para mag-isip, “Oo, Zenn. Oo ang sagot ko.”

Napangiti si Zenn. Muling naglapat ang kanilang mga labi at saka ito bumulong, “Until they are all dead, do we never part.”

Isa na iyon sa pinakamasayang alaala ni Richelle kasama si Zenn.

Yun nga lang, sa panaginip lamang ito nangyari.

Nagising si Richelle at wala talaga sa tabi niya si Zenn.

Gusto niyang matulog ulit. Gusto niyang makasama pa rin si Zenn. Gusto niyang ituloy yung panaginip kung saan alam niyang buhay ang binata. Pero…

“Iche...”

Naalarma siya sa boses na narinig niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakita niyang nakaupo na sa tabi ng kama niya si Shane—ang pumatay kay Zenn.

Nangibabaw agad ang matinding galit ni Richelle. “Lumayo ka saakin.” Mariin at nanginginig ang boses niyang binitawan ang bawat salita.

Ngunit hindi siya pinakinggan ni Shane. Sinubukan pa nitong hawakan ang kamay niya kaya nang gawin ito ng binata, galit niyang iniwasan ito.

Saka lang napansin ni Richelle na hindi niya kayang gawin ang pag-iwas at lalong may mali sa set-up na ito. Purong puti ang kwartong kinaroroonan niya at wala man lang bintana o iba pang gamit. Para palalain ang nararamdaman niya, nakatali pa ang mga kamay at paa niya.

“Ano ‘to? Bakit ako nakatali dito?” Nagpumiglas siya at pilit na kumakawala. “Pakawalan niyo ako! Tulong! Tulong!”

Dahil sa ingay na ginagawa niya, doon na pumasok sina Detective Dante kasama si Doctor Greg.

“Pulis? Pulis ka diba?” Unang napansin at naalala ni Richelle ang detective. “Pakawalan niyo ako… ilayo niyo ako sa lalaking yan!” Tukoy niya kay Shane.

“Richelle, huminahon ka.”

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon